Chapter 2

1885 Words
“ALVIOR, ano? Napapayag mo na ba si Reed na magpakuha ng dugo para sa National Blood Donor Month?” usisa kaagad ng mga blocmates ko sa’kin na sina Jules at Vans. Parehong partido ng LGBT community. Mas discreet nga lang itong si Vans kumpara may Jules. Hindi man lang ako hinayaang makaupo bago ako tanungin. Napairap muna ako at saka inilapag ang first-aid kit sa monoblock. “Olats, mga Mars. Nag-away kasi kami ni Reed kaya hindi ko na napapayag.” “Ay, shutakels ka talaga, Mars! Always cat and dog na lang palagi ang peg niyo ni Papa Reed. Hindi ba at sinabi ko sa’yo, romansahin mo nang sa gano'n ay mapapayag mo,” bekimong saad ni Jules sa akin. Nasilaw ako sa kapal ng lipstick ng bakla. “Kung sampalin kaya kita ng brief na nilabhan ko kahapon, Bakla? Ano’ng romansang pinagsasabi mo riyan? At saka, pwede ba, burahin mo nga 'yang lipstick sa bibig mo. Para kang sinuntok ng kapalaran. Galit na galit 'yang nguso mo sa sobrang pula,” sabi ko. Kinuha ko ang planner sa bag at ch-in-eck ang mga notes ko para sa araw na ito. Inirapan lang ako ni Jules at umupo na sa tapat ko. Hinila ni Vans ang katabi kong monoblock at umupo roon. “Pero, Alvior, nasabi na natin sa head ng Red Cross na pupunta si Reed. Alam mo naman ang agenda natin, ‘di ba? Kapag naroon siya, maraming magdo-donate ng dugo. Next week na 'yon, Mars. Sinong ipapalit natin sa kanya na famous celebrity?” Hindi ko maiwasang mapahilot sa sintido. Mas lalo atang sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Vans. Ano’ng gagawin ko? Nagpaalila na ako kay Reed kahapon, gagawin ko na naman ba ulit iyon? And one more thing, siguradong babawi iyon sa nagawa kong damage sa mukha niya. Bakit ba naman kasi nagprisinta ako na mapapapayag ko si Reed na mag-donate ng dugo nito sa naturang medical organization? I know, we don't like each other but I thought, he has a heart for those in need so I tried my luck. Nakalimutan kong hudlom nga pala ang lalaking iyon. Walang puso at kaluluwa. Napasubsob ako sa arm chair dahil sa kawalan ng naiisip na paraan. “Ano’ng gagawin natin, mga Mars?” “Aba! Malay ko sa inyong dalawa. Wala ako sa mood mag-isip ngayon at may buwanang dalaw ako. Masakit ang puson ko.” Pag-irap ni Jules habang pinagtutuunan ang pagbubura ng makapal na make-up. Hinampas ko nga siya ng binder sa braso. Ayaw magpaawat sa pagpapanggap na babae. Baklitang ito. “Saan naman lalabas 'yan? Sa tumbong?” sabi ko naman sa kanya sabay irap ko sa kawalan. “Alam ko na!” Biglang nangislap ang mata ni Vans. “Bakit hindi na lang si Vaugh ang kunin natin. Yes, he's not a celebrity star pero sikat siya sa internet. Nowadays, social media celebrities are more popular than those mainstream artists.” Napangiwi ako. Sa nangyari kahapon ay parang ayaw ko na ata magpakita kay Vaugh. Naturn-off na siguro sa akin iyon. Isa pa, ang alam niya ay isa akong katulong sa bahay ng best friend niyang si Reed. I did a stupid act yesterday, nakita niya kung paano ko binato ng bucket ng yelo sa mukha si Reed. Inilabas ko lang naman ang pagiging amazona ko sa lalaking gusto ko. I'm so stupid! “Ano’ng masasabi mo, Alvior? Come on, make a decision now. Kailangan na natin makahanap.” Pinitik nito ang daliri sa harapan ng mukha ko. “For me, ayos lang. Vaugh is hot and handsome, too. I know, kapag na-ipost na natin sa page ng Red Cross ang confirmation ng pagdalo niya ay maraming gagang babae rito