Irish POV. "Tinatanong kita, anong sinabi mo?" tila napipikon na tanong nito. "Wala, wala akong sinabi. Saka kung may narinig ka ay guni-guni mo lang 'yun," sagot ko. Lalong nalukot ang mukha nito na nakatingin sa akin ang seryosong mga mata nito. "Sabi ko magbihis ka na at umaagos ang dugo sa balikat mo," sabi ko sabay turo sa tabi nito ng damit na dala ko. Sumimangot lang ito saka muling sumandal sa headboard ng kama. "Kahit ilang ulit na mag-bihis ako kung hindi ko mapapalitan ang gaza at benda sa balikat ko ay balewala rin lang 'yun," kibit balikat na sabi nito. Ano pa ba ang hinihintay niya eh di dapat gawin na niya agad iyon. Alam naman pala niya ang kailangan niyang gawin pero parang wala siyang pakialam sa mundo. "Bakit hindi ka tumawag ng doktor para gamutin 'yan?" tanong