Sa gate pa lang ay natatanaw ko na si Emerson. Abala ito sa pakikipag-usap sa guard ngunit nang matanaw na papalapit na ako'y tumakbo naman siya agad sa direksiyon ko. Sinabayan niya ako sa paglalakad. Alam ko namang aantayin niya ako kahit na hindi ako nakapag-reply sa kaniya sa text niya. "Pasensiya ka na hindi ako nakapag-reply agad. Naconfiscate kasi iyong phone ko." "Talaga? I'm sorry, sana hindi na lang muna ako nag-text sa mga oras na iyon," aniya't pinagbuksan ako ng pinto sa front seat ng kaniyang kotse. Nilagay niya ang palad sa ceiling nito nang hindi ako mauntog. Simpleng gesture, normal para sa kaniya ngunit nakakatuwa iyon. He's a gentle a man noon pa man, walang nagbago. Umikot siya't pumasok sa kabila at naupo sa driver's seat. "Ano ka ba, ayos lang iyon. Ibibigay nam