HINDI malayo sa pinanggalingan nila ang address na sinabi sa kanya ni Paul. At mukhang hindi nga ito nagkamali dahil malayo palang ay tanaw na nila ang dalawang police mobile sa tapat mismo ng isang lumang bahay. Lalong tumindi ang kabog ng takot sa dibdib ni Jim. “Nasaan ang asawa ko? Anong nangyari sa kanya?” nang makababa sa kanyang kotse ay mabilis na nilapitan ni Jim ang isa sa mga pulis. “Kayo ho ba ang asawa ng hostage? Nasa loob pa siya” sagot nito saka kinuha ang malaking megaphone at nagsalita. Habang si Jim naman ay walang sinayang na sandali. Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang bahay sa kabila ng ginawang pagpigil sa kanya ng lahat ng naroon. PAGPASOK ay dala ni Letty ang isang maliit na gallon. Nakita niya ang tila impaktang tawa nito kaya nahu