Chapter 1

2130 Words
“MANONG Arthur! Where the hell are you?” Naririnig ko na naman ang dominanteng sigaw ng kamahalan. Ang kamahalang nagmula sa impyerno upang maghasik ng kasamaan sa sanlibutan. Kumalampag nang malakas ang pinto pabukas. O, mas magandang sabihin na sinipa iyon ng halimaw. “Alvior, have you seen Manong Arthur? Palagi na lang nawawala ang matandang iyon kapag kailangan ko!” Hindi ko pinansin ang maaskad niyang pagtatanong at nagpatuloy lamang na nagkusot ng mga damit niyang pinalaba niya ng manu-mano sa’kin. Wala talagang puso ang hinayupak na nilalang na ‘to. Ang dami-daming katulong na pwede utusan iyong matanda pa talaga ang hinahanap. Wala talagang kamoral-moral sa dugo. Si Manong Arthur ay ang matagal ng hardenero ng pamilya nila na technically ay pamilya ko na rin. “Tatanungin ulit kita, nakita mo ba si Manong Arthur?” mariin niyang tanong muli. Nag-iba ang tono niya kaya alam kong magagalit na naman siya kapag nagpatuloy ako sa pagdedma sa kanya. Huminga muna ako sa kawalan bago siya pinatay ng paulit-ulit sa isip ko. “Hindi,” sagot ko ng labas sa ilong. “You‘re useless!” anito at saka ulit pabalibag niyang isinara ang pinto ng laundry area. Inis na hinagis ko naman ang brief niya sa sahig. Tumayo ako at saka tinapak-tapakan iyon. Sa ganoong paraan ay naibuhos ko ang pagkainis sa kanya. Ang akala ng mokong na Reed na iyon ay porket wala si Mama Eula at Daddy Frank, magagawa na niya akong manduhan? Tingin ba niya ay pwede na niya akong alilain kahit kailan? Ngayon lamang ito dahil alam niyang may hihilingin akong pabor sa kanya. Kaya nga sa sobrang tuwa ng mokong ay nag-pa-party pa. Mapagsamantala rin talaga ang bwisit. Akmang, uupo na sana ulit ako nang mag-ring ang Skype App sa cellphone ko. Kahit paano ay nawala ang inis ko nang makitang si Concon ang tumatawag. Bumungad sa akin ang mukha niya sa screen. Ang gwapu-gwapo niya sa suot niyang uniporme. Nag-mature na rin ng konti ang features ng mukha niya. Lumapad rin ang balikat niya. Ang puti-puti pa niya. Hiyang talaga ang loko sa London. Ilan na kaya ang babaeng napaiyak nito? “Hi, Little Bro! Kumusta na ang pag-aaral? Si Mommy Eula, kumusta?” masayang bungad ko sa kanya. “Oh, naglalaba ka, Ate? Bakit ikaw ang naglalaba?” Mas nauna pa niyang napansin ang labada ko kaysa sa itinanong ko. “Ah, ito ba?” Itinaas ko ang brief sa tapat ng camera na may tatak na bench para naman makita iyon ng kapatid ko. “Isa sa mga pahirap ng halimaw.” Tumawa naman siya at sumipol. “Pang-model ang brand, ah,” aniya. Hindi ako umimik pero umirap ako sa kawalan. Siyempre model naman talaga ang halimaw na Reed na iyon. Sa tindi ng itim ng budhi niya aba‘t sinuwerte pa talaga ang gago dahil mabilis na sumikat. Lahat ng building sa Metro Manila ay nakakalat ang billboard niya. Imbis na rito ko lang siya nakikita sa mansyon, pati sa labas nakikita ko pa rin ang mukha niya. Hindi ako makatakas-takas sa kapangyarihan niyang taglay. “Hindi talaga kayo magkasundong dalawa ni Kuya Reed. Mabait naman siya sa’kin. Pakabait ka rin kasi,” aniya. “Baka sayo mabait.” Madaling sabihin pero mahirap gawin, lalo na kung hindi talaga kayo compatible magkasundo. Ginawa ko na ‘yan dati. I treated him nicely pero lalo lang niya akong pinahirapan. Not physically but verbally. Kaya tumatag nang husto ang emosyon ko pagdating sa kanya. Natutunan ko rin ang mga takteka ng pambabalewala sa mga insulto niya. Talo ang pikon. Iyon 'yon. Saka, ano'ng sabi ng kapatid ko? Kuya raw? Yuck! Kuya, my ass! “’Wag mo nga siyang tawaging kuya. Siya dapat ang tumatawag sa’yo niyan dahil isip imbecile siya. Ang tanda na pero dinaig pa ng may forty-seven chromosomes kung mag-isip." Tinutukoy ko ang isang sakit ng tao kapag sobra ang chromosomo ng DNA. Kung titimbangin ang utak ni Reed sa utak ng kapatid ko, mas mabigat na pihado ang kay Concon kumpara kay Reed na puro paghuhubad sa magazine lang ang alam. Abs niya lang ata ang may laman, pero ang utak, puro singaw. Wala man lang namana sa magulang, kahit kabutihang puso. “Marinig ka ni Mommy Eula. Baka isipin niya, duda ka sa genes niya. Malapit lang siya sa’kin. May kinakausap lang.” Mabilis kong natutop ang bibig. “Sorry, Bro.” Napa-peace sign na lang ako rito. Napahiya ako bigla. Hindi ko talaga makontrol ang sarili ko pagdating sa Reed na iyon. Makita ko lang siya. Marinig ko lang ang timbre ng boses niya o kahit ang mga yapak niya rito sa mansion nag-u-unahan umatake ang inis sa ugat ko. Kung hindi lang malaki ang utang na loob namin kay Mommy Eula sa pagkupkop sa amin, nunca ko siyang rerespetuhin sa harapan ng mga magulang niya. Napakalaki ng utang na loob namin sa pamilya niya. Kung hindi kasi dahil kay Daddy Frank at Mommy Eula, siguro sa kalye kami ngayon nakatira noong hindi kami balikan ng nanay namin. Nanlilimahid siguro kami sa dumi at nanlilimos. Wala naman kasi kaming kamag-anak na gusto kaming kupkupin. Sinubukan namang ipahanap ni Mommy Eula ang iba naming kamag-anak sa side ni papa pero gano’n rin. Ayaw din nila. Hirap din kasi sa buhay. Magiging pabigat lang kami. Kaya, nagdesisyon si Mommy Eula na ampunin na lang kami. May problema na kasi ang matris niya kaya hindi na nasundan pa si Reed. Siguro, kung hindi sa pagmamahal ni Mommy Eula at Daddy Frank, hindi makakapag-aral ang kapatid ko sa isang prestiyosong paaralan sa London. Halata ko rin kasi na mahal na mahal ni Mommy Eula ang kapatid ko. At ikinatutuwa ko naman ito. Ipinagpapasalamat ko na rin. Kahit hindi na ako, basta ang kapatid ko na lang. Gusto ko siyang mabusog sa pagmamahal ng mga taong malapit sa kanya. Gusto kong mapunan ang pagmamahal na nawala nang iwan kami ng wala kwenta naming ina. Ang pinagtataka ko lang, hindi ko man lang nakitaan ng selos si Reed sa kapatid ko kahit lantad ang pagkaaliw ni Mommy Eula kay Concon. Magkasundo pa nga sila, eh. Sa akin lang talaga masama ang asta niya. Parehas kaming napatingin ni Concon sa pintuan nang bigla iyong bumukas. Pumasok si Manong Arthur na noo‘y inuubo pa. Buhat niya ang isang kahon ng beer. Mabilis akong tumayo. Binitiwan ko muna ang cellphone at tinulungan sa pagbubuhat ang matanda. Nilagay namin iyon sa kusina kung saan naka-display ang mga mamahalin at ibat ibang klase ng alak. “Salamat sayo, Alvior—” Sinundan iyon ng matigas na ubo at saka marahang hinagod ang dibdib. Salamat at nasanay na rin siyang tawagin ako sa pangalan ko. Hindi ko feel ang tawaging senyorita. “Ayos lang ho ba kayo, Manong?” nag-aalalang tanong ko naman. “Kahapon pa masama ang pakiramdam ko, Alvior. Nasa kwarto ako kanina, nagpapahinga pero pumasok si Beth dahil pinatatawag daw ako ni Senyorito Reed.” Umubo ulit ito. Sa tunog ng ubo niya ay para iyong sirang plaka na kinakalawang. Hindi na magandang pakinggan. Dahil matigas na at barado pa. Soon to be nurse ako kaya alam ko kung saan papunta ang klase ng ubo ng matanda. “Inutusan niya akong magdala ng alak sa mga kaibigan niya kada trenta minutos. Nahihiya naman akong magdala sa kanila kung ganito ang sitwasyon ko. Inuubo pa. Ang takot ko‘y baka mahawa si Senyorito Reed.” Hindi ko mawari kung anong klaseng halimaw na si Reed. Pero ang sama niya talaga. May isasama pa kaya siya? Bumuntong hininga ako. “Sige ho, Manong Arthur, ako na ang magdadala.” Kumislap naman ang mata ng matanda. “Talaga, Hija? O, sige. Maraming salamat talaga.” “Ano ho bang sunod na oras ang pagdadala ninyo sa kanila?” “Maya-maya pa, pagkatapos ng kinse minutos. Sige, Alvior, alis na ako.” At nawala na nga ito sa paningin ko. Napangiti ako. I tapped myself for doing a good deed today. Ang bait ko talaga. Walang-wala si Reed sa pagiging mabait ko. Kung nakikita lang niya ang invisible halo sa aking ulo, tiyak lulubog ang mga sungay niya sa hiya. Dinampot ko ang cellphone. Nakita ko si Concon na nakangisi sa screen at alternate na pinasasayaw ang dalawang kilay. “Nadagdagan ang trabaho mo, Ate.” Sambakol ang mukhang sumagot ako. “Sa kasamaang palad.” TAPOS na ang kinse minutos na hinintay ko