KAHIT nanginginig pa ang mga tuhod ni Katerina dala nang labis na sama ng loob ay sinikap niyang talikuran na si Brett. Mabibigat ang mga paang naglakad siya palabas ng bar. Tahimik lang si Andrei na nakasunod sa kanya. Pasakay na sana sila sa kotse nito nang may kamay na biglang humawak at pumigil sa braso niya. Hindi niya na ikinagulat nang sa pagharap niya ay makitang si Brett iyon. “’Pasok na muna ako sa kotse, Kate. Senyasan mo na lang ako in case you need my help.” Ani Andrei bago sumakay sa kotse nito. And somehow, she was glad. Andrei seemed to understand the situation. Ni hindi niya na kailangang magsalita. Hindi tulad ng lalaking kasalukuyang madilim ang anyong nakatitig sa kanya. “Shall I give you now the best girlfriend’s award, Katerina? You know, for acting as if you real