"I love you too, bye." I said as I hung up. Emerson just called. Nagpaalam lang siya kung pwede raw ba s'yang pumunta sa kaklase n'ya para gumawa ng project nila. Kung sa'kin lang ay okay lang naman kung 'di sya magpaalam since school matter naman 'yon. But well, what do expect from him? He's a very honest man. Mag-isa na naman ako sa bahay. Xander's not home. Hindi rin ito dito natulog kagabi. Siguro sa mga kaibigan niya o baka sa bahay ni Arriane. I really don't know and I should not care anymore. Kakatapos ko lang maligo at talagang gumising ako ng maaga dahil may babantayan akong bata ngayon. Yes, I'll be a babysitter for free just for now. I'll be watching over Primmy dahil ang sabi ni Justin ay walang magbabantay ngayon sa pamangkin niya dahil may kailangan daw siyang asikasuhin s