Kabanata 40 Harvey’s POV Wala ako sa sariling nagmamaneho ngayon ng aking sasakyan, habang nagmamaneho ako ay napapansin ko rin si Lee na wala rin sa kanyang sarili. Nakatanaw lang siya sa kawalan na parang ang lalim ng iniisip. Tungkol pa rin kaya sa napag-usapan ng aming pamilya kanina ang nagpapagulo sa kanyang isipan? “Ahh, Lee. Anong oras ba kita susunduin mamaya?” sinadya kong agawin ang kanyang atensyon sa pag-iisip. “Same time na lang, kuya. Wala na naman siguro kaming activity.” Aniya na wala pa rin sa akin ang kanyang paningin. “Okay,” hindi na lang ako nangulit pa. Baka kasi tungkol lang sa report nila ang iniisip niya. Baka makagulo lang ako. At baka iba lang ang naiisip ko kompara sa iniisip ngayon ni Lee.