Sam Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Naramdaman ko na lamang ang masusuyong dampi ng kamay sa mukha ko. I stirred from my sleep saka unti-unting nag mulat ng mga mata. Unang tumambad sa akin ang masisiglang mga mata ni Dean. Mabilis akong napabalikwas ng bangon pero agad din naman akong kinabig ni Dean pabalik sa mga bisig niya. "D-dean… Panong?" nag sleepwalk ba ako? Paanong ng magising ako magkatabi na kaming dalawa? "You were sleeping on the couch, bakit doon ka sumisiksik kung pu-puwede ka naman sa tabi ko so I carried you here in my bed." pinandilatan ko siya sa kakaibang pilyong ngiti niya. "Wala ka bang hangover? Sandali ipag sa-sandok lang kita ng soup, nag luto ako kanina eh." nag mamadali akong bumangon saka nag salin sa bowl pag balik ko naki