bc

Mixed blood system

book_age16+
967
FOLLOW
3.4K
READ
system
heavy
genius
non-hunman lead
soldier
supernature earth
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

Si Logan Alquire ay lumaki sa isang malupit na magulang. Sa murang edad ay ibinenta siya ng mga ito at nagsilbi bilang isang sundalo sa ilalim ng isang may-edad ngunit mayamang lalaki. Nang makaalis sa labanan ay nakilala niya si Carmifa Pien, ang babaeng bumihag sa kanyang puso, subalit nabibilang ito sa isang makapangyarihang angkan na ang tingin sa kanya ay alipin lamang.

Mapait ang naging buhay ni Logan dahil itinuring siyang mababang uri at walang silbi. Lingid sa kanyang kaalaman ay nananalaytay sa buo niyang katawan ang pagiging Pureblood Spirit, isang espesyal na uri ng mga nilalang na mas malakas at higit na makapangyarihan kaysa ordinaryong mga tao. Siya ang nag-iisang tagapagmana sa trono ng mundo ng mga Lower Blood. At dahil sa isang eksperimento ay lalong magigising ang kanyang nakatagong kapangyarihan.

Makabalik kaya si Logan sa mundo ng mga Lower Blood?

Muli kaya niyang mabawi ang tronong nararapat sa kanya?

Muli pa kaya niyang makasama ang babaeng isinisigaw ng kanyang puso?

chap-preview
Free preview
Blood red liquid
Chapter 1 Nagmamadali sa pagkilos ang makisig na lalaki. Halos liparin na niya ang tinatahak papunta sa lugar na napagkasunduan nila ng babaeng sinisinta. Siya si Logan Alquire, ang lalaking gagawin ang lahat upang maisalba sa kapahamakan ang minamahal na si Carmifa Pien. Magaganap na ang kinatatakutan ni Logan at ni Carmifa. Sapagkat ngayong taon na ito ay nakatakdang maging isang alay ang dalaga. Ginawa na ang lahat ng ina ni Carmifa ngunit wala pa ring nangyari. Mawawala pa rin sa kanya ang pinaka-iingatang anak. Inaayusan ngayon si Carmifa upang ipresenta sa anak na lalaki ng isa sa mga Lord ng Heavenly Blood World. Dahil sa connection ng lolo ni Carmifa sa Blood World ay may nagaganap taon-taon na pagtitipon sa kanilang tanggapan. Sa pagtitipon na ito ay dumadalo ang may matataas na posisyon mula sa Lower Blood hanggang sa Heavenly Blood World. Dito nagbibigay ng alay ang angkan ng mga Pien upang pagbati sa pinakaimportanteng bisita. Dahil si Carmifa ay nasa tamang gulang na, at mas lalong lumabas ang ganda at alindog, siya ang naisipang ialay ng kanyang lolo. Kung papalaring magustuhan siya ng kinatawan ng Heavenly Clan ay mapapasama siya sa harem nito. Kung hindi naman ay mapapabilang siya sa mga aliping nagsisilbi hanggang kamatayan sa Heavenly Clan.  Sa ilalim ng bilog na buwan ay nakamasid si Logan sa may halamanan. Matiyaga siyang nakatayo roon at nagmamatyag. Ngayon niya itatakas ang dalaga. Aalis sila at maninirahan sa isang liblib na lugar. Ito ang naging plano ng dalawang desperadong mga puso. Wala silang ibang maisip na paraan sapagkat nalalapit na ang pagpupulong. Makalipas ang halos dalawang oras ay naririnig na ni Logan ang pagbubukas ng tubig sa hardin, hudyat na nariyan na ang dalaga. “Mahal ko . . .” bulong ni Logan habang sinisipat nang maigi ang halamanan. Natatanaw niya ang naglalakad na bulto ng dalaga sa ilalim ng liwanag ng buwan. Napapangiti siyang pinagmamasdan ang dalaga. Mas lumutang ang ganda at alindog nito sa napakagarbong kasuotan. “Lo-Logan,” bigkas ng dalaga nang tuluyan na siyang makalapit sa lalaking minamahal. Mababanaag mo sa kanyang boses ang panginginig at takot. Dali-daling lumapit ang lalaki sa pinanggagalingan ng malamyos na boses. “Carmifa, let’s go. Hindi nila tayo dapat maabutan. Limitado lamang ang oras natin.” Hawak ni Logan ang malambot na kamay ng dalaga upang igiya ito sa kanilang lalabasan. “Logan . . . I love you, pero hindi kita maaaring idamay sa gulong ito. Hindi ka bubuhayin ni Lolo kapag nalaman niya ang tungkol sa iyo at sa gagawin natin.” Umiiyak na si Carmifa habang binibitiwan ang mga katagang iyon. “Hindi, ’wag kang mag-alala, mahal ko. Naplano ko na ang lahat ng ating gagawin. Ang kai—” “Halika, samahan mo ako. May ipakikita ako sa iyo. Doon tayo sa ating tagpuan.” Naguguluhan man si Logan ay nagpahila na siya sa minamahal. Nang makapasok sila sa loob ng madilim na silid ay hinawakan ng dalaga ang kanyang magkabilang pisngi. Tanging liwanag lamang galing sa buwan na pumapasok sa siwang ng lumang bintana ang kanilang tanglaw. Nararamdaman ni Logan ang panginginig ng kamay ni Carmifa nang lumapat ito sa kanyang mga pisngi. “Logan, mahal kita . . .” Kasabay ng mga katagang iyon ang paglapat ng mga labi ng dalaga sa labi ni Logan. Naguguluhan man sa ikinikilos ng minamahal ay tinugon niya nang walang pag-iimbot ang mga halik ng dalaga. Kalaunan ay mas naging mapusok ang kanilang paghahalikan na humantong sa isang mainit na pagniniig ng dalawang mga puso. Isang gabing nag-iwan ng kasiyahan sa kanilang mga puso. Gamit ang void dust ay napatulog ni Carmifa si Logan. Ramdam ng dalaga ang sakit sa pagkawala ng kanyang kainosentihan subalit mas nananaig ang saya na kanyang nadarama. Maikasal man siya sa iba ay wala siyang pakialam sapagkat alam na niya sa kanyang puso na hindi na siya mahahawakan ng ibang lalaki. Wala na ang kanyang maiden essence. Ito lang ang tanging habol sa kanya ng mapapangasawa. Napangiwi siyang tumayo at kinuha sa kanyang storage ring ang dalang void healing pill upang pagalingin ang sarili. Nararamdaman na ng dalaga na malapit nang mawala ang epekto ng green liquid na kanyang iniinom upang hindi sila masagap ng void manipulation kapag sinubukan siyang hanapin ng kanyang lolo. Tatlumpung minuto lamang ang bisa ng isang bote ng green liquid at mahirap itong makuha. Nababawasan pa ang epekto nito kung gaano karami ang gagamit. Dalawa lamang ang hawak ng dalaga, hindi sapat upang makatakas silang dalawa ni Logan. Kaya ay nagpasya siyang baguhin ang kanilang mga plano at isalba na lang ang buhay ng lalaking minamahal. Bago umalis ay ipinatak ni Carmifa ang laman ng pangalawang green liquid sa labi ni Logan. Gamit ang kanyang void reaper talisman ay dinala ng dalaga si Logan sa isang taguan. Hindi maawat ang pag-agos ng mga luha ni Carmifa habang nakatitig sa mukha ni Logan. Gamit ang kanyang mga kamay ay kinabisado niya nang husto ang mukha ng minamahal. Bago tuluyang umalis ay iginawad niya sa lalaki ang kanyang huling halik sa noo nito. “Mahal kita, Logan. Umaasa akong sa muli nating pagkikita ay mamahalin mo pa rin ako.” Bago tuluyang mawala ang lagusan na kanyang ginawa ay muli na siyang hinigop nito pabalik sa mansyon ng mga Pien. Naging masaklap naman ang kapalaran ni Logan. Hindi alam ni Carmifa na naiiba ang antas ng kakayahan ng kanyang lolo pagdating sa paggamit ng void manipulation. Nahanap nila si Logan at nagbaba ng hatol na patayin ito. Wala nang nagawa ang dalaga kahit na anong pakiusap niya sa matanda. Nasa bingit na ng kamatayan si Logan nang magsimula siyang magkamalay. Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang matalas na espada na nakaamba na upang putulan na siya ng kanyang ulo. Sa sobrang takot na baka ito na ang kanyang maging katapusan at hindi na muling makita ang babaeng minamahal ay nabuhay ang kanyang connection seal. Nakakonekta ito sa spirit sense ng kanyang ina. Ilang segundo lang ang nakalipas nang bumulaga sa kanilang lahat ang nakakabulag na liwanag. Lahat ng tumingin sa liwanag na iyon ay naglaho na parang bula. “S-son . . . “ bulong ni Fairy Amalilia nang makalapit sa nakahandusay na anak. Sa lubha ng natamong pinsala ni Logan ay unti-unting nawawasak ang kanyang spirit vessel. Nang naramdaman ito ng kanyang ina ay wala na itong nagawa pa. Gamit ang kanyang natitirang lakas ay ibinigay niya sa anak ang natitirang spirit essence sa kanyang vessel. Habang ang nalalabing buhay ng kanyang vessel ay inialay din niya sa anak. Mabilis ang mga pangyayari. Habang nahihigop ni Logan ang lakas ng ina ay unti-unti naman itong nagiging abo. “S-son . . .” Ito ang tanging narinig ni Logan mula sa babaeng tumawag sa kanya na anak. Hindi man niya lubusang maunawaan ay hindi niya binitiwan ang kamay ng babae hanggang sa tuluyan na itong maglaho at tanging ang abo na lang ng kamay ni Amalilia ang hawak ngayon ni Logan. Malungkot man sa pagkawala ng babae na hindi niya pa lubusang kilala ay hindi na nagkaroon ng pagkakataong mag-isip si Logan. Hinigop na siya ng lagusan kung saan nanggagaling ang babae. Halos malula si Logan sa loob ng makipot na lugar. Hindi niya alam kung gaano katagal ang pakiramdam niya na nahuhulog sa walang hanggang kadiliman. Lingid sa kanyang kaalaman, minuto lamang ang iginugol niya sa paglalakbay papunta sa mundong kanyang sinilangan. Nang buksan niyang muli ang mga mata ay nakatayo na siya sa loob ng isang yungib. Dito ay natuklasan niya na hindi siya isang ordinaryong tao. Sapagkat nananalaytay sa kanya ang pagiging dugong bughaw—sa mundo ng Blood kung saan ang kanyang pamilya ang dating naghahari. Nalaman niya base sa communication ring na pag-aari ng kanyang ina na nakuha niya sa kuweba, doon niya natuklasan ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang ama at ang iba pa niyang mga kalahi sa kamay ng mga Void Soul. Ang mga Void Soul ay kilala sa pagiging malupit at walang awa. Void Soul ang tawag sa kanila sapagkat sila ay isinilang na mistulang walang kaluluwa. Nalaman din ni Logan na nahahati sa apat na angkan ang Lower Blood kung saan siya naroroon ngayon. Ito ay ang Spirit Blood Clan (kung saan nabibilang si Logan), Void Blood Clan, Stone Blood Clan, at ang Earth Blood Clan. Unti-unting nalaman ni Logan ang lahat tungkol sa mundong kanyang pinanggalingan. Mistulang naplano na ng kanyang ina ang lahat ng gagawin upang mabawi ang kanilang mundo sa kamay ng mga manlulupig. Blangko ang kanyang expression, hindi niya mawari kung ano ang dapat maramdaman. Buong buhay niyang hinahanap ang sarili. Natagpuan man niya ito sa piling ni Carmifa, ngunit ito’y saglit lamang. Ngayon ay nalaman niya ang tunay na katauhan, nahawakan ang tunay na ina ngunit panandalian lang din naman. Napabuntonghininga na lamang siya nang mawala ang liwanag ng hologram galing sa singsing. Hawak niya ngayon ang isang bote na galing sa loob ng isang ordinaryong storage ring. Looking at the blood red liquid na nasa loob ng maliit na bote ay nagtatayuan ang mga balahibo ni Logan. Ang maliit na bote ay naglalabas ng kakaibang enerhiya na nakakapanghina. Upon remembering his mother’s words ay saglit muna siyang nag-isip. Mabigat ang kanyang pakiramdam. Pailing-iling niyang naisip na walang mawawala sa kanya kapag ininom niya ito. Pinagmasdan niyang maigi ang bote hanggang sa napagpasyahan niyang inumin ito.  Ang tanging nasa isip niya ay si Carmifa, ang kanyang mga totoong magulang na hindi na niya makakasama kailan man, at ang kagustuhan na maging malakas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
43.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.4K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
44.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook