Chapter 5

3014 Words
Irish POV "Doon ang toilet na lilinisin mo. Bilisan mo," sabi nito. Ang walang hiyang lalaki itinulak na naman ako matapos ituro ang banyong lilinisan ko daw. Tulala lang kasi ako habang nasa harap ako nito kanina. Hindi ko magawang magsalita dahil kita ko na pinasadahan na naman ako nito ng matalim na tingin mula ulo hanggang paa. Pumasok agad ako dahil ayaw kong magtagal sa harap niya, mahirap na dahil baka kung ano na naman pumasok sa utak nito at may gawin na naman na kung ano sa akin. Napapikit ako sa inis ng makita ko ang itsura ng banyo ng buksan ko ang pintuan. Anong drama ng kumag na 'yun at mukhang naglaro dito sa loob? Kalat-kalat ang pinag-punit-punit na tissue. May basag pa na salamin bukod pa sa toothpaste na ikinalat sa mga tiles sa dingding at salamin. Ang dulas din ng sahig na mukhang bubuhusan yata ng isang boteng sabong pangpaligo. Talagang sinasadya ng lalaking 'yun na inisin ako ng todo. Sinusubukan n'ya ba talaga kung hanggang saan ang pasensya ko? Mabago naman sana ang banyo nito, lintik lang at mukhang sinadyang magkalat para pahirapan ako. Hay, sa sobrang inis na nararamdaman ko ay napa-padyak na lang ako ng mga paa habang mariin at gigil na nakapikit. Kulang na lang ay mamatay ito sa talim ng mga salitang dumadaloy sa isipan ko. Nakakagigil na talaga, makakita lang talaga ako ng kahit konting pagkakataon ay tatakas talaga ako. Wala siyang karapatan na ikulong ako rito at pahirapan ng ganito. Kaya siguro minamalas siya sa buhay ay dahil sa sama ng ugali nito. Kita mo nga at basta na lang ako dinukot at sapilitan na dinala dito.Tapos heto ako ngayon ginawa niya akong alila. Mabuti pa ang mga kasambahay may sweldo samantalang malabo na bigyan ako nito kahit isang sentimo na bayad. Ultimo pagkain ko mga siningil ako ng matindi. Nakakatakot tuloy kumain dahil baka sa susunod na kakain ako ay mas matindi pa ang ipapagawa nito sa akin. Napaantada ako sa noo ko, por dios por santo, huwag naman sana niya akong utusan na magnakaw o kaya gumawa ng masaya balang araw. Nanginig tuloy ang kalamnan ko sa naisip ko. Luminga ako sa paligid para mawala ang kung anu-anong laman ng utak ko dahil alam ko na hindi maganda ang epekto nito sa akin. Mas lalo tuloy akong natatakot kaya mas mabuti na unahin kong gawin ang trabaho na binigay ni Mr. Tornado. Tama simula ngayon 'yun itatawag ko sa kan'ya, bagay naman kasi sa kan'ya ang gano'ng pangalan dahil talo n'ya pa ang delubyo basta nasa paligid ko siya. Alam ko na kahit nasaan ako ay bantay sarado nito ang bawat galaw ko. Walang oras na hindi ito nakamasid. Pakiramdam ko kahit saan ako magpunta ay nakasunod ang mga mata nito sa akin. "Hay, paano kaya ako makakaalis sa lugar na ito? Ano ba ang dapat kong gawin para matakas dito ng hindi niya namamalayan?" Pabulong na tanong ko sa sarili ko. Mababaliw kasi ako kapag nagtagal pa ako rito. Maraming nabuong plano sa isipan ko pero kanina tiningnan ko ang paligid, puro mataas na kahoy ang nasa paligid at wala rin akong makitang kahit isang kapitbahay. Hindi ko rin alam kung nasaan ako at anong lugar ito. Napakataas pa naman ng bakod. Bukod sa marami ng armadong kalalakihan may mga malalaking aso pa akong na pansin na nasa labas. Kailangan kong makabuo ng malinis na plano para makatakas. Hindi ako papayag na magtagal dito at hayaan ang lalaking iyon na apihin ako. Pinalaki akong matatag kaya alam kong makakatakas ako dito sa lalong madaling panahon. Kailangan ko lang pag-aralan ang lugar na ito, saka tatakas kapag alam ko na ang pasikot-sikot sa ngayon magiging mabait ako at susundin ko muna ang bawat sasabihin niya para sa kaligtasan ko dahil alam ko na hindi ligtas para sa akin ang makipagtalo rito. Tama ganyan nga ang gagawin ko. Marami mang plano ang tumatakbo sa isipan ko ay hindi ko pa rin matatakasan ang katotohanang kailangan kong linisin ang buong banyong pinaglaruan ng walang hiyang lalaking 'yon. Sinimulan ko ang paglilinis mula dingding hanggang sa sahig at sinigurado ko na malinis nga ang buong lugar, mahirap na at baka ipaulit pa nito sa akin double trabaho na naman 'yon. 'Wag lang sana itong sapian ng masamang espirito para hindi ako ang makita nito. Panay ang tulo ng pawis ko sa noo ng matapos ako. Marahan ko ng pinunasan at napansin ko ang parang mapulang maliliit na ilaw na nakatutok sa akin. "Ano kaya 'yan?" tanong ko sa sarili ko. Para kasing pakiramdam ko may nakatingin sa akin kanina pa. Ang weird lang talaga ng ganitong pakiramdam. Kahit wala na si Tornado sa paligid ko ay pakiramdam ko ay naiwan ang mga mata nito kasama ko at nakatingin sa bawat detalye ng ginagawa ko. Ah basta, hindi ko rin maipaliwanag. Hindi kaya cctv camera 'yun? Ang walang hiyang 'yun mukhang pinapanood kung paano ako maghirap habang nililinis ko ang kalat sa magulo niyang banyo. Ano ba ang tingin ng kumag na 'yun sa akin, laruan? Hay makikita n'ya talaga oras na makakita ako ng pagkakataon babawian ko siya ng big-time. kunot ang noo at naniningkit ang mga matang tinitigan ko ito ng ilang minuto. Tinigilan ko lang ang ginagawa ng wala namang kakaibang nangyari. Baka paranoid lang talaga ako kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Kasalanan kasi ito ni Tornado eh, kung bakit ba kasi sa lahat ng tao ako pa ang napili niyang gawing alila rito. Lumabas akong pawisan dahil mainit sa loob. Hindi man lamang kasi binuksan ni Tornado ang bintana o kahit electric fan sa loob. Pasalamat ko na lang talaga na wala ito sa loob ng kwarto ng lumabas ako. Mabuti na ang ganito na hindi kami magkita dahil perwisyo lang ang dala n'ya sa akin. Kahit naman sino ang nasa katayuan ko ay isusumpa siya sampo ng mga alipores niya sa lahat ng pinaggagagawa nito sa akin. Nakakaubos siya ng pasensya kahit gaano pa katindi ang ginagawa kong pagtitimpi sa kan'ya. Ayaw na ayaw ko na nakikipag-away at nakikipagtalo pero napasok ako sa magulong sitwasyon na ito. Derecho ang lakad ako hanggang makapasok sa loob ng silid ko. "Thank you papa Jesus safe po ako ngayong araw. Sana po wag ninyo akong pabayaan." pasalamat ko habang nagpalit ng damit na nasa ibabaw ng kama ko. Collin POV. Maaga pa lang ay marami na akong plano para pahirapan si Caroline. Kaya pagkagising nito pinapunta ko na ito sa opisina ko. Parang ang bagal ng oras habang naghihintay ako lalo na at marami akong magandang plano para pahirapan ito. Bawat minuto ay binibilang ko dahil na rin sa excitement na makaharap ito at magawa ko ang gusto ko. Dumating itong suot ang pinadala kong damit, napangisi ako ng makita ko itong pumasok sa silid kaya mabilis ko itong hinawakan sa leeg at tinutukan ng baril sa ulo. Great, kita ko at ramdam ko ang tension at takot nito sa akin. Masaya akong nasindak ito sa akin at nanginginig na hawak ko sa mga kamay ko. Dapat lang na matakot siya dahil hindi simula pa lang ito ng parusa ko sa kan'ya. Kita ko na para itong na statuwa sa kinatatayuan nito ng bitawan ko. Nagniningning ang mga mata ko sa nakikita ko na pagkabahala habang natataranta ito sa ginawa ko. Kumuha ako ng alak at isinagawa ang susunod kong plano. "Sayaw, sumayaw ka at naiinip ako. Kailangan ko ng aliw," utus ko. Pero nag-init ang ulo ko sa sinagot nito kaya hindi ako nakapag-timpi at pinutukan ko ito ng baril sa paanan para turuan ito ng leksyon. Sa buong buhay ko walang sinuman ang nangahas na sagutin ako ng pabalang na humihinga pa rin sa mga oras na ito. Wala ni isa sa mga taong nakakakilala sa akin ang may lakas ng loob na ibuka ang bibig sa tuwing ka harap ako. Pasalamat siya at may mga plano ako sa kan'ya dahil kung hindi baka pinag-fiestahan na siya ngayon ng mga alaga ko sa basement. Kita sa mukha nito ang labis na takot sa ginawa ko at habang nanginginig ang buong katawan. Walang ka kilos-kilos na nakatayo ito sa harapan ko. "Sayaw!" Bulyaw ko ulit dito. Marahan itong gumalaw at kagat labing nakayuko. Nakakailang hakbang pa lang ito ng ma bwisit ako sa pinaggagawa nito. Hindi ko alam kung anong klase ng sayaw ang ginawa nito at talo pa ang mag-bu-bugaw ng langaw sa isda sa palengke ang ginagawa nito. Hindi ako nakatiis at pinatigil ko ito. "Ayusin mo, yung mukhang kaakit-akit," gigil na sigaw ko. Bwisit na babae ito, mukhang sinusubukan talaga ako at ang pasensya ko ng sumayaw nga sa harap ko pero mukha namang nag-titinikling. Sa sobrang pagkainis ko matapos akong sagutin na hindi ito marunong sumayaw at hindi pa nakakapunta sa club ay nag-iinit ulo ko. Gigil na nahablot ko ang damit nito at nasira, akala siguro nito mauuto niya ako gaya ng ginawa niya kay Calla. Sa panahong kasama ito ng kapatid ko wala na itong ginawa kundi ang mag-party at pumunta sa kung saan-saang clubhouse kasama ang kapatid ko. Marahas ko itong hinablot sa braso na alam kong mag-iiwan ng marka ngunit wala akong pakialam. Hindi ko siya kayang kaawaan at ang sakit na nakabalatay sa mukha niya ang satisfaction na kailangan ko. Patunay na maigaganti ko ang kapatid ko. "Kulang pa yan Caroline, kulang pa," nakangisi na bulong ko na hindi ko alam kung naintindihan ba nito dahil nakapikit ito ng mariin at namumutla kasabay pa ng panginginig ng katawan. Binitawan ko ito at iniwan. Napasandal ako sa labas ng pinto matapos kong maisara ngunit hindi pa ako nakaka isang hakbang palayo ng marinig ko ang kalabog sa loob. Napabalikwas ako at agad pumasok para lang nadatnan ko itong nakahandusay sa sahig at walang malay. Malakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ko ang ayos nito. Sinuri ko kung tumama ba ang ulo nito at nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang dugo. Gusto ko man pagalitan ang sarili ko kung bakit natataranta ako at biglang kinabahan sa nadatnan kong ayos nito. Kailan pa ba ako nagkaroon ng pakialam sa ibang tao? Hindi dapat, at lalong hindi sa babaeng nasa harap ko na puno't dulo ng trahedya sa buhay ng kapatid ko. Kahit anong pigil ko sa sarili ay parang may sariling isip ang mga kamay ko ng mabilis kong kinuha ang coat ko at ibinalot dito saka marahang binuhat at dinala sa silid nito. Inutusan ko ang right hand kong si Felix na tawagin ang katulong na si Mohana para padalhan ng damit at bihisan ito. "s**t man, anong ginawa mo?" boses ni Desmond na bestfriend ko ang nagpalingon sa akin matapos kong lumabas sa silid ni Caroline. "Why are you here?" pag-usisa ko, bigla na lang kasi itong