“LUMIPAT si Ninong Martin ng bahay nang magising siya mula sa comatose. This place is actually half an hour away from your original house.” Hindi na napansin ni Katerina ang mga sinabing iyon ni Andrei habang nagmamaneho. She was too caught up by the wild thumping of her heart. Ikaw ang aking tanging yaman na ‘di lubusang masumpungan… Pakiramdam niya ay muli siyang bumabalik sa pagkabata habang papalapit nang papalapit patungo sa mga taong akala niya ay hindi niya na mahahanap pa. Habang pinagmamasdan ang mga mayayabong na punong nadaraanan na para bang kumakaway sa kanya ay paulit-ulit na tumutugtog sa kanyang isip ang kanyang paboritong kanta na itinuro pa sa kanya ng mga madre sa orphanage na kanyang kinalakhan. Nang sa wakas ay maabot na ng kanyang mga mata ang bahay na animo kastily