Chapter 22

4679 Words
“Do not make any idols.” – Exodus 34:17 -- Chapter 22 Angel Loise Hindi ko naisip na pwedeng ganito pala ang mangyari sa amin. Kinaumagahan, walang salitang pinasakay niya ako sa Raptor at hinatid sa Inn ng mga Baltazar. Humupa ang bagyo. Hapon na ng sumunod na raw bumalik ang kuryente. Saka lang ako nakapag-charge ng cellphone ko. Empty battery nang magtanghali kaya hindi ko nagamit ng ilang oras. Sa pagbukas ko, unang pumasok ang text message ni Jandro. Jandro: Kakakuha ko lang ng phone ko kay bossing Pagkauwi niya siguro sa villa, nakuha niya rin agad ang cellphone at tinext ako. Pero dahil walang baterya ang phone ko, hindi ako nakapag-reply agad. Hindi na rin ako nag-reply nang mabasa ko. But I received another text message from him. He smoothly said… Jandro: I miss you already Pumasok sa isip ko na ang nangyari sa amin sa studio ay mananatiling alaala na lang. Hindi na uulitin at kakalimutan ko hanggang sa makakaya ko. Kung iniisip niyang may lihim akong sagot noong gabing iyon, pagkakamali iyan. Dahil ganoon pa rin ang nararamdaman ko… maliban sa isang parte na binigay ko ulit nang buong buo ang sarili sa kanya. Ilang araw kaming hindi nagkita. Hindi rin siya nagtetext pero okay lang. Binuhos ko ang oras at atensyon sa maiksing bakasyon at sa trabaho. Ang sabi ni Dreau, balik-trabaho rin si Jandro. Sinasabi niya sa akin ang pinagkakaabalahan nito kahit hindi ako nagtatanong. Parang awtomatiko dahil nga hindi kami nagkikita. Tumatango lang ako. Magkikibit ng balikat. Tapos ay tahimik na magtitinginan ang mag-asawa. Hindi pa rin ako pinapaalis sa Inn. Ilang libro na ni Kaye ang nabasa ko sa mga patay kong oras. Parang… inuubos ang oras hanggang sa maging busy ulit at mauulit ang cycle ng buhay ko. I cleaned my room. I texted Heaven and told her my event in Manila. Tinawagan ako ni Richard at ihahatid niya kami sa mismong bahay ng parents niya. Sa araw na iyon ang inatupag ko. Pagdating ng gabi, nagtext si Jandro pero hindi ko binuksan. Kaso… sa pagbukas ko ng inbox ay nababasa ko rin ang sinabi niya. Jandro: I love you Matagal na iyong huling text niya at iyon agad ang kanyang sinunod. I never texted back. Hindi niya ako kinukulit sa chat kaya nababawasan ang stress ko. Kung stress mang maituturing ang pagtetext niya kahit walang sagot ko. But I guess it is not. Hindi man siya madalas magtext, hindi ko naman kayang sagutin ang mga mensaheng pinapadala niya. We made love. Twice on that stormy night. Naaalala ko tuwing bago matulog at kapag mag-isa ako. He worshipped my body all night and didn’t mind the darkness and heat surrounding us. Para bang ang kasunod ng mga oras na iyon ay delubyo kung kaya kukunin at gagawin na niya ang lahat para maangkin ako. He kissed my skin multiple times. He kissed me everywhere. And it was sensational. Historic. Magical—name it! Damn it. I liked it. s**t. Nanunuyo ang lalamunan ko kapag naaalala ang labi niya sa balat kong minamarkahan niyang… kanya. At kapag pinapatay ko ang ilaw, bigla akong kinakabahan na para bang anumang oras ay bubukas ang pinto at papasok si Jandro. Lalapit sa kama at… uulitin namin ang ginawa roon sa studio. I know that it isn’t right. But sometimes… I am losing my mind. That even in