MY LOVING FAMILY

1020 Words
Chapter Twenty -Ariya- Narito ako ngayon sa garden nag-aayos ng mga bulaklak na bagong dating galing sa farm ni Kuya Alas. Mahilig din kasi sa mga halaman ang asawa nito na si Ate Alice. Nakilala ko na ang mga ito ning araw na dumating ako dito sa bahay. Ate ang asawa ni Kuya Akie na si Ate Meanne pati ang mga pamangkin ko sa mga ito ay nakilala ko na rin. Noon ko lang naramdaman na buo na ang aking pagkatao. Hindi ko rin maintindihan ang pakiramdam ko ngayon ko lang sila nakilala pero parang matagal ko na silang kilala at nakakasama. Kaya ganon ang kapanatag kong manatili sa bahay na ito dahil na rin sa pinapakita nilang pagmamahal sa aming ng aking Anak na si Julio. Hindi ko man sila maalala pero masaya pa rin akong nasa piling nila ako. Nasa ganon akong pag-iisip ng may magsalita sa aking likuran. "Wife!" Mahina pero mababakas dito ang boses na pagkasabik at pangungulila. Napatingin ako dito at hindi agad nakapagsalita ng bigla na lang ako nito yakapin at halikan sa aking noo. "I really miss you my lovely wife."Madamdamin nitong sabi sakin. At patuloy lang sa paghalik sa aking ulo. "Ah, eh! okey lang po ba na mag-usap muna tayo. Meron lang akong gustong malaman sayo kung okey lang po sana.?" Magalang kong sabi rito. "Can you remove the word "po" my wife? You make me look old." Sabi nito sakin at inalalayan akong maupo sa isang upuang kahoy na malapit sa aming dalawa. "Okey, po!" napatawa naman ito sakin dahil sa pagbanggit ko ulit ng "po" nag peace sign na lang ako dito. Ngumiti naman ito sakin, napakamot naman ito ng ulo bago muling tumingin sakin. "What do you want to know my wife? Do you remember anything?" Tanong nito pero makikita ang pag-aalala sakin. "Wala naman,. Ah, gusto ko lang malaman kung bakit tayo hindi magkasama. Diba ang mag-asawa dapat palaging magkasama? Pero tayo hindi man lang nagkikita ng madalas? Nakanguso kong sabi dito. Ngumiti naman ito sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Kung alam mo lang kung gaano ko ka gustong makita at makasama kayo ng anak natin. Pero hindi mo pa kasi ako naaalala kaya naman gusto kong hayaan na muna kita kasi alam kong mahirap pa ang pinagdadaanan mo honey." Paliwanag nito habang yakap ako at mukhang ayaw humiwalay sa mga bisig ko. Para itong batang namiss ng sobra ang kanyang ina. Napapangiti naman ako dito habang pinagmamasdan ko kung paano nito paglaruan ang mga kamay naming magkasalikop na ngayon. Nasa duyan na kasi kami at nakahiling ako sa balikat nito. Napag-usapan na rin namin na hindi ko mamadaliin na maalala ito dahil baka makasama lang sakin,. Madalas kasing sumasakit ang aking ulo sa tuwing pinipilit kong may maalala. Nagkaroon na rin kami ng usapan na every week end ay makakasama kami kahit dito lang sa loob ng mansion ng sa ganon ay mas mabilis ang pagbalik ng aking mga ala-ala. Naging panatag akong kasam ito, pero meron akong iba pang nararamdaman na hindi ko maintindihan. Naging ok ang pag-uusap namin ng umagang yun at ayaw pa sana nitong umuwi ng biglang may tumawag sa phone nito. "Sorry, I have to leave first but I promise I'll be back honey." Salita nito mahinahong boses. Inaayos pa nito ang buhok kong nakaharang sa mukha ko at muli ay naramdaman ko ang halik nito sa aking noo. "I love you honey." Malambing at malat nitong sabi sakin. "Please be careful Jacinto." Sagot ko sa kinakabahang boses. "I promise to always be careful for you and our child." Sabi nito at niyakap akong muli. Nanoo't na sa ilong ko ang mabango nitong pabango na ang sarap amoy amuyin. Ganito kaya ito ka sweet sakin noon. O ginagawa niya lang ito ngayon. Para kasing wala ako maalala na ganito ito ka sweet sakin. Piling ko kasi bago ang lahat ng ginagawa nito sakin. Napabuntong hininga na lang ako sa mga pumapasok sa aking isipan. Bakit parang piling ko nasasabik akong maranasan dito ang isang pagmamahal. Na ipinapakita nito sakin ngayon. Nang makaalis ito ay bumalik na ako sa loob ng bahay ng makita ko sila Daddy at Kuya Akie na nag-uusap sa sala. Napalapit sakin si Kuya Akie at humalik sa aking noo si Daddy naman ay inakbayan ako sa balikat at pinaupo sa tabi nila. "How are you Ariya?" Tanong sakin ni Kuya Akie. "Okey, naman po Kuya." Mahinang sagot ko dito. "How was your conversation with De Lana earlier?" Seryosong tanong sakin ni Daddy na ngayon naka tayo na malapit sa bintana at may hawak ng baso na may lamang alak. "Maayos naman po Daddy, nagpagusapan namin na hindi ko mamadaliin na maalala siya. Pero gusto ko po sanang magkaroon ng time para sa mag-ama ko kung ok lang po sana sa inyo." Anito ko dito habang nakayuko, nahihiya kasi akong magsabi ng aking nararamdaman piling ko kasi magagalit ito sakin. Pero nararamdaman ko naman ang pagmamahal ng mga ito sakin. It's good if he let you remember on your own. It will be better for you if you yourself can discover the memories you lost." Sagot ni Daddy na nakatalikod samin ni Kuya Akie. "Thank you po sa pag-aalaga ninyo sakin, kahit na hindi ko rin kayo maalala nagagawa n'yo pa rin po akong tanggapin pati na rin po ang aking anak. Salamat po talaga sa inyo." Naluluha kong sabi sa kanila. "baby! no matter what happens to you, we will accept you wholeheartedly, because we love you so much because we are your family. And we are ready to defend you from all who hurt you. So don't be shy to tell us how you feel, is that clear?" Mahabang paliwanag sakin ni Kuya Akie at hiyakap ko. Napapangiti naman akong isipin na may ganito akong pamilya. Mabubuting tao at mapagmahal. Naisip kong kahit wag na bumalik ang mga ala-ala ko ay ok lang kasi nasa tabi ko naman sila at handa nila akong alagaan. Pero sa kabilang pag-iisip ko may nagsasabing dapat kong malaman kung ano ang nakaraan ko para buo kong matanggap ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD