ISANG masasayang halakhak ang namayani sa loob ng kwarto. Bawat halakhak na may kasamang tili ang siyang nagpapa-ingay sa maliit na kwartong iyon kung saan tanging ang mag-inang Yvette at Yvonne lamang ang tao. Masayang naghaharutan ang dalawa, si Yvette na pilyang kinikiliti ang anak na si Yvonne, samantalang tawang-tawa naman ang huli na paminsan-minsan ay napapa-irit pa sa sobrang pagkakakiliti.
Pero kahit gano’n ay sinisiguro pa rin ni Yvette na hindi maapektuhan ang ulunan ni Yvonne. Ingat na ingat pa rin siya habang nakikipagharutan sa anak sa takot na baka mas lumala ang sitwasyon ni Yvonne kapag natamaan ang ulo nito.
Tatlong araw na ang lumipas simula nang magkamalay si Yvonne at sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi umalis sa tabi ng anak si Yvette. Maliban na lang kung bibili ng pagkain o uuwi sa bahay para kumuha ng mga damit. Pero kapag gano’n ay sinisiguro ni Yvette na iiwang tulog ang anak.
Sa tatlong araw din na ’yon ay pasalit-salit naman sa pagbisita sina Michelle, Cassy, at Teacher Sai kung saan palaging may dala na prutas at pagkain para sa kanilang mag-ina. Kaya sa tuwing tanghalian lang siya lumalabas para bumili ng tanghalian, dahil kung hindi almusal ay hapunan naman kung bumisita ang mga ito.
Kaaalis lang din kanina ni Cassy, kung saan nag-iwan ito ng makakain nila para mamayang hapunan. Hindi din kasi nagtagal si Cassy dahil nga sa kailangan nilang mag-over time ngayon ngang hindi pa rin siya nakapapasok sa opisina.
Both, mother and daughter stop from their playtime and look at the door of the room, when a knock on the door echoed. Matapos noon ay sabay ulit silang napatingin sa isa’t isa, parehong nagtatanong ang mga mukha. Sabay ulit silang napatingin sa pintuan ng maulit ang katok.
“Saglit lang, Little Angel,” Yvette whispered to her daughter who nodded silently and cutely put her small hand to cover her little mouth.
Matamis na napangiti naman si Yvette sa nakita. She stood up and patted her daughter’s head lightly before walking towards the door. And as soon as she opened it, isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya na isang taon mahigit niya na ring hindi nakikita.
“Uncle Carlo!” masayang tawag ni Yvette sa lalaki at agad na napayakap dito.
Isang malalim na tawa naman ang maririnig mula sa lalaki na agad din namang niyakap si Yvette pabalik, while gently patting her shoulder.
“How’s my favorite nephew?” malalim ang boses na tanong ng lalaki.
Mabilis na kumawala naman sa pagkakayakap si Yvette sa tiyuhin bago pinaningkitan ito ng tingin. “Of course I am, ako lang naman ang nag-iisa mong pamangkin,” Yvette said snorting and Uncle Carlo only laugh with her remark.
“Lolo-ninong!” ang masaya at excited na sigaw ni Yvonne mula sa loob ng kwarto.
Sabay namang napalingon ang mag-tiyuhin sa bata habang malaking binuksan na ni Yvette ang pinto.
“Little Yvette!” masayang tawag din naman ni Uncle Carlo kay Yvonne habang mabilis na naglakad papasok.
Bago pa man tumalon sa tuwa si Yvonne ay mabilis na niyakap ni Uncle Carlo ang apo s***h inaanak na napahagikhik pa sa tuwa.
Nakangiting isinara na lang ni Yvette ang pinto bago naglakad papalapit sa mag-lolo.
“How’s my, Little Yvette? Hmm? You grew bigger! My Little Yvette grows a lot! You also weight heavier than last year!” Uncle Carlo stated while carefully tossing Yvonne into the air.
Tuwang-tuwa namang napahagikhik si Yvonne sa ginagawa ng lolo habang itinataas pa ang mga kamay sa ere, sign that she’s really enjoying it.
Nakangiti lang namang pinanood ni Yvette ang mag-lolo habang nakaupo sa gilid ng kama ni Yvonne. Hindi naman siya kinakabahan na baka mabitawan o mahulog ng tiyuhin ang anak.
Kahit naman lampas singkwenta na ang edad ni Uncle Carlo, ay mukha naman siyang mas bata sa edad. Medyo halata pa ang pagkabatak ng katawan ng tiyuhin na nakuha nito dahil sa pagpupursiging maitayo ang sarili nitong kompanya. Wala pa ring humahalong puting buhok sa maiitim na buhok nito. Maaaring mayroon man, pero iilan lang at bilang sa dalawang kamay. At napakakisig pa rin ng pagkakatayo ni Uncle Carlo, na parang kalalabas lang nito mula sa army.
Gwapo kasi si Uncle Carlo noong bata pa, nasa dugo na yata iyon ng pamilya nina Yvette dahil gaya ni Uncle Carlo ay maganda rin ang nanay niya.
Pagkalabas na pagkalabas kasi ni Uncle Carlo sa army at sa edad na bente tres ay maagang nakapag-asawa si Uncle Carlo na siyang tiyahin ni Yvette, at ang tumayong pangalawang ina ni Yvette ng pumanaw ang kanyang ina pagkapanganak sa kanya. Si Uncle Carlo, at Tiya Marina na ang kinalakihang mga magulang ni Yvette.
