“SIR hindi po kayo pwedeng pumasok! Maselan po ang kundisyon ni Miss Cuba!” ang malakas na tinig ng nurse na iyon mula sa labas ang nagpabangon kay Joan mula sa pagkakahiga. “Ma!” aniyang tinawag ang ina na alam niyang kasama niya sa loob ng silid. “Anong ginagawa mo dito?” ang galit na sita ni Bella sa bagong dating nang maramdaman niya ang pagpasok ng kung sino sa loob ng kanyang kwarto. “Ma, please listen to me” nagsusumamo ang boses ni Paul. “P-Paul?” naisatinig niya. Noon niya naramdaman ang paglapit ng binata sa kanya saka siya mahigpit na niyakap. “I’m sorry Jo, patawarin mo ako. Ituloy natin ang kasal natin. Hindi ko makakayang mabuhay ng wala ka. Ikaw ang mahal ko, hindi si Letty” umiiyak ito, at dahil sa pagmamahal sa dapat