Chapter Sixteen
-Ariya-
Nagising ako sa isang kuwarto na kulay puti ang makikita sa paligid, hanggang sa maramdaman ko ang kamay ng isang ginang na umiiyak at hinahaplos ang kanang kamay ko sa aking tabi.
Gulat na tingin naman ang binigay ko dito pero mabilis lang akong niyakap nito at muling umiiyak sa balikat ko.
“Ah, Ma’am sino po kayo? At bakit po kayo umiiyak.” Kinakabahan kong tanong dito pero mas lalo lang ito umiyak habang yakap ako nito ng mahigpit.
“I'm your Mommy?” Sabi nito naikinagulat ko. Dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, ay hinayaan ko na lang muna ito.
Para iba kasi ang pakiramdam ko nagagalak ang aking puso na makita ito pero nasasaktan ako sa pagluha nito sa aking harapan.
Hanggang ilang kalalakihan pa ang pumasok sa loob ng silid ko at lahat sila ay niyakap ko at isa-isang nagpakilala, hanggang ang aking Ama ang huling yumakap sakin ng mahigpit.
“How are you feeling my daughter?” Tanong nito habang makikita ang ilang takas ng luha nito n amabilis din namang pinunasan.
“Ayos naman po ako sir?” Sabi ko sa nangangatog na boses.
“I am your Daddy.” Mabilis nitong sagot sakin kaya napatango na lamang ako dito.
“We are your real family so you should get used to it. And if you are still confused you can ask us.” Walang imosyon pagkakasabi ni Kuya Alas ang pinakamatanda daw sa aming lahat. Sobra ang pagkaseryoso nito at malamig itong tumingin.
“Yes sister, don't be shy to ask because we can answer all your questions?” Natatawa naman sabi ni Alden ang pangatlo sa aming apat, ito pala ang bunso at sumunod sakin.
Napapangiti na lang ako dito at hindi ko na lang muna pinansin ang mga sinasabi ng mga ito dahil sobra pa akong naguguluhan.
Ilang araw pa ang lumipas at dalawang lalaki naman ang dumalaw sa akin. Sila Raymond at Jacinto mga anak daw sila ng kaibigan ni Daddy ko.
Yes! Tanggap ko na sila bilang pamilya ko dahil sa ilang araw na kasama ko ang mga ito ay nakasundo ko agad lalo na si Alden na palaging nagpapatawa sakin.
Nagulat pa nga ako sa pagpasok nung Jacinto at tumingin pa sakin na naluluha ang mga mata.
Pero nakita ako ang pagyuko nito na parang nalugi ng hindi ko malaman. Si Mommy ang nagpakilala sakin sa mga ito at nang mahawakan ko ang kamay ng binatang si Jacinto ay may naramdaman akong kakaiba dito, piling ko ay matagal ko na itong kilala at nakikita ko sa mga mata nito ang pangungulila. Pero sadyang wala akong maalala sa mga ito kaya walang akong masabi.
Pagkaraan ng apat na araw ay nakauwi na ako sa mansion ng pamilya ko akala ko pa nga ay kasama ko ang mga kapatid kong lalaki pero hindi pala dahil may sarili na palang asawa sila Kuya Alas at Kuya Akie, si Kuya Alley naman ay may sarili na ring condo na malapit daw sa office nito at sa lahat daw iyon ang may sariling mundo pagkukuwento pa rin sa kin ni Alden.
Kaya ang naiiwan na lang sa bahay ay sila Daddy at Mommy at ngayon ay kasama na nila ako. Si Alden kasi nag-aaral sa ibang bansa naririto lang siya dahil sa akin, pero malapit na raw itong bumalik sa Europe para tapusin ang pag-aaral nito.
Nasa sala ako ng lapitan ako ni Daddy at Mommy na may kasamang batang lalaki na siguro ay nasa edad na asim o pitong taon gulang.
“Iha, how are you feeling? Tell me if anything hurts so we can call your doctor.” Tanong sakin ni Daddy ng makaupo sa aking tabi. Naupo na rin naman sila Mommy at ang batang kasama nito.
“It's okay Daddy, thank you for taking care of me, I know my memory is not complete but I see you in my dreams so I know you are my real family.” Nahihiya kong salita sa mga ito at napapayuko pa ako sa mga ito.
“It's okay my daughter, we know your memories are coming back at the right time. We will wait for you to remember everything because Daddy and I love you and your brothers.”
Sabi naman ng naluluha kong Ina. Yumakap ito sakin kaya naman napayakap na rin ako dito dahil mararamdamam mo ang pagnanais nitong makaalala ako.
“Mommy.” Tawag naman ng batang lalaki, nagulat pa ako dahil sakin siya nakatingin at naluluha ito habang nakatayo sa aking harapan.
“Mommy????” Kunot-noo ko naman tanong dito at muling tumingin sa aking mga magulang.
“Yes! Julio is your son” Salita ni Daddy sa seryosong boses. Tumingin ako dito pero tumango lang ito sakin hindi pa man ako nakakagalaw ng bigla na lamang yumakap sakin si Julio at patuloy sap ag-iiyak.
“Mommy, I miss you so much, Mommy La and Daddy Lo told me that you are sick, that's why you can't remember my Daddy and me.” Sabi ni sa umiiyak na boses. Ibig sabihin ay may asawa at anak na ako. Habang yakap ko ito nakaramdam ko ng kakaibang pakiramdam na masaya ang aking puso at wala sa sariling niyakap ko din ito pabalik naramdaman ko ang init ng yakap nito na alam ko rin naman namiss ko.
Hindi ko alam talaga ang mga nawalang ala-ala sakin, para pati ang aking sarili kong anak ay hindi ko maalala pa.
“Mommy, you know we have many memories together. I can tell you all about it. In this case, Daddy Lo said you shouldn't because you might just get a headache and be taken to the hospital. I don't want to lose you from Mommy because I love you and Daddy so much.” Sabi nito habang nakahiga na kami sa aking kama niyakap ko na lang ito ulit ay niyaya na matulog na lang muna.
Ewan ko pero parang ayaw ng utak ko na malaman ang tungkol sa Daddy nito, pero iba ang sinasabi ng puso ko kaya talagang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.
Kaya naisip kong sumabay na lang sa agos ng buhay ko kung may maaalala ko eh di hayaan ko na maalala ang lahat pero kung wala hindi ko muna pipilitin kasi baka lumalala pa ang nararamdaman ko.