Kabanata 122 Tristan’s POV Nakasunod lang ako kay Lee habang tumatakbo siya patawid ng kalye para tignan ang pinanggalingan ng pagsabog kanina. Hindi ko naman talaga alam ang rason kung bakit may pagsabog. Kasi ang pinunta ko lang naman talaga rito ay si Lee. Para paaalalahanan na laging mag-ingat. Pero ito yata siguro ang ibig sabihin nang ma-wrong sent si Kuya Stanley sa akin noong nakaraang araw. Binalewala ko lang talaga iyon dahil hindi ko naman alam ang ibig sabihin noon, at sinabi lang niya sa akin na namali lang siya ng sent sa akin. Hindi naman ako nang-usisa pa. Kuya Stanley: Make sure that no one will notice. Kuya Stanley: Never mind about the text. Na-wrong sent lang ako. Me: Okay po. Iyan lang naman ang text niya sa akin sa araw na iyon. Pero wala rin ako