sumusulpot. "So, natagpuan mo na rin s'ya huh?" tanong pa nito. "Yeah," maikli kong sagot. Ayaw ko kasi magpaliwanag dito dahil alam ko na kahit anong sabihin ko ay hindi ito sang-ayon sa plano at gusto kong gawin sa babaeng hawak ko. "Look man, hindi magugustuhan ni Calla ang ginagawa mo lalo na at mahal na mahal ng kapatid mo si Caroline," mahabang saad nito habang naka-sandal sa may pintuan. Napailing ako, "Maintindihan ni Calla ang ginagawa ko," mahinang sagot ko dahil maging ako man ay hindi ako sigurado sa magiging response at reaction ng kapatid ko sa mga plano ko. "Sana nga bro, sana nga at sana hindi mo ito pagsisihan," paalala nito sa akin. "Don't worry, everything is under control," sabi ko sabay tapik sa balikat nito at nagkibit balikat. "Let's go, let's get some drinks," aya ko kay Desmond dahil talagang kailangan ko 'yon. Iba ang naging epekto sa akin ng makita ko ang sitwasyon nito ng balikan ko. Hindi pa rin mawala ang mabilis na t***k ng puso ko na hindi ko naranasan sa buong buhay ko. Walang sinuman ang may kakayahan na buhayin ang emosyon ko dahil lahat sila ay takot na makita ni anino ko. Napailing ako sa nararamdaman ko. Hindi ako dapat makaramdam ng kahit katiting na awa sa kan'ya. Siya ang dahilan ng pasakit sa buhay ng kapatid ko at dahilan para muntik ng mawala ito sa mundo. Hindi ko hahayaan na maapektuhan ako ng awa na nagsimulang umusbong sa akin para dito. Not now na maigaganti ko na ang kapatid ko. Hindi na ako magtataka kung paano nito napa-ikot ang kapatid ko sa mga palad nito dahil maging ako na walang kinakaawaan kahit minsan at nagkaroon ng pagbabago ng makita ko. No, hindi ako papayag na maging apektado ako ng presensya nito. Hindi ako magiging katulad ng kapatid ko na hahayaan siyang manipulahin ang sistema ko. Kuyom ang kamao na nakasunod ako kay Desmond pababa ng bahay. Naiisip ko si Calla at mas lalong sumisidhi ang kagustuhan kong pahirapan ito sa kahit anong paraan. Mahigit isang oras din ang lumipas na kausap ko si Desmond at umiinom sa mini bar ko dito sa mansyon. Mas gusto ko na dito kami tumuloy kesa sa sala dahil kailangan ko ng destruction. Hanggang sa mga oras na ito kasi ay kusang lumilitaw sa balintataw ko ang mukha ni Caroline kaya lalo akong nanggigigil dito. She's a witch! May kung ano sa babaeng 'yun na nagagawa na lang niyang basta pumasok sa isip ko ng walang pasabi. Resulta panay tuloy ang lagok ko ng alak at heto alam ko na may epekto na ito sa akin ngayon. Matapos magpaalam ng kaibigan ko ay binalikan ko si Caroline sa kwarto nito. Naabutan ko itong kumakain ng napasukan ko. Ito ang unang beses na alam kong kumain ito mula kagabi kaya alam kong gutom na gutom ito na nakita ko sa paraan ng pagkain nito. Kuyom ang kamao na nagsalita ako na ikinatigil naman ng dalawang babaeng naabutan ko. Pareho na nakayuko ang mga ito habang nakatingin ito sa sahig. Gan'yan nga, tama 'yan matakot sila sa akin. "Sinabi ko bang dalhan mo ng pagkain ang babaeng 'yan?" gigil na sigaw ko kay Mohana. Parehong na tahimik ang dalawa at mabilis na lumabas ng silid ang katulong na inabutan ko. Nakahanda na ang susunod kong parusa dito kaya dinala ko ito sa may gate at inutusang linisin iyon. Expected kung magrereklamo ito lalo na at sanay ito sa marangyang buhay. Alam ko na ayaw nitong magkuskus ng bakod pero maging ako hindi ko inaasahang susunod ito ng walang reklamo. Lihim na nakabantay ako habang busy ito sa ginagawa. Kung titingnan ibang-iba ito sa character ng Caroline na nakita kong laging mahaba ang kuko at ayaw sa marumi. Tila ito sanay na sanay sa ginagawa at mukhang nag-eenjoy pa nga. "Baka nagbago na, o baka nagsisisi sa ginawa kay Calla kaya naging mabait," sagot ng kaliwang bahagi ng isip ko. Anuman ang palabas n'ya ay hindi n'ya ako madadala sa dramang bait-baitan niya. Hindi ako si Calla na madaling mabilog ang ulo at napapaniwala sa pekeng pagmamahal na pinakita niya sa kapatid ko. Nilapitan ko ito ng makatapos at inutusang maglinis sa banyo sa loob ng silid ko. Tama, dahil may naghihintay sa kan'yang maraming kalat na kailangan niyang linisin. Nakamasid ako sa bawat galaw nito. Mukhang sanay na sanay sa gawaing bahay at mabilis nitong natapos ang utos ko. Napatda ako ng makita kong nag-taas ito ng mukha at tumingin sa cctv camera na nilagay ko sa loob ng banyo para mabantayan ko ang bawat kilos nito. Mahirap na wala akong tiwala sa kan'ya kahit pa mukhang maamong tupa kung kumilos ito sa harap ko. Mapagbalat kayo siya at hindi ko hahayaan na maisahan niya ako. Iniba na niya ang kilos, pananamit at pananalita niya pero alam ko na sa lahat ng pagbabago na 'yun ay siya pa rin ang babaeng sumira buhay ng kapatid ko. Kuyom ang kamao akong na tulala. Her eyes is telling me something. Para bang may kung ano sa mga mata niya na nagpapalakas ng kabog sa dibdib ko. Napailing ako "no, hindi ako pwedeng ma attract sa kan'ya. Hindi ako matutulad kay Calla na nalason ng kamandag niyang mapagpanggap na matapos paibigin ng sobra ay iniwan niya," bulong ko pa sa sarili. Kung anuman ang epekto ng mga tingin na iyon ay balewala sa akin. Isa lang ang gusto ko ang magdusa siya kagaya ng ginawa niya sa kapatid ko. Gagawin ko ang lahat maparusahan ko s'ya sa paraang alam ko. "Kaya ihanda mo ang sarili mo Caroline dahil maniningil ako," galit na saad ko habang pinapanuod itong lumabas ng silid ko at pumasok sa silid na tinutuluyan nito. "Magpahinga ka ngayon, dahil bukas maghaharap tayo ulit Caroline," bulong ng isip ko. Napapikit at napangisi ako sa nakahandang gagawin nito kinabukasan. Sinisiguro na sa larong ito ako ang mananalo at tanging ako lamang ang may kakayahan na paikutin siya sa palad ko. Susundin niya ang lahat ng ipagagawa ko dahil kung hindi ay siguradong hindi n'ya magugustuhan ang sunod na gagawin ko. Alam ko na hindi sapat ito, pero dahil kilala ko ang pagkatao ni Caroline ay lihim na nagbubunyi ang kalooban ko. Inside of me, alam ko na sa ganitong paraan magdurusa siya dahil ang bababeng ito ang uri ng tao na ayaw makatapak ng dumi at soyalera. Nagtataka man ako kung paano niya nagawa ng maayos ang lahat ng mabigat na trabaho na pinagawa ko ng hindi ito magrereklamo ay binaliwala ko. Siguro dahil napagtanto niyang malaki ang kasalanan niya sa kapatid ko at kailangan niyang pangbayaran ito. Maaari kayang inuusig na siya ng konsensya? Pero kung totoo 'yun, bakit siya nagpanggap na hindi niya kami kilala lalo na si Calla ng makita niya? Anong dahilan niya? Hindi kaya ganon ang pinakita niya sa amin para pakawalan ko siya? Kung totoo na ganun nga ang pakulo niya ay sinisiguro ko na hindi siya makakatakas sa poder ko. Kahit ilang ulit niyang itanggi na hindi niya kami kilala ay walang naniniwala sa kan'ya dahil sigurado ang mga mata ko sa nakikita ko. Siya si Caroline kahit anong klase ng pagbabalatkayo niya ay makikilala ko pa rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD