Chapter Fifteen
-Jacinto-
Nagmamadali akong lumabas ng aking kotse dahil tumawag sakin si Raymond at sinabing gising na ang aking asawa. Sa pagmamadali ko hindi ko na rin nagawang kumatok pa, pero napahinto ako ng makita kong andito ang buong pamilya niya.
Kayakap niya ngayon si Tita Arriana ang kanyang tunay na ina, at napayuko akong tumingin kay Tito Art na ngayon ay nakatingin din pala sakin ngayon.
"Mommy, I miss you po saka bakit po pala ako ngayon andito sa hospital ano po ang sakit ko at may benda po ang ulo ko." Parang bata nitong sabi sa kanyang ina na ngayon ay umiiyak at hinahaplos ang buhok nito.
"Ah, wala naman Baby Ariya ko natuntog ka lang kaya nagkaroon ka ng maliit na sukat sa ulo mo anak." Umiiyak naman na sagot ni Tita dito.
Dahan-dahan ko lumapit dito pero makikitq sa mukha nito ang saya na muli nitong nakasama ang kanyang mga magulang, hinanap ko sa paligid ang aming anak pero wala ito kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.
Naramdaman ko naman ang pagtapik sa balikat ko ni Raymond.
"Julio is not here at Tito Art's mansion, they are the only ones who will explain to your son about his Mommy's condition." Bulong nito at tinanguan ko na lang alam kong hindi ko kayang pigilan ang gusto ni Tito Art.
"Kayo po ang Mommy ko?" Tanong nito sa Ginang.
"Baby, ako ang Mommy mo at siya naman ang Daddy Art mo". Sabay turo nito kay Tito Art na nakaupo lang na parang hari at nakatingin sa aking asawa.
Hanggang sa amin napunta ang tingin nito.
"Eh, sila po sino sila." Lumingon naman samin si Tita at tumango sa aming dalawa ng kaibigan ko.
"Baby, mga anak sila ng freind ng Daddy mo." Sabi lang nito sa dalaga at pinalapit kami at pinakilala dito.
"This is Raymond, Tito Rey's son. And this is Jacinto, your Tito Jaime's son, do you remember them baby?"
Pakilala samin ni Tita, tumingin ito saming dalawa at mukhang pinipilit na maalala kami pero umiling lang ito. Bagsak naman ang balikat kong yumuko at ngumiti na lang kay Tita para sabihin na ayos lang ako.
Dumating pa ang ibang kapatid ng asawa ko at hindi na rin naman ako nailang na harapin ito dahil halos kilala ko din naman silang lahat. Magkakasama kami sa underworld at alam kong nasabi ni Tito Art ang tungkol sakin.
"Dude, how are you? Does sister Ariya remember you?" Tanong sakin Alden ng makita ako nito na nakaupo malapit sa ate niya. Hindi ko kasing magawang lumayo dito, kahit na alam kong nakikita nito ang pagtitig ko habang kausuap ang ibang kapatid na lalaki nito.
"She still doesn't remember me, but I will do everything so that he remembers me and his son." Sagot ko dito.
"I know you can do it Dude, just let him be with our parents first. I know you and Ate Ariya will have a good relationship." Anito at tinapik ang balikat ko, tumango lang ako dito at seryosong tumingin sa iba pa nitong mga kapatid na napapatingin na rin sakin.
Si Alden lang din kasi ang kasundo ko kahit noon pa, pero ang iba pa nitong kapatid ay hindi ko gaanong nakakausap. Hinayaan ko na lang din kasi wala rin naman sakin ung ayaw nila ang importante sa akin pa rin ang asawa ko.
Makalipas ang apat na araw ay nakalabas ito ng hospital sinabihan ko ni Tito Art . Na wag ko muna daw ito dalawin palipasin ko muna raw ang ilang linggo.
Ayaw ko man ay pumayag na lang ako nagkausap na rin kami ng aking anak at alam na rin nito ang kondisyon ng kanyang ina.
Kaya naman mas lalo akong walang magawa. Gusto ko pa rin naman na makitang masaya ang aking anak kahit papaano.
Nasa loob ako ngayon ng aking opisina para tapusin ang lahat ng dapat kong tapusin dahil kaylangan kong umalis ng bansa sa susunod na linggo.
Nakapokus lang ako ng biglang may kumatok at pumasok ang aking secretary.
"Mr. De Lana Sorry for the inconvenience, but Mrs. Lacsamana is outside wants to talk to you?" Salita nitong nakayuko sa aking harapan.
Napatingin naman ako sa binangit nito pero hinayaan ko na lang na makapasok ang Ina ng aking asawa.
"Good morning Mrs. Lacsamana, did something happen to my wife?" Kinakabahan kong sabi dito. Pero nakatingin lang ito sakin at aaminin kong sobra akong natatakot sa mga tingin nitong hindi ko mabasa.
"I'm sorry for suddenly coming here to your office without notice, I just wanted to talk to you and know how my daughter's life has been with you. Art didn't want to tell me the story so I thought I'd just go to you, I had no idea that you had our Ariya." Sabi nito na lalong ikinaayos ko ng upo, alam kong mangyayari ang bagay nito pero hindi pa rin ako handa sa mga sasabihin dito.
"Ah, Aunt Arrianne, I know something is wrong, but believe me, I didn't even know that Marta or Ariya was your daughter. Mr. Alcantara only married her to me, who I thought was his real daughter. And... " Hindi ko na tululoy pa ang sasabihin ko ng itaas nito ang isang kamay para patigilin ako sa aking sasabihin.
"I know that thing, what I want to know now is if you have been a good husband to my daughter. Did your marriage go well? I hope it's ok with you because I'm still a mother. Do you love my daughter?" Mahinahon nitong sabi pero makikita sa mga mata nito na umaasa sa sagot ko na maayos lang ang lahat.
Napabuntong hininga ako bago ko ulit ito tignan sa mata.
"I love my wife" Taas noo kong pagkakasabi dito. Pero tumayo lang ito at lumakad papuntang pintuan ng muli itong nasalita.
"I hope my daughter remembers you" Makahulugan nitong pagkakasabi, alam kong may ibig sabihin ito pero handa kong gawin ang lahat makasama ko lang ulit ang aking asawa.
Pabagsak kong sinandal ang aking likod sa upuan at pinatong ang aking kanan braso sa aking mga matang ngayon ay nararamdaman ko ang pagluha ng mga ito.
"I really miss you my wife, please remember me, please. I love you so much" Sabi ko sa mahina at umiiyak na boses.