Irish POV Dalawang araw na ang lumipas simula ng mangyari ang tagpo sa loob ng silid ko kasama si Collin. Hanggang ngayon ay hindi pa kami muling nagkikita dahil sa tuwing alam ko na nasa malapit siya ay nagkukunwari akong abala sa ginagawa ko o kaya naman ay may mga pagkakataon na nagtatago ako sa loob ng banyo para makaiwa dito. Hindi n'ya rin naman ako ginugulo kaya naghahanda ako dahil sa susunod na may gawin siya ay siguradong delubyo na naman ang aabutin ko. Ganun naman kasi lagi ang nangyayari eh. Matapos niya akong gawan ng masama ay magpapahinga muna siya at pakalipas ng ilang araw ay saka na naman siya magsisimula na pahirapan at alilain ako. Mas mabuti na ang marami siyang ipagawa sa akin at least occupied ang isip ko at hindi nag-iisip ng kung anu-ano. Iba kasi kapag emoti