Chapter Nineteen
-Jacinto-
Nasa library ako ngayon at kakatanggap ko lang ng tawag mula kay Daddy na magkakaroon daw kami ng dinner ngayon sa bahay mismo ng mga Alcantara.
Ayaw ko sanang pumayag pero buo na ang plano nila Daddy at Tito Art para na rin sa ikatatahimik ng aming pamilya. Hangga’t nabubuhay pa kasi ang mga Alcantara walang katahimik sa aming mga buhay at maaari pang madamay ang aking mag-ina.
Alam ko naman kaya siyang protektahan ng kanyang pamilya pero gusto ko pa rin na ako mismo ang proprotekta sa aking pamilya. At sisiguraduhin kong magbabayad sila ng malaki sakin.
Sakay na kami ni Daddy ng kotse patungo sa bahay ng mga Alcantara. Kahit gusto na naming itong pagpapatayin ay hindi naming ginagawa gusto pa rin naming malaman ang totoong motibo ng mga ito sa angkan nila Tito Art.
“Kumpadres.” Masayang bati samin ni Mr. Alcantara at nakipagkamay pa samin.
“How are you, Freddie?” Ganting bati nito sa matandang lalaki
“I am fine Jaime, and I am happy that you accepted my invitation to you and my son-in-law. Let's go to the dining area and my daughter is also coming down.” Masayang salita nito.
Alam ko na ang mangyayari sa pag-uusap na to, pero tulad nga ng sabi ni Daddy ay kaylangan naming manahimik muna at sumunod sa agos.
Ilang sandali pa ay dumating na si Erica ang babaeng halos ialay na ang sariling katawan sakin. Pero kahit lasing ako ay hindi ko magawang pagbigyan. Isipin ko pa lang na m************k sa ibang babae ay nakukunsensya na ako.
Mula ng malaman kong may nangyari samin ng aking asawa ay nawalan na ako ng ganang gumalaw ng ibang babae.
Kinikilabutan ako sa paghawak nito sakin. Akala siguro ng babaeng ito hindi ko alam ang mga pinaggagawa nito sa likod ko,. Mula ng malaman ko ang tunay nitong pagkatao ay pinasubay-bayan ko na ito at nalaman ko ang lahat kahit ang tungkol sa kalaguyo nitong si Nic na kanang kamay ng kanyang Ama ay alam ko.
Nagkamali kayo ng kinakalaban mga De Lana ang kaharap ninyo, kaya naman binabalak n’yo pa lang ay alam na naming agad ang gagawin para hindi kayo magtagumpay.
Nanggigil ako sa mag amang ito kung magsalita tungkol sa asawa akala mo ay talagang mabuting tao. Kung hindi ko lang alam ang totoo baka mapaniwala pa nila ako sa kadramahan ng mga ito.
Pero nagkamali sila, kung inaakala nilang mahina kami. Kaya humanda sila kapag kami naman ang kumilos.
Natapos ang dinner na puno parin ako ng galit sa aking dib-dib. Tama lang na maging malapit kami ni Erica ngayon para madali na para sakin ang pabagsakin sa mga ito.
"So babe,! what time will you pick me up tomorrow for our date." Gusto kong masuka sa pagpapalambing sakin nito akala mo mahinhin ang p*ta.
Nasa may pintuan na kami ng bahay nito dahil aalis na kami ni Daddy. Nakita kasi nito na hindi na ako natutuwa sa mga naririnig ko kaya naman ito na mismo ang gumawa ng paraan para makaalis na kami.
"Maybe before lunch we can eat together, it's up to you where you want to eat lunch." Sagot ko sa pilit na ngiti dito. Para naman itong bata na gusto ng magpabuhay dahil halos kargahin ko na ito sa sobrang lapit nito sakin.
Nakapulupot ang mga braso nito sa leeg ko at nakahilig ang ulo sa aking leeg at hinihimas pa ang dib-dib ko. Nangdidiri ako sa bawat haplos nito sakin pero kaylangan kong tiisin ang lahat para din sa plano ko.
"We have to go home, I'll just call you tomorrow okay." Aniko dito ngumiti ako dito na alam kong ikakakilig nito, at hindi nga ako nagkamali dahil kaylan wala pang nakakatangi sa ngiti kong makalaglag ng p*nty.
"Ok, I'll wait for you to call me, promise me you won't be late so we can make the most of the time we have together, babe." Malambing nitong salita sakin at patuloy lang sa paghimas sa aking braso. Napapangiti rin ito sakin.
"Ok, i promise" Sagot ko lang dito at umalis na ako sa pagkakayakap nito. Nagmamadali akong pumasok sa aking kotse nauna na rin kasing umalis si Daddy kanina kaya naman minadali ko na lang ang pagpapatakbo.
Gusto ko na kasi makita ang aking mag-ina kahit na alam kong tulog na ang mga ito, masilip ko lang ang mga ito ay okey na sakin. Ang importante ay nakikita ko sila na masaya at hindi nadadamay sa gulo na meron ang pamilya namin.
Pasado alas onse na ng gabi ako nakarating sa mansion nila Tito Art. Nasa bungad pa lang ako ay nakikita na ang daming tauhan sa buong paligid ng mansion.
Pababa na sana ako ng kotse ng matanaw ko si Tito Art na nakatayo sa pintuan ng kanilang mansion nakutuban siguro nito na pupunta ako kaya ako nito inabangan.
"Tito Art good evening po." Mahinang pagbati ko dito.
"They are already asleep, so why did you come here?" Matigas nitong sagot sakit. Ganito talaga si Tito Art parang si Daddy kung magsalita lalo na kung hindi nila gusto ang kaharap.
"I know my wife and my son are already asleep. But even so, I still want to see them even when they are asleep. I will also leave when I am sure they are resting okay." Aniko dito sa mababang boses, hindi ko pwdeng magpakita dito ng pagkagalit dahil siguradong ni anino ng mag-ina ko ay hindi ko na makikita pa.
Kaya nagtitiis talaga ako sa pinapakita sakin ni Tito Art na hindi niya ako gusto para anak niya. Pero kung una palang alam ko na kung sino ay hindi ko ito itatrato ng ganon, hindi ko rin sana ito nasaktan pa.
"They are safe here in my house. Then we have a talk, that you will let my daughter remember you on her own. You will not force my daughter to remember you.?" Mahina po galit nitong salita sakin. Naka yuko lamang ako dito, kahit masakit ay tinatanggap ko pa rin ang pinasasabi nito sakin.
Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalita sa likuran nito. At laging gulat ko ng makita kung sino ito. Nakasuot ito ng isang manipis at mahabang kulay puting nighties, napapalunok akong makita ang hubog ng katawan nito at kahit mahaba pa ang suot nitong damit nakikita ko pa rin kaputian nito.
Matagal ko na rin naman na maganda ang katawan nito pero nabubulag lang ako sa galit na nararamdaman ko dito.
"Daddy, sino po ang kausap n'yo.?" Tanong nito malambing na boses. Piling ko tuloy pinahehele ako sa boses nitong sobrang lambot at lambing.
"Ah, Mr. De Lana is the only one I'm talking to, we're just talking about something, that's why he is here at this time." Sagot nito sa aking asawa na ngayon ay nakatingin na sakin ngayon.
Gusto ko itong takbuhin at yakapin ng mahigpit at halikan dahil sa sobra ko na itong namimiss.
"Ah, ganon po ba. Daddy okey lang din po bang makausap ko din siya pagkatapos ninyong mag-usap kung okey lang po sana Daddy." Salita nito at kay Tito na ito nakatingin. Tumingin naman sakin si Tito at ang tingin nito ay isang makahulugan at alam ko na ang ibig sabihin nito.
"Pero gabi na anak bawal sayo ang magpuyat at baka sumakit naman ang ulo mo. Kung gusto mapahinga ka muna at bukas kayo ng umaga mag-usap ni Mr. De Lana." Anito sa kanyang anak. Napatango naman ito sa Ama at nagpaalam na babalik na sa kanyang kuwarto.
Gusto ko man ito pigilan pero pinigilan ko pa rin ang aking sarili. Napatingin na lang ako sa likod nitong papaalis at ng hindi ko na ito natanaw at nagpaalam na rin ako kay Tito Art. At babalik nalang ako mamaya tulad ng sabi nito.