ILANG beses akong bumuntong hininga habang nakatingin sa bilog na buwan. Malamig ang hangin na dumampi sa aking balat. Nagsindi ako ng sigarilyo habang sa kabilang side ko ay may alak na kanina ko pa iinom. Kauuwi ko lang galing trabaho. Nang dumating ako sa Amerika ay pansamantala akong tumira sa kamag-anak namin. At pagkalipas ng isang linggo ay naghanap ako ng pwedeng tirahan dito. Ayokong tumira ng matagal sa poder ng kamag-anak ko. Tatlong buwan na ako dito sa Amerika ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasanay sa paligid. Palagi ko pa rin namimiss ang Pilipinas. Hinithit ko ang sigarilyo ay binuga ko ang usok ng dahan-dahan. "Malungkot ka naman." Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Ate Bebem. Isang pilipina na kasama ko sa bahay na tinutuluyan ko. Isa siyang ofw na