this erotic fantasy… I can call him mine. Pumunta ako sa studio bago magtanghali. Dala ang isang bag at sling bag na dadalhin ko sa maynila. Naabutan kong nag-aayos si Debra ng gamit niya. I check the camera, memory card and the tripod. May bitbit na rin akong laptop na pinagawa ko pa para magamit doon. Mas smooth sa computer mag edit pero we will need this device to show the pictures during the party. Napangiti ako nang makitang nakangiting pumasok si Richard sa studio. Tinuro niya ang bag namin at kinuha para maisakay sa kanyang kotse. Tinulungan ko siya kahit kaunti lang naman iyon o isang bitbitan niya lang talaga. “May naiwan pa ba kayong gamit na dadalhin?” Tumayo ako ng tuwid. Tatanawin ko sana si Debra pero pumasok na ako para mai-check ang studio. “Okay na tayo, Deb? Wala bang naiwan? Nasa kotse na ang cam.” Pinatay ko ang main switch ng kuryente. Lumabas si Debra sa kwarto at nagmamadaling nagsisintas ng sapatos. “Wala na, wala na. Let’s go!” Pinauna ko siya sa paglabas. Ni-lock ko ang pinto ng studio. Nang akma kong ibaba ang roll up door sa labas, nagpresinta si Richard at siyang nagbaba no’n para sa akin. “Thank you.” kinandado ko iyon. Here we go, Manila. Ang sabi ko sa isip nang makaalis kami ng Batangas. Nagpapatugtog si Richard ng mga melow song at sinasabayan ni Debra habang nakikipagkwentuhan. While, I am checking my phone. Nakita ko ang text ni Heaven. Heaven: Ingat sa byahe, Angel. Text mo ako pagkarating niyo roon. I smiled. Ako: Okay po, ate. Lab u =) “Sa isang subdivision ba ‘yun, Engineer?” “Uhm, yes. Bali deretso na tayo roon. Or baka may gusto kayong daanan somewhere?” Nilingon niya ako. “Wala naman. Okay lang. Naroon na ang parents mo?” He nodded. “Hinihintay na nila kayo.” “E, saan naman ‘yung bar na madalas mong puntahan, Engineer?” Kumunot ang noo ko sa biglang tanong na iyon ni Debra. Lilingunin ko sana para sawayin pero umilaw ang cellphone ko kaya napunta roon ang atensyon ko. Heaven: Lab u too, little sis! :D Nagtatawanan na sina Richard at Debra nang itago ko ang cellphone sa sling bag ko. “If you want, punta tayo after ng party ng parents ko. Ilang minutes lang ang byahe.” “Ano, Angel? Mag bar tayo mamaya?” “Ha?” napakamot ako ng sintindo. “Hindi ba masyado nang gabi at saka mag-e-edit pa tayo?” Humalukipkip si Debra at parang reyna sa pagkakaupo sa likod. “Edi pagkatapos natin mag bar o kaya bukas na lang. Malayo pa naman deadline niyan. Hindi ba, Engineer?” “Oo naman. Magpiprint pa yata kayo.” Nahihiya akong tumingik sa kanya. “Kaso…” “Hindi ba kita na-inform, Engineer? Hindi nga pala umiinom si Angel. Wala siyang gustong alak!” “Really?” Bumuntong hininga ako. Si Debra na talaga ang spokesperson ko pagdating sa inuman. Kinuwento niya kung bakit ayaw ko. Pagkatapos malaman ni Richard, tumawa ito nang mahina at sinulyapan ako. “You’re old-fashioned pala, Angel. I mean, hindi lait iyon, ha? Wala pa akong nakilalang tao na nababahuan sa beer at hard liquor.” Hilaw akong ngumisi. “Hindi ko talaga gusto iyon.” “That’s okay. Really. Kung ayaw mo, pwede namang juice or anything not alcohol. Magpapa-customize tayo ng drinks mo roon pagdating natin.” “Naku huwag na. Nakakahiya.” He smirked and turned the car to the guard house. “Akong bahala sa ‘yo. Don’t worry. You’re my princess.” Binaba niya ang bintana at sumaludo sa tumayong guard. Hindi ko masyadong namalayan ang oras at napabilis pala ang dating namin. Kinalabit ako ni Debra at tumango tango. “Bakit?” “Sama ka na. Gusto kong ma-experience ‘yun, e.” “Gagawin mo akong bantay mo?” “Kung pwede… sige na!” aya niyang pilit. Kita sa mukha niya ang excitement. Hindi pagkasabik. Kung sabagay, minsan lang kami dumayo ng maynila at saka mahal ang uminom sa mga ganoong lugar. Wala akong balak magpalibre kay Richard. Pero kung hindi kami magtatagal doon, siguro naman hindi rin magastos. “Sandali lang tayo, ha?” Pumalakpak si Debra at tila inapuyan ang pwitan. “Sige, sige.” Pinasok ni Richard ang sasakyan sa malinis na kalsada ng subdivision. Hindi na tirik ang araw kung kaya binuksan ko ang bintana. Tahimik ang lugar. Magaganda ang bahay at moderno ang disenyo. Parang bahay talaga ng mga may kayang pamilya sa lugar na ito. Kung sabagay, it is an exclusive subdivision. Ganito na ang inaasahan ko. Nakangiting kasambahay ang nagbukas ng puting gate sa amin. “Sir Richard kayo po pala.” silip nito sa sasakyan. “Hello, Agnes. Sina Mom at Dad nandyan na ba?” “Ay opo, Sir. Nag-aasikaso ng mga pagkain.” Tiningnan niya rin kami at nahihiyang ngumiti. “Salamat, Agnes.” He drove the car inside. Sinarado naman ang gate pagkapasok namin. “Nasa garden ang party. Siguro, dumating na ang catering at ang staff na kailangan mamaya. Tara, ipapakilala ko kayo sa kanila.” Yakag niya pagkapatay sa makina. “Agnes, pakipasok naman ng gamit nila sa loob. Guest room sa baba, ha?” “Okay, Sir!” dagling lumapit ito at binuksan ang pinto kay Debra. Pagkababa ko, hinila ako ni Richard papasok sa loob ng bahay nila. Two-storey iyon na puti ang pintura sa labas. Maraming halaman at may matataas na puno kaya presko ang hangin. Nagpaubaya ako sa hila nang makababa rin si Debra. “Hijo!” “Mom,” Nasa harap ng long buffet table ang mommy ni Richard nang kalabitin ito ng kanyang asawa pagkakita sa amin. Tinawid namin ang loob ng bahay nila hanggang sa mapunta kami sa susme, malawak na hardin ng kanilang bahay. Nakaroba pa ang mommy niya at may rollers ang buhok. Ang daddy naman niya ay nakapolong puti at mukhang inner shirt niya iyon para mamaya. Richard kissed her mother on the cheek. He greeted them a happy anniversary. His mom got teary-eyed. Tinapik siya ng daddy niya bago inakbayan ang asawa. “Mom naman. May bisita po ako, oh? Nanggaling pa kaming Batangas.” His mom gasped and looked at me. “Is she your girlfriend? Kaya lumipat ka roon dahil…” Tumikhim si Debra sa tabi ko. Nagkatinginan kami. Umiling ako at binalik ang atensyon sa pamilya Divino. “Uhm, she’s Angel, mom, dad. Kaibigan ko po at ang professional photographer na sinasabi ko sa inyo. Siya ang owner ng ‘Pose for Us’ studio sa Padre Garcia. And this is Debra, her friend and assistant.” “Ah... so, siya nga iyon?” “Mom…” Uminit ang mukha ko sa pagtawa ng daddy niya. “C’mon, sweetheart. Nahihiya na ang magandang photographer ng binata mo. Let them breathe peacefully here.” Sandaling natigilan ang mommy ni Richard at tiningnan ako. I only given a chance to introduce myself after that intermission from his dad. Kung hindi, patuloy na magtatanong ang mommy niya tungkol sa akin at hindi na lalamig ang mukha ko. Debra also shook hands with them. Pagkaraan ng ilang segundo, saka lamang nahimasmasan ang mommy niya. “Pasensya ka na, hija. Ang tagal ko kasing hindi nakita itong si Chard. Hindi ko akalaing magpapaiwan iyon sa lugar na tinirhan ng Tito Samuel niya. Buong akala ko ay hanggang Metro Manila lang ang buhay niya o kaya sa ibang bansa. Sa Batangas pala ang uwi.” “Okay lang po. Mabait na tao po ang anak ninyo. At may nakakasama rin doon si Atty. Divino.” Hinawakan niya ako sa braso at deretsong tiningnan. Biglang hawak kaya medyo mariin sa pakiramdam ko. “Kliyente ka niya, hindi ba? Isa kang Calavera?” Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko pagkasambit niya sa apelyido. “O-opo, Ma’am.” Humugot ito ng hangin at binitawan ang braso ko. “I know you. Naikwento ka na sa akin ni Kuya Samuel. Napakabata mo pala tingnan sa personal at… maganda. Kaya naglagi roon ang binata naming ito.” She looked at her son and then smiled. Wala na akong nasabi tungkol doon. Pakiramdam ko ay dead end na ang pagsambit niya sa Calavera. “Anyway, just enjoy the party later, hija. Hindi ka lang basta photographer namin kundi bisita rin. See you, later? Ipapatanggal ko lang itong rollers sa buhok ko. I’ll come back.” “S-Sige po, Ma’am.” Nginitian niya ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng bahay. Richard joined us and served us drinks. Dinala niya rin kami sa mesa at upuang naka-reserve sa amin ni Debra. “Mayamaya lang, magsisidatingan na ang bisita. Anything you want, ladies?” Lumunok ako. “Okay na, Richard. Maghihintay na lang kaming lumabas ang parents mo. Magshu-shoot kami sa podium na iyon,” turo ko sa makeshift stage sa gitna ng hardin nila. Tumango siya at namaywang. Pagkaraan ng ilang segundo ay tinawag ito ng dad niya at nadinig kong pinagbibihis na. Ako: We’re here. Mag-i-start na kaming mag photoshoot. We followed the schedule smoothly. Tulad ni Richard, mababait din ang mga magulang niya. Namana niya sa daddy niya ang hirit at jokes na palagi nitong baon. Ang mommy niya ay approachable at madalas nakangiti. Mukha siyang veteran beauty queen kung manamit. Itim na spaghetti strap long dress ang suot nito at sa high heels. Nang magsimula kaming mag-photoshoot bago simulan ang party, hindi na maalis ang mata ng asawa nito sa kanya. And I made sure I captured those moments. Ang natural tingnan at totoong may hatid na meaning sa litrato. And that is the real description of my job. Maraming bisita ang dumating. Karamihan ay kasing edad ng parents ni Richard at ang iba ay kamag-anak nila. Hindi nakadalo si Atty. Divino dahil sa trabaho. Pero nag-video call si Richard at nabati ang mag-asawa. Nakita niya rin kami ni Debra. It was a brief call because he needed to do something. I bid my goodbye and went back to work, too. Ang saya lang ng party. Maingay pero hindi nakakarindi sa tainga. Kahit si Debra ay natutuwa. Medyo pormal. Iyong tipong halos lahat ng mga babaeng bisita ay naka-gown pero kami ni Debra at naka-jeans at longsleeves blouse. Naka-ponytail ang buhok at nakakulot o straight naman ang iba. Actually, natutuwa ako. Nag e-enjoy din sa pagkuha ng mga stolen shots. Sa ganda ng paghahanda nitong venue, tiyak kong maganda rin ang kapag na-print na. “Maupa na lang kayo at kumain, Angel, Debra. Tama na ang pagkuha ng picture. Marami na iyon. Kumain na kayo.” Bigla akong hinila ng mommy ni Richard galing sa pagkuha ng litrato sa stage. May nagsasalitang kamag-anak nila at bumabati. Marami na nga kaming kuha pero hindi pa tapos ang party kaya kuha lang ako nang kuha. Lalo na at importante rin naman iyon. Pero ayaw magpapigil ng mommy ni Richard. Tumawag ito ng waiter at pinakuha kami ng pagkain. Ang sabi ko ay okay lang kaso ayaw talaga. “Samahan mo sila rito, hijo. Kanina pa sila nagtatrabaho,” Nahiya akong umupo. Si Debra ay nakangiti at nagpasalamat. I thanked her too. Pagkaalis niya ay tumawa si Richard. “Masanay ka na, Angel. Ganoon talaga ang mommy ko.” Dumating ang pagkain namin. Madilim na. Nag iinuman na nga ang ibang bisita. May nakita akong bote ng wine at champagne. At iba pang mas bigating pangalan ng alak. Sa ilang mas batang nandito, sa tingin ko ay papayagan namang magsiinom. Lalo ang kaanak. Nang humupa ang party, nakauwi na ang ibang bisita. Pinakita ko sa laptop ang mga litrato sa pamilya. May dalang tuwa sa dibdib ko kapag ganoong satisfied sila sa kuha ko. Napapapalakpak ang mommy Richard at isang beses akong niyakap. Ang anak niya ay nakangiti lang kaming tinitingnan. Nagliligpit na ang catering pagkalabas namin. “Sigurado ba kayong ayaw ninyong magpalipas ng gabi rito, hija? Richard, may guest room tayo.” Tinatanggal na ang sapin ng bawat mesa sa hardin. Ang loob ng bahay ay nililinisan ng mga kasambahay. Naroon ang mga regalong natanggap nila at inaayos din. “May pupuntahan pa kami, Mom.” “O bakit hindi kayo rito bumalik pagkatapos niyan?” “Mas gusto nila sa condo ko, Mommy. Nahihiya sila rito, e.” Natawa kami ni Debra. “Si Engineer talaga. Nilalaglag kami.” “Thank you po, Ma’am. Tuloy na po kami ni Debra. Salamat po ulit!” paalam ko sa mag-asawa. They both hugged us. They are very accommodating pero nahihiya rin akong doon pa kami matulog ni Debra. Pagod sila at kailangang maglinis ng bahay. Though, we would be fine in one guest room, feeling ko mas maayos akong makakakilos sa condo ni Richard. “Pagkahatid ko sa kanila sa condo, uuwi po ako rito.” Paalam ni Richard. “Alright. Mag ingat sa pagdrive, Chard.” Daddy niya. Nagmaniobra na si Richard at nilabas ang kotse. Kaya hinatid kami ng parents niya hanggang sa gate. Si Richard ang nagdala ng bag namin ni Debra. “Ingat kayo!” “Bye po!” I waved at his mommy and daddy. Pagkasarado ng gate, natigil ako sa paghakbang nang makita ang isang pamilyar na bulto sa kabilang kalsada. Mahina akong suminghap. Umawang ang labi ko at dumagundong ang dibdib ko nang makitang nakatayo sa tabi ng Raptor niya si Jandro. Nakapamulsa at nakatitig sa akin. “Anong…” ginagawa niya rito sa maynila? Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng paglundag ng puso pagkakita sa kanya. He is wearing his simple denim jeans and a gray round neck t shirt. Kumakapal ang bigote at balbas niya sa mukha at parang hindi iyon napapansin sa salamin. Kailan siya huling beses nagpagupit ng buhok? Para siyang tangang nakatayo sa kabilang kalsada. Nakatingin marahil ito sa gate at naghihintay nang hindi nagpapasabi. Pumunta pa siya rito sa maynila! Natitingnan ko naman ang cellphone ko kanina. Wala siyang bagong text o kahit tawag. Kaya naestatwa ako pagkakita ngayon sa kanya. “Angel tara na!” Hindi ko nilingon si Debra na ready nang sumakay sa kotse ni Richard. Richard closed the door after depositing our bags. Tinitigan ko si Jandro. Dumaan ang isang private car. Pagkalagpas ay tumawid siya at lumapit sa akin. Debra gasped loudly. Dinig na dinig na parang nakakita ng multo. “Jandro?!” Hindi niya binibitawan ang titig sa akin. Ni hindi niya binalingan o sinulyapan man lang sina Richard at Debra. My heart is beating wildly and I feel like I am about to freeze my whole body just by staring at him. He is really here! He is breathing proudly in front of me! Wala akong ibang masabi kundi, “A-Anong ginagawa mo… rito?” that’s it and nothing else. Isang beses niyang sinulyapan ang bahay na pinanggalingan namin. “Tapos na kayo? Pwede ka nang umuwi?” What is that sound? Bumyahe pa siya rito galing Batangas para lang sunduin ako? Baliw ba siya? “Ano?” Binalingan niya si Debra at mabigat na bumuntong hininga. “Sa akin na kayo sumakay. Ako ang maghahatid- “Ano?” Tiningnan niya ako ulit. Akma niyang aabutin ang sling bag ko pero hinawi ko ang kamay niya. “Pumunta ka pa rito para sunduin kami?” Umawang ang labi niya. Para bang nasa dulo ng dila ang isasagot pero hindi maabot. I scoffed. “Jandro, hindi ka naman nag-text ha? May text ka ba?” “Wala. Hindi na ako nagtext kasi… wala akong natatanggap na reply mo.” He didn’t sound bitter but he shouldn’t come here. Ang layo ng binayahe tapos ganito lang ang gagawin niya. Umiling ako. “Bakit nagpunta ka pa rito kung hindi pala ako nagrereply sa ‘yo? Dapat understood na iyon na hindi mo kailangang magpunta pa rito. Kasi ayaw ko ngang makipag-usap sa ‘yo, ‘di ba?” I sounded mad. But my chest is hurting. I am mad for he came here but my heart is pounding so freaking fast just by looking at him. Tila nilalamukos ang loob ng tiyan ko pero puro pambabara ang lumulutang sa isipan ko ngayong nandito siya. Para akong nilalason pero sarap na sarap sa lasa. He moved forward. He towered me and I looked up at him. He is almost covering me from everyone. “Pagkatapos ng nangyari… ayaw mo na akong makausap?” he lowered his voice. Ang mukha niya ay parang nadaganan ng mundong puno ng problema. “Nangyari? Alin? Iyon? Anong gusto mong gawin ko? Maghabol sa ‘yo?” Nilulukot ang dibdib ko habang nakatingala sa kanya. Why I hate him so much now? Why do I want to hurt him now? Why I couldn’t think straight despite the pain in my heart right now? Why? Tinitigan niya ako. He shifted his feet and nervously licked his lips. Umaalon ang dibdib niya at kita kong pinagpapawisan siya. Kumain na ba siya? O uminom man lang ng tubig? Mukhang maghapong naglagari sa kalsada at nakalimutang alagaan ang sarili. Dahil doon, nanlisik ang mata ko sa kanya. “Hindi. Ako. Ako ang naghahabol sa ‘yo. Kaya nandito ako. Sinundan kita. Kasi… hinahabol kita.” “Sa lahat ng oras na pwede mo akong habulin, Jandro, sa trabaho ko pa? Dito pa?” Humakbang palapit sa amin si Richard at si Debra ay pinigilan itong hustong pumagitna sa amin. Umirap ako at humalukipkip. Tiningala ko si Jandro na ngayon ay parang ayaw magpapigil sa gusto nitong gawin. “I’m sorry. Hindi ko lang…” I sighed heavily. “Hindi mo ano?” He gulped and shifted his feet once more. Sinulyapan niya ang gate, ang sahig, ang paso, ang halaman at puno bago binalik sa akin ang mata niya. “Masyado kang malayo sa akin. Hindi ko… kaya.” Umirap ako ulit. Dinuro ko siya sa dibdib at tinulak siya. “Ang tawag dito sa ginagawa ko--trabaho. At hindi ko tungkulin sa ‘yo na mag stay sa tabi mo dahil lang sa hindi mo kaya. Ano ba? Ngayon, kung ang dinadahilan mo ay ang ‘nangyari,’ makakahinga ka nang maluwag dahil never akong maghahabol sa ‘yo. Kung iyon naman ang gusto mong gawin ko, hintayin mo mang pumuti ang uwak ay wala ka pa ring mapapala. Huwag mo nang hintayin ang sagot ko, Jandro. Hindi tayo pareho ng nararamdaman.” Nilagpasan ko siya at sumakay sa kotse ni Richard. Hindi ko na siya nilingon. Hindi ko rin nagawang sulyapan ang itsura nina Richard at Debra dahil kaunting galaw pa ay kakawala na ang luha ko. Mabilis na mabilis ang hininga ko at ang t***k ng puso ko. Parang hinihiwa ito pero ako ang nagbigay ng patalim. Narinig ko ang pagpapaalam ni Debra bago sumakay sa likuran. Pinakahuling sumakay si Richard at agad pinaandar ang sasakyan palayo roon. Duwag o talagang ayaw ko lang tingnan si Jandro kahit sa side view mirror ni Richard. Bumalong ang luha sa mata ko. Kumawala iyon na tila dam na pinuno ng bagyo. Tumingin ako sa labas ng bintana at nagpasalamat na patay ang ilaw kaya hindi nila nakikita ang itsura ko. Iyon ay kahit ramdam ko sa hangin sa pagitan naming tatlo ang awkwardness at bunyag na katotohanan pero walang may gustong magsalita. Binuksan ni Richard ang radyo. Lumalagpas sa paningin ko ang mga nadadaanan namin. Ang mga ilaw, tao at bahay ay mabilis na dumaraan sa mata ko. Pero ang isip ko, naiwan sa iisang tao. Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Debra. Suminghap ako at lumingon. “Y-Yes?” Tinaas niya ang kanang kamay. Tinuro ang likod niya. “Ano iyon?” Lumunok siya. “Nakasunod sa atin si Jandro.” Tiningnan ko ang sasakyang nasa likuran mismo ng kotse ng Richard. Ang Raptor. Matulin din ang patakbo at halos kadikit na namin. Nabuhay ang dagundong sa dibdib ko. Sinulyapan ako ni Richard. He looked worried. “Kung gusto mo, dumaan tayo sa police station para humingi ng tulong.” Napaayos ako ng upo at nagulat. Si Debra ay suminghap pa. “Grabe naman ‘yan, Engineer! Hindi masamang tao si Jandro!” Tiningnan ko si Richard. “Tama si Debra. Hindi natin kailangan ng pulis.” “Kung ganoon, hahayaan mo lang iyan? Nakabuntot sa ‘yo kahit ayaw mo?” Natahimik ako. Oo, ayaw kong nandito si Jandro pero ayaw ko ring masangkot pa siya sa gulo at madala sa mga pulis. Sa tingin ko hindi makakatulong kahit ang awtoridad. Natanaw ko ang isang convenience store. Mabigat akong bumuntong hininga at tinuro. “Ihinto mo muna sa 7/11.” “Ha?” Inulit ko kay Richard. Nagmenor siya. Walang nakaparadang kahit anong sasakyan doon kaya malaya kaming huminto sa gilid. Nagtanggal ng seatbelt si Richard. “May bibilhin ka?” “Oo.” Bumaba ako. Sa gilid ng mata ko, pumarada rin ang Raptor sa likod namin. “Ay ako rin pala may bibilhin, Engineer! Wait mo kami rito.” Humawak ako sa sling bag ko. Bumukas ang pinto ni Jandro pero