Sam Hindi mawala ang bakas ng pag aalala sa mukha ko simula pa lang ng pag labas ni Jako mula sa kotse niya. Putok ang gilid ng labi niya, may maliit ding band-aid sa kanan niyang kilay at may mga nangingitim na pasa sa bandang panga niya. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko para lapitan siya. "A-anong? Anong nangyari sayo?" hindi ko malaman kung paano ko siya hahawakan sa mukha. Gusto kong haplusin ang mga pasa niya at sugat, baka sakaling may magic touch ako at kahit papano mawala ang sakit na nadarama niya. "Sinong gumawa nito sayo?" puno ng pag aalala kong tanong sa kanya. "Napag tripan lang ako ni Dean, nakainom kagabi eh." parang walang halagang sabi nito. Napasinghap ako sa narinig. "W-why Dean would… w-would do that?" si Dean? As in si Dean talaga ang gaga