sa laundry area. Hawak ko ang dalawang bucket ng beer papunta sa mesa ng mga barkada ng halimaw. Pagdating ay ibinagsak ko iyon sa lamesa dahilan para matigil sila sa daldalan. Napabaling sila sa akin. Siyempre, sa ganda ko ba namang ito, lahat mapapa-three hundred sixty degree head turn at isa na roon si Reed. “Bakit ikaw ang nagdala niyan? Nasaan si Manong Arthur?” bungad niya bago nilagok ang huling patak ng alak sa kanyang baso. Pinamaywangan ko siya. “Kung hindi ba naman maitim budhi mo, sana nalaman mo'ng may sakit ‘yong tao,” angas ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya. “So? Doctor ba ako? Nasa akin ba ang gamot? Alam kong sikat lang ako pero 'di ko kayang magpagaling ng may sakit. Teka, hindi naman kaya, gusto mo lang akong makita kaya inagawan mo ng trabaho si Manong Arthur.” Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Labas ang mga ngala-ngala sa kakatawa. “Eh, kung tubig kanal kaya 'yong pinaiinom ko sa inyo para masaya?” sikmat ko. “Samahan mo na rin ng yelo, ha.” Kinuha niya ang lagayan ng yelo sa lamesa at hinagis iyon sa akin. Nagtangis ang bagang ko. Kailangan ko ng bala! Kanyon o kaya atomic bomb. Pasasabugin ko lang itong demonyo na nagkatawang tao sa harapan ko. “Oh, talaga?” Umigkas ang kilay ko pataas. “Alam ba ng mga kaibigan mo na sa’kin mo pinapalaba ang brief mo?” Tumahimik ang paligid. Nakakabinging katahimikan ang namayani. Pero sandali lang ay naghagikgikan ang buong barkada niya. I really can smell that I'm gonna conquer this battle. “Anong nakakatawa, Zach?” sipyat ni Reed kay Zach —kapareho niya ng hilatsa ng bituka. Pilyo at babaero rin. “Nothing, Dre. Bakit naman sa dami ng katulong niyo ay si Alvior pa ang pinalamas mo sa bahag mo?” natatawang tanong naman nito. Ngumisi si Reed bago sumagot. “She should feel honored dahil sa dami ng mga babaeng may gusto sa’kin, isa siya sa mapapalad ko’ng napagbigyan,” narcissist niyang reply. Sumandal siya sa sopa at pinagmasdan ako nang taimtim. Napakurap ako. May katwiran naman siya sa sinabi niya, marami talagang gagang babae ang nababaliw sa kanya. May sarili siyang fans club. Milyones ang mga follower niya sa iba’t-ibang social media accounts. Kung tatakbo nga siyang presidente ng Pilipinas ay baka manalo pa siya. Pero kung mangyayari man iyon, ako ang unang maghahain sa kongreso ng kasamaan niya para ma-impeach siya! “Hoy, para sabihin ko sayong lalaking may sungay sa noo, hindi ako isa sa mga babaeng naglalaway sa’yo!” Dinuro ko siya. “Nakakadiri! 'Wag mo'ng talsikan ng laway ang gwapo kong mukha! Wala ka ng makikitang ganito kaperpekto ang pagkakahulma. Thanks to my parents.” Hinihimas niya ang panga at saka sinipat ang sarili sa mesang yari sa salamin. Pakiramdam ko’y tatangayin ako ng bagyo sa sobrang hangin niya. Re-rebat pa sana ako para makabawi ngunit biglang nagsalita si Zach habang tagos ang tingin sa likuran ko. “Vaugh, you're here!” Kaagad na naitikom ko ang aking bibig at itinago ang inis na nakapinta sa mukha. Ang aking pag-ibig ay dumating! Vaugh is my ultimate crush in our university. But sadly, ultimate best friend rin ito ni Reed. Hindi ako kilala ni Vaugh pero siya ay kilalang-kilala ko mula sa history ng kuko nito. “How's everybody?” ani Vaugh kapagkuwa’y pahapyaw akong tiningnan. Naitago ko ang hawak na lalagyan ng yelo sa aking likuran at mabilis na inayos ang itsura. “Who's this beautiful girl, Reed? Siya ba 'yong sinasabi mo'ng pasaway na maid?” Ano daw? Maid? Nagbago ang hilatsa ng mukha ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Galit na tiningnan ko si Reed. Malapad na ngisi naman ang natanggap ko sa kanya. “Yes, Bro, maid namin ang babaeng nasa tabi mo," ani Reed. Umusok ang tainga ko sa sinabi niya at walang anu-ano ay naibato ko sa mukha niya ang lagayan ng yelo. Sinundan ko iyon ng mabilis na takbo dahil alam kong lalamunin ako ng buhay ni Reed batay sa tindi ng sigaw nito. “Bumalik ka rito, Alvior!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD