Nakahinga ako ng maluwag. Matapos ang ilang minutong pag tatanong kay Brent at pag-uusisa rito ay masasabi kong matino naman s’yang lalaki. He may look bad boy outside but he's soft and sweet when it comes to Florence. Nakikita ko namang mahal n’ya talaga ang kaibigan ko.
Buti naman. Baka masapak ko 'to pag 'di seneryoso ang kaibigan ko. Nag-aalala kasi talaga ako kay Florence dahil first time n’yang magseryoso ang isang lalaki. Sana nga talaga their relationship sail smooth.
Right now, my eyes must deal with their sweet gestures and corny lines to each other. Halos sumakit na ulo ko kakayolyo ng mga mata ko. For the record, I’m not yet used to seeing my friend enamored of a guy.
“Am I late?” Napatingin kami sa nagsalita.
Nakatayo ito ngayon sa table namin. Matangkad s’ya at halata mong may halong banyaga dahil sa kulay ng mata at complexion ng balat. Maganda rin ang pangangatawan.
Napabaling ang tingin ko kay Florence. Tinignan ko s’ya ng ‘who's-this-hot-guy-look’. Nginitian n’ya lang ako ng mapaglaro. I knew it!
“Oh! hi, Emerson! Come on sit,” Florence welcomed him. Umupo nga si Emerson. At dahil sa tabi ko na lang ang free seat ay doon na s’ya umupo. Nakita kong mas lumawak ang ngiti ni Florence. Tss. Mga pakana n’ya talaga.l!
Mukhang magkakilala si Emerson at si Brent dahil nag-apiran sila at nagkamustahan.
“Emerson, si Cheska. Cheska, si Emerson.”
Iniabot ni Emerson ang kamay n’ya sa'kin para syempre makipagkamay. Hindi ko naman magawang tumanggi lalo na ng ngumiti ito kaya tinanggap ko rin agad ang nakalahad na kamay n’ya at sinuklian ang matamis na ngiti nito.
“Nice meeting you,” sabay naming sabi kaya napatawa s’ya ng bahagya.
“Maiwan na muna namin kayo, ah? Maglilibot lang kami ni babe rito sa mall. May gusto kasi akong bilhin,” sabi ni Florence at kinindatan pa ako. Nanlaki ang mga mata ko. She’s about to leave us alone on purpose!
“Teka lang—" ‘Di ko na natapos ang sasabihin dahil tumayo na silang dalawa at naglakad palabas. Ugh! Florence! Ano na naman 'tong kalokohan mo?
Katahimikan.
Sabi na nga ba't ayoko ng mga blinde date. Napaka-awkward kasi. ‘Di ko naman kasi kilala 'to? Pa'no ko ba i-e-entertain 'to? Nasanay akong laging si Florence ang taga salo ng conversation with someone. Sa aming dalawa kasi, siya ang mas social butter fly.
Ano kaya kung magtanong-tanong ako sa kanya about sa life n’ya, you know? Basic questions?
“So…” Panimula ko. Natigil naman ito sa pagkakalikot ng phone n’ya at napatingin sa'kin. Seriously? Gano'n na ba ako kaboring at nagawa pa n’yang mag cellphone sa harapan ko? “Alis na ko?” imbes ay sabi ko.
Wala naman kasi akong gagawin dito. ‘Tsaka baka nag-aalboroto na ‘yon si Xander kasi ‘di ko s’ya sinunod.
“No!” Agaran n’yang pigil. “No, I mean do you want to go somewhere else? Do you want to watch a movie? Marami kasing showing ngayon. Kung gusto mo lang?” Napakamot ito sa batok n’ya.
Kung hindi siguro ako nagtangkang aalis ay hindi siya magkakaroon ng lakas ng loob na yayain ako o kausapin man lang.
Tumango ako. Siguro’y kagaya ko baka hindi rin siya sanay sa ganitong set-up kaya palalagpasin ko na lang.
“Pumapayag ka?” Biglang lumiwanag ang mukha n’ya. Para s’yang bata na nabigyan ng barbie—kotse pala. Tumango ulit ako bilang sagot. “Yes!” Sabi n’ya na parang nanalo sa lotto.
Napatingin ang ibang kumakain sa banda namin kaya natatawang senenyasan ko si Emerson na tumahimik. He mouthed “Opps! Sorry!”
AKALA ko'y hindi na mapapawi ang awkwardness sa pagiran namin ngunit natagpuan ko na lang ang sariling ini-enjoy ang accompany niya. Naging komportable na rin akong makipagtawanan at makipag-usap sa kaniya. He's not bad to be with after all. Mabait s’ya at napakagentle man.
Pagkatapos namin manood ng sine ay kumain kami ng ice cream habang naglalakad-lakad sa loob ng mall. Nag-uusap din kami at the same time tungkol sa isa’t-isa. Mga tipikal na tanungan.
“Wala, wala akong kapatid pero may stepbrother ako,” sagot ko ng tanungin n’ya ako kung may kapatid daw ba ako. Sabay subo ko sa last scoop ng ice cream ko.
“Stepbrother? Close kayo siguro, 'no?”
Napalunok ako. “Uhm, medyo.” ‘Yon na lang ang sinagot ko. “Ikaw? May kapatid ka ba?” Ibinalik ko ang tanong sa kanya para maiwasan ang topic tungkol kay Xander. Mahirap na, baka mamaya may masabi akong ‘di niya puweding malaman.
He slowly nodded. "Yes, but we didn't grow up together."
"Bakit naman?"
"He enjoys the weather and landscape outside of the country, that's why at the age of 12, he made up his mind to stay there for good with our grandparents."
“E, girlfriend? May girlfriend ka?” Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ‘yon ang naisipan kong itanong. Basta na lang lumabas sa bibig ko. Nginisihan ako ni Emerson. “I mean, it's not what you think. Kung ayaw mong sa—"
“Wala akong girlfriend.” Tumingin s’ya sa'kin. “But I am planning to court someone.” Ngumiti s’ya.
“Ang swerte naman ng babaeng liligawan mo.” Sabi ko. Totoo ‘yon. Mabait na tao si Emerson at alam kong aalagaan n’ya ang babae na ‘yon na tinutukoy n’ya.
“I think so?” Matapos n’yang sabihin ‘yon ay tumahimik s’ya. Kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat ako dahil nakatingin pala s’ya sa'kin. Natawa kami pareho.
“Bakit pala kanina parang ang tahimik mo?”
“Ikaw din naman ah?” balik niya.
“Nahihiya kasi ako. Hindi ko expected ito, si Florence kasi eh biglaan…”
“Ako expected ko na ito.”
Gulat akong napabaling sa kaniya. “Really? You mean alam mong darating ako?”
And there he is again, shyly scratching his nape and stifling a grin. “I kind of browsed your pictures online. On your social media accounts.”
“You stalked me?” I teased.
He bit his lower lip. Now embarrassed. “Konti?”
“Oh my god! Kaya ka ba pumayag na pumunta rito kasi nagandahan ka sa akin?”
His expression quickly changed from embarrassed to frowning face. I laughed while pointing at him. He looked hilarious!
“Hatid na nga kita kung ano-ano na sinasabi mo. ‘Tsaka gabi na baka mapano ka pa pag nagcommute ka pa. Itetext ko na lang ‘yong dalawa na mauna na tayo sa kanila.”
Tama naman s’ya. Kaya tumango ako. Kinuha n’ya ang phone n’ya para siguro ay magtext kay Florence o kay Brent. Pagkatapos ay ibinulsa n’ya ang phone n’ya at naglakad na kami pareho papunta sa parking lot kung saan naka park ang kotse n’ya.
Pinindot n’ya ang remote ng kotse kaya tumunog ito. Ang ganda ng kotse n’ya. Hindi ako fan ng kotse kaya ‘di ko alam kung anong model 'to pero sigurado ako na mamahalin 'to.
Pinagbuksan n’ya ako ng pinto. Ngumiti ako bilang pasasalamat at pumasok na sa loob. Umikot s’ya at binuksan ang kabila na kung nasaan ang driver's seat.
“Say hi to Bhetuna.”
Napakunot noo ako. “Bhetuna?”
“My car's name,” sabi n’ya.
I chuckled. May pangalan pala ang kotse n’ya? He’s the first person I encountered who has a name for his car. May pagkasentimental pala siya.
“Hi, Bhetuna. You're so beautiful!”
“You're more beautiful.” Natawa naman ako at bahagyang tinampal ang kamay n’ya na nakahawak sa manebela.
“Bolero!”
He smirked. “Totoo ‘yon.”
Nagsimula na s’ya magdrive. Habang nag d-drive s’ya ay nag-uusap pa rin kami. Ang gaan n’yang kasama sa totoo lang. Sa una ay naintimidate ako kasi mukha s’yang masungit. But I was wrong. Ika nga don't judge the book by it's cover. Ang gwapo naman ng cover n’ya kung gano'n.
Itinuro ko lang ang direksyon sa bahay namin. At sa wakas ay nakarating din kami. Ihininto na n’ya ang sasakyan n’ya sa tapat ng mansion.
“Thanks,” I said and smile at him.
“No prob. I hope this won’t be the last.”
“Of course.”
Hinintay ko munang makaalis ng tuluyan ang kotse ni Emerson bago pumasok sa loob. Nagpunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig.
Imbis na sa kwarto ko ako pumasok, doon ako pumasok sa kwarto ni Xander para silipin kung tulog na ito. Nagulat ako dahil wala s’ya roon. Kaya napagdesisyunan kong pumasok na lang sa kwarto ko para makapag pahinga na. Siguro ay na kina Justin o ‘di kaya ay na kina Clark ‘yon ngayon o baka naman nasa Bar ang tatlo?
Just thinking about the possibility that drunk girls might try and seduce him makes my blood boil. Kagaya noong nalasing ako, bibigay kaya siya? Is he going to touch another woman other than me?
'Di nakabukas ang ilaw ng kuwarto ko. Tanging ang lampshade lang. Napakunot noo ako nang makita ko ang pigura ni Xander na nakatalikod at nakahiga sa kama ko
Anong ginagawa n’ya sa kwarto ko?
Ibinaba ko ang bag ko at nagtungo kay Xander. Humiga ako sa tabi n’ya at yinakap ko s’ya ng patalikod. Yinakap ko s’ya ng mahigpit na para bang takot akong mawala s’ya. Akala ko talaga'y wala s’ya rito at nando'n sa Bar at nakikipag sayawan sa iba. Napaka paranoid ko talaga.
Nagulat ako nang hawakan n’ya ang mga kamay ko na mahigpit na nakapulupot sa katawan n’ya.
Sht! Gising s’ya!
“Where have you been?”