Kabanata 123 Cindy’s POV “Tito, bakit mo naman hindi sinabi sa akin na may gagawin pala kayong pagsabog sa paaralan. Paano kung napahamak ako?” “It’s not my problem anymore, Cindy. Matanda ka na, and you can protect yourself in any case.” ‘Di makapaniwalang bitiw ko ng hininga. Grabe hanggang ngayon, ganyan pa rin ang turing niya sa akin? Kahit kaunting simpatiya man lang o concern. Nailing na lang ako. “I couldn’t believe you, dad.” “Don’t call me dad, Cindy. Hindi kita anak.” Nanlilisik ang mata niyang turan sa akin. “Huh! I respected you, I did call you tito, kahit na sobrang labag sa puso ko. Kung sana buhay pa si mommy ngayon. Baka hindi ko isiniksik ang sarili ko sa pamamahay mo.