Katulad ni Uncle Carlo, ay mukha rin namang bata pa si Tiya Marina. Maganda rin ang kanyang tiyahin. Kaya lang, dahil sa sakit ni Tiya Marina sa obaryo ay hindi na sila kailan man nagkaroon ng sariling anak. Nabaog kasi si Tiya Marina noong dalaga pa lang ito, matapos operahan ang kanyang bukol sa obaryo.
Hindi naman iyon naging dahilan para masira ang samahan ng dalawa dahil matapos lang ng tatlong taon nang sila’y ikasal ay nabuntis naman ang nag-iisang kapatid ni Uncle Carlo, na agad ding binawian ng buhay pagkasilang sa bata, na walang iba kun’di si Yvette. At doon na nga siya naging anak kung ituring ng mag-asawa.
“Kayo lang po, Uncle Carlo? Hindi niyo kasama si Tiya Marina?” tanong ni Yvette habang naglalakad palapit sa tiyuhin dala ang isang baso ng juice.
Napangiting nilingon naman siya ng tiyuhin bago kinuha ang juice na hawak niya, “Salamat hija,” Uncle Carlo said and took the juice. Marahang kinuha naman ni Yvette ang anak mula sa tiyuhin na agad ding sumama sa kanya.
“I also want some po, Mama,” magalang na tinig ng anak na nakangiti din naman niyang sinunod.
Naglalakad si Yvette karga-karga ang anak papunta sa isang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain nila at ilang gamit na inuuwi ni Yvette galing bahay.
“Nagpaiwan muna ang Tiya mo, at susunod din naman daw agad. May kailangan lang siyang asikasuhin at pinauna na ako,” maya-maya’y sabi ni Uncle Carlo, “Nga pala, kamusta naman ang kalagayan ni Yvonne?” dugtong na tanong ni Uncle Carlo na nagpatigil sa pagbuhos ni Yvette ng juice sa isang baso.
Agad din naman siyang nakabawi at pinagpatuloy ang pagbuhos ng juice sa baso. Pero hindi niya muna sinagot ang tiyuhin at tinapos muna ang pagsasalin ng juice sa baso. Nang mapuno ang baso ng juice ay iniabot niya iyon sa anak na tuwang-tuwa namang ininom bago muling naglakad papalapit sa kama. Ibinaba ni Yvette ang anak sa kama na agad din namang sumunod. Doon lang muling nilingon ni Yvette ang tiyuhin na kanina pa seryosong naghihintay sa sagot niya.
“The doctor said that Yvonne has a Pilocytic Astrocytoma, which is different from Patrick’s primary brain tumor. The Doctor also said that it has only five percent chance that Yvonne inherited the tumor from Patrick. Fortunately Uncle, her tumor was diagnose as early as possible and so they can cure Yvonne . . .” Yvette slowly trailed off as she didn’t know how will she opened up her next words.
Feeling nervous and shy, Yvette started fidgeting subconsciously, while thinking on how would she tell her uncle that she needed his help in regards with paying some additional money for Yvonne’s surgery.
And knowing Yvette since child, napansin iyon ni Uncle Carlo. Kaya naman nakangiti ay bahagyang nailing na lang ang tiyuhin sa kanyang pamangkin, na para na ring anak niya kung ituring.
“What are you hesitating for, Yvette? Come on, just tell me about it,” marahang saad ni Uncle Carlo na siyang mabilis na nagpa-angat ng tingin ni Yvette sa tiyuhin.
“I . . .” again, Yvette trailed off as she looked at the serious face of her uncle, “And that’s where I will be needing your help, Uncle,” finally, Yvette said after looking away from her uncle.
“Hindi ko kasi kakayanin Uncle, na bayaran lahat ng gastusin. Kung p’wede naman sana silang hulog-hulugan ay bakit hindi. Ang kaso Uncle, agad-agaran ang bayad na kailangan dahil kung hindi ay baka hindi nila operahan ang anak ko, at baka lumala pa ang sakit ni Yvonne,” dagdag ni Yvette.
Nanahimik naman silang pareho habang nag-iingay naman sa tabi nila ang anak kung saan kanina pa kumakanta ng mga nursery rhymes, takot na baka maistorbo niya ang pag-uusap ng dalawang nakatatanda.
Mabilis na napalingon si Yvette sa tiyuhin ng marinig niya ang malakas na buntonghininga nito. Kinakabahan na naghintay siya sa sasabihin ng tiyuhin habang nagsisimula na siyang mag-isip ng mga gagawin kapag tumangging tumulong ang tiyuhin.
“And that’s why I came here as soon as I heard about the news. Alam kong kailangan mo ng tulong pinansyal nang magbigay ka sa akin ng mensahe, dahil alam kong hindi mo naman gawaing ipaalam ang ganitong problema sa amin kapag kaya mo namang solusyonan mag-isa,” panimula ni Uncle Carlo habang seryoso pa ring nakatingin kay Yvette. “And that’s why I came here as soon as I can to personally tell you the reason why I will decline your request,” deretsong dugtong ni Uncle Carlo.
At kahit pa nga alam na ni Yvette ang susunod na sasabihin ng kanyang tiyuhin ay hindi niya pa rin naiwasang manlumo nang derektang narinig iyon sa tiyuhin.
Now all her hopes about her daughter’s early recovery crumbled down. It was only her choice, the only family she can go asked help for, but they couldn’t help her at all. Saan na siya ngayon niyan hihingi ng tulong?
to be continue...