It has been more than four years since Veronica and I last met in America. The two of us met, but she still ran away from me. Pinaniwala niya sa'min na may asawa siya para hindi ko siya hanapin ngunit hindi ako naniniwala sa kanya. Tinapos ko ang pag-aaral ko ng kolehiyo sa Amerika, at pagkatapos ay bumalik ako ng Pilipinas para hawakan ang kumpanya namin. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong magtatagpo ang landas naming dalawa. Binuksan ko ang drawer ko sa ilalim ng office table ko upang kunin ang naging inspiration ko all over the years. Ang pulang box na may panty ni Veronica, at may kalakip na sulat. Sa tuwing nalulungkot ako ay palagi ko itong binubuksan upang pagmasdan at hawakan. "I fuckin miss you," bulong ko. Narinig ko ang tunog sa telepono kung kaya't sinagot ko iyon.