hindi ko na siya nilingon. Dumeretso ako sa 7/11 kasunod si Debra na panay ang lingon sa Raptor. Pagkapasok sa loob, hinawakan ako ni Debra sa siko. Huminto ako. “Huy Angel, anong hahanapin mo rito? Hihingi ka nga ng tulong? Grabe naman.” Umiling ako. “Bibili ako ng tubig.” “Tubig?! Nauuhaw ka?” It is an abrupt decision. Kumuha ako ng isang Wilkins sa refrigerator. Si Debra ay kumuha ng juice at sumunod ulit sa akin. Nagpalinga linga ako. Tinungo ko ang katabi ng donuts. Pinahawak ko kay Debra ang bottled water at hinugot ang pangsipit sa gilid. Nagpalaman ako ng hotdog sa tinapay. “Gusto mo rin nito?” “Ayoko.” Dumeretso na kami sa counter at binayaran ang mga kinuha. Nilagay sa paper ang kasunod na mga sauce ng tinapay at hotdog. Habang naghihintay ng sukli, lumingon ako sa labas. Nakatanaw sa amin si Jandro. Nagkatinginan kami. Si Richard ay nakatayo rin at naghihintay sa amin. Nanginginig na parang gininaw si Debra paglabas. Binuksan ni Richard ang pinto sa likuran. Bumagal ang lakad ko. Mariin kong kinagat ang labi at nilipat ang tingin kay Jandro. Hinawakan kong mabuti ang brown paper bag. Bumaling ako kay Debra. “Mauna ka nang sumakay. Pupuntahan ko lang si Jandro.” “Oh? Akala ko…” Pinagmasdan ko siya. But then she nodded. Lumihis ang landas ko kaya napatayo ng tuwid si Richard. Ilang hakbang bago makalapit kay Jandro, inalis nito ang suksok sa bulsa ng pantalon at umayos din ng tayo. Sinalubong na niya ako at hinuli ang kamay ko. “Can we talk?” mahinang mahina niyang tanong. Binigay ko sa kanya ang tubig at tinapay. Umawang ang labi niya pagkatingin sa binili ko. “Anong oras ang huling kain mo?” He looked at me. I sighed. “Mukha kang pagod. Sige na. Kainin mo na ‘yan.” Isang hakbang paalis ay hinuli niya ulit ang kamay ko. “Please let’s talk, Angel.” Matapang ko siyang hinarap dahil ramdam kong wala siyang balak na tumiklop o magbigay. “Susundan mo ba kami hanggang sa condo ni Richard?” “Oo. Maghihintay ako sa labas hanggang bukas kung doon lang kita pwedeng makausap ulit.” “Nababaliw ka na ba?” Tumango siya. “Oo.” Marahan akong pumikit. Lumunok at nag isip ng ibang paraan pero… wala rin. Hinila niya ako. Nasa likod ko na ang kamay niya nang mapagtanto ko ang pagkilos niyang iyon. “I missed you.” magkahalong saya at pagod niyang sambit. “At desperado na ako, Angel. Sige na please… sa akin ka sumama. May bahay ako rito. Doon kita dadalhin. Isama natin si Debra. Please, baby. Sa akin ka na sumama. Please… let’s talk…” he kissed my cheek. Mabagal at matagal. Tumalikod ako sa kotse ni Richard. Tinulak ko sa dibdib si Jandro. Tumingala ako sa kanya. Ilang taon… ilang taon kong hindi nakita ang matang ito. At ilang taon ko nang binaon sa limot ang damdaming ito. Pero ngayon… heto bumabalik. Bumabalik ang pinatay ko na. Bumabalik. Bumabalik ang nilibing ko na. “Baby…” Ilang beses siyang nakiusap na sumama ako sa kanya. Hindi ako umiling o sumagot man lang. Alam kong pinapanood kami ni Richard at Debra. Gusto kong lumipat doon pero gusto ko ring makauwi nang buhay si Richard. Ito nga ba ang dahilan ko? I looked up at him again. “Jandro…” “Please?” Tinitigan ko siya. At bago pa kami malapitan dito, “Okay. Let’s talk.”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD