Kahit pagod ang katawan ko dahil sa ginawa namin dalawa kagabi ay pinilit ko pa rin ang sarili na gumising ng maaga para ipaglutong almusal si Lester. Dahil pinayagan niya akong bumalik sa trabaho ay bibigyan ko naman siya ng pampalubag loob sa ginawa niya. Alam ko naman kasing napilitan lang siya na pumayag. Nagluto ako ng fried chicken, pritong talong at sopas. Nang matapos kong lutuin ay bumalik ako sa kwarto namin para gisingin si Lester. Napangiti ako nang makita ko siyang mahimbing na natutulog. Nakasuot siya ng puting sando at nakadapa. Nag-init ang mukha dahil bigla kong naisip ang sandata ni Lester na baka hindi makahinga dahil naiipit dahil nakadapa siya habang natutulog. Umupo ako sa gilid ng kama kung saan malapit sa kanya. Marahan ko siyang inuga. "Lester, gumising ka na