sa campus ang magdo-donate ng dugo. Kahit mga anemic handang lumaklak ng ferrous sulfate para lang makasama si Papa Vaugh," pagsang-ayon naman ni Jules. Nagdadalawang isip pa ako. Kung si Vaugh ang kukunin namin, marami akong magiging kaagaw na mga linta. Dudumugin sigurado ang lalaki. Mabuti sana kung si Reed ang dumugin, ako pa mismo ang unang tatawa. But I have no choice, si Vaugh lang ang angkop sa standards namin. Sa wakas ay tumango ako bilang pagpayag. “Okay, let's finalize—” Nabitin sa ere ang dila ko dahil sa biglaang tiliian ng mga estudyante sa labas ng room. Nakuha ng mga ito ang atensyon namin. “Ano kaya ang pinagkakaguluhan ng mga haliparot na ito?” ani Jules. “Baka may artista?” natatawang komento naman ni Vans. Upang makumpirma ay tumayo kami. Pagkatapos ay nakisawsaw sa karagatan ng mga estudyante. “Speaking of the devil, kaya pala ang daming nakaparadang panty ngayon sa corridor dahil dumating ang taong pinaguusapan natin.” Matulis na ininguso ni Jules sa lalaking napapalibutan ng mga babae. Sinundan ko iyon nang tingin. Nakita kong nasa sa tapat si Vaugh ng isang room at may hawak na red roses. Parang may hinihintay na lumabas doon. “Ano’ng ginagawa niya riyan? Bakit narito siya sa Nursing Department?” Hindi ko naiwasang maging sambakol ang mukha. Narito ang crush ko pero hindi ako ang sadya. Mas masakit pa ito kaysa ang pagkamalan na maid. “For your information, nililigawan lang naman ni Vaugh si Prof. Asia,” bulong ni Vans sa tainga ko. Mas lalong nalukot ang mukha ko. “Ano? Bawal 'yon, ah!” umaapilang saad ko. Ano’ng pumasok sa utak ni Vaugh para ligawan ang isang professor? Gusto ba niyang matanggal dito sa school? Bakit professor pa? Bakit hindi na lang ako? “Bawal sa bawal, oo. Pero mukhang hindi naman takot si Vaugh na mapaalis dito sa university,” komento ni Vans. “Bakit hindi ko 'to alam? Bakit ngayon ko lang 'to nalaman?” matindi ang inis na reklamo ko. Pumugak-pugak ang mga paa ko sa sahig palapit sa pwesto ni Vaugh. Narinig ko pa ang pagtawag sa’kin ng dalawang bakla. Hinawi ko ang lahat ng mga nakaharang. Ilang pagitan na lang ang agwat sa’kin ni Vaugh nang lumabas si Prof. Asia sa naturang room. Awtomatikong nagpreno ang mga paa ko. Umingay ang paligid na tila kinikilig ang lahat. Mga kunsitidor! Walang consideration sa feelings ng iba. Sumilay ang ngiti ni Vaugh nang makita si Prof. Asia. “Sasagutin na 'yan! Sasagutin na 'yan!” tila mga koral na baka na sambit ng lahat. “Enough, everyone!” singhal ni Prof. Asia sa mga estudyante, na animo'y fanatics nilang dalawa ni Vaugh. Bumaba ang lebel ng ingay pero ang atensyon ay nasa kanila pa rin ni Vaugh. Galit na tiningnan ni Prof. Asia ang huli. “What is this, Vaugh? Hindi ba ay sinabi ko sayong tigilan mo na 'to?” “You know, Asia, I am not the person who easily gives up. Anyway, this flower is for you.” Simpatikong inabot ni Vaugh ang bulaklak sa batang propesora. Everyone giggled na parang nanonood ng isang scripted vlog. Naitirik ko ang mata paitaas. “I can't accept that, Vaugh. This is wrong. Isa pa, may nagugustuhan na akong iba. I'm sorry,” panghuling wika ni Prof. Asia bago niya denedma ang bulaklak pagkatapos ay nilagpasan na si Vaugh. Napangiti ako. May prinsipyo naman pala itong si Prof. Asia at matuwid na sumusunod sa code of ethics nito bilang isang guro. I'm impressed. Akala ko'y magiging threat siya sa pagkuha ko sa puso ng lalaking gusto ko. Dismayado ang mukha ni Vaugh habang nakatanaw sa papalayong babae. My poor boy. Dito ka na lang kasi sa’kin. Siguradong tutugunin ko ang pagsinta mo. “Mars, lapitan mo na si Vaugh. Ang mga broken daw, fragile 'yan kaya ito na ang tamang oras para magpapansin ka,” mantra ni Jules sa tainga ko. Nakalapit na pala ang mga ito sa akin nang hindi ko namamalayan. “Tama ka, Mars. Kailangan ko ng gumawa nang paraan,” sagot ko naman. “Push your luck!” Muntik na akong masubsob nang walang babalang itinulak ako ni Jules. At kung papalarin nga naman, sa mismong tapat ako ni Vaugh napadpad. Walang porma ang poise ko sa harapan niya at halatang hindi handa sa pagsugod. “H-Hi, Vaugh," maagap kong bati sa lalaki nang makahuma. Napalunok ako nang balingan ako ni Vaugh. Blangko ang mukha niya ngayon. “Who are you, Miss?” Ay, ang taray ng Papa Vaugh ko. Nakalimutan na agad ako. But this is good, at least, hindi niya maaalala ang pagiging amazona ko. “Ako nga pala si Alvior. K-Kuwan...” Paktay na. Nabuhol na ang dila ko. “Kuwan...” Paano ko ba sasabihin na gusto namin siyang kuning volunteer? “What do you want?” naiinip na bigkas ni Vaugh at parang gusto ng umalis sa harapan ko. “P-pwede ka ba naming kunin—” “I'm sorry but he's not allowed!” Dumagundong ang pamilyar na boses na iyon sa hallway. Again, magkahalong tili at kilig na naman ang namayani sa paligid. Tila kasapi ng mga kulto ang mga estudyante na nagbigay pugay sa pagdating ng kanilang pinuno. Of course, dumating lang naman ang kakambal ni Lucifer na si Reed. Masisira na naman ang araw ko. “Why are you here, Bro?” tanong ni Vaugh kay Reed. Nakangisi si Reed nang tumingin sa akin bago sumagot kay Vaugh. “I have business here, ikaw? What are you doing here? This isn't your department.” “I don't know either. Ang tanga ko para pumunta rito,” malungkot ang boses ni Vaugh na sumagot kay Reed. “By the way, Miss, ano nga ulit iyong sinasabi mo?” Pagbaling niya sa akin muli. “I have an idea what she wanted to say, Bro,” singit pang muli ni Reed na mas lalong tumaas ang sulok ng labi. “Pustahan, aalukin ka niyang maging representative sa Red Cross. Hindi ba ay takot ka sa injection?” “A-Anong sinasabi mo diyan, damuho ka!” asik ko rito. Pinanlakihan ko pa ito ng mata. Si Vaugh, takot sa injection? Bulilyaso ang plano kainis! “Bakit, may iba ka pa bang sasabihin bukod sa gusto mo'ng i-recruit ang kaibigan ko?” nag-aakusang wika ni Reed, inakbayan niya si Vaugh na ngayo'y clueless sa nangyayari. Walanjo naman talaga! “Wala ka ng pake roon!” “Oh? Eh, ‘di wala. Let's get out of here, Vaugh,” Naalarma ako nang akayin na ni Reed si Vaugh paalis. “Sandali, Vaugh, may sasabihin pa ako sayo.” Pag-awat ko sa planong pag-alis niya. s**t! Nakakahiya na talaga dahil mas dumadami ang mga estudyanteng nanonood sa amin. “Hmm, Alvior, right? Reed was right, takot ako sa injection at hindi lang iyon, takot din ako sa dugo. So, if you're planning to recruit me, my answer is no. I'm sorry,” Vaugh frankly said in front of my face. Pagkatapos ay tumalikod na upang umalis. Samantalang si Reed naman ay halos mautot na sa kagustuhang humagalpak ng tawa. “See, I told you so,” anito. Pagkatapos ay sumunod na rin kay Vaugh paalis. Naiwan akong shocked sa sinabi sa’kin ni Vaugh. Wala pa man din, dinaig ko pa ang binasted. Gusto ko'ng itupi sa sampu ang sarili ko sa natamong kahihiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD