Eight

1663 Words
Nataranta ako at pilit na inilalayo si Xander sa akin ngunit imbes na tumigil siya sa ginagawa ay inamoy-amoy pa n'ya ang leeg ko. Damn it! Nahuli na nga kami ay nilulubos nya pa! Nakita kong napatakip si Arrianne sa kanyang bibig. Tila 'di sya makapaniwala sa nakikita. "Arrianne... You smell so good..." I stiffed. Did he just called Arrianne's name? "Xander, 'di ako 'yan! Kapatid mo 'yan! That's Cheska!" Inilayo ni Arrianne si Xander sa'kin. "My god! What have you done to your sister! Lasing ka na nga talaga!" Kanina naman ay mukhang okay pa si Xander. Amoy alak sya pero hindi naman sya mukhang lasing pero sa pag dating ni Arrianne ay bigla syang naging lasing. Oh, I get it. Umaakto nanaman sya. Ang galing nya talaga magpalusot. "Ches, are you okay?" Tanong ni Arrianne. Hindi ko alam kong bakit 'di ko gustong maapreciate na nag aalala sya. Ganon pa man ay tumango ako sa kanya bilang sagot. "You should go home now. Ako na ang bahala kay Xander, since ako naman ang nag aya sa kanila dito." Nakakatuwa. Kanina pa pala sila magkasama? Bakit ba naiirita ako? Ano ba ang ikinaiirita ko? 'Yong makapal ba na make up ni Arrianne o ang kamay nyang nakahawak sa braso ni Xander? "Papahatid nalang siguro ako kay Adrian. I'll go now." Kakaway sana ako kina Justin para mag paalam pero mukhang 'wag nalang at baka makaistobo pa ako sa make out session nila. Nakipag siksikan ako sa mga nag sasayaw para lang makatawid papunta sa table nila Adrian. Nang makita ko sya ay lalapitan ko sana, pero may kamay na humigit sa akin. "Ano ba-" "Who's Adrian?" Malamig ang kanyang tono at kahit na nakakasilaw ang iba't ibang kulay ng ilaw galing sa dance floor ay kitang kita ko kung paano nandilim ang kanyang ekspresyon. "Bumalik ka na doon. Nag hihintay si Arrianne-" "Who's Adrian?" Ulit nya. Mas dumiin ang kanyang hawak. "Nasasaktan ako Xander, ano ba!" "Pag 'di mo sinabi kung sino 'yang putanginang 'yan mapapatay ko 'yan!" Nagulat ako sa matigas nyang mura. Naaninag ko si Arrianne na nasa likuran at mukhang may hinahanap. Binawi ko agad ang kamay ko kay Xander dahil baka maabutan nanaman kami ni Arrianne. Baka mag duda na 'yon. "There you are!" Hindi ko alam kung bakit kailangan umikot ng mga mata ko nang marinig ang boses ni Arrianne. "Let's go. Let's dance!" Huminga ng malalim si Xander pagkatapos ay walang pagdadalawang isip na sumunod kay Arrianne. Dismayado akong tumawa. Ano bang meron sa dalawang 'yon? Nagkabalikan na ba sila? Baka. Makaasta kasi e. "Yeah! And we danced!" Arrianne exclaimed. Kanina pa 'yan. Naririndi na ako. Dalawang araw na nya 'yang kenwento sa mga kaibigan nyang kapwa makakapal ang foundation sa mukha. 'Di parin ba sya makamove on na nakasayaw at nakasama nya sa gabing 'yon si Xander? Actually, halos memorize ko na lahat ng kwento nya mula pa nong isang araw. Nakakasawa na nga e. Pero mukhang wala syang plano mag sawa sa mga paulit-ulit nyang kwento. "We also kissed!" Awtomatiko akong napalingon sa kinauupuan nila. Halos mabali ang leeg ko sa ginawa kong paglingon. Pero binalik ko agad ang aking mga mata sa white board. What the f**k? Ano ngayon kung naghalikan sila? May mga sarili na silang pagiisip. Alam na nila ang ginagawa nala kaya... "Baka naman, ikaw ang nag inistiate?" Dinig kong halakhak ng isa sa kanyang kaibigan. "Ako, nga. Pero sa susunod sisiguraduhin kong sya na ang magmamakaawang halikan ako. Pustahan." "Uy, mabali 'yang lapis mo." Bulong sa'kin ni Florence sabay bulsa ng kanyang cellphone. Kakatapos lang siguro makipag text sa boyfriend nya. Nagulat ako dahil mahigpit na pala ang kapit ko sa hawak kong lapis. Itinabi ko nalang ito at pinasok sa bag ko. Iniba ko nalang ang usapan namin at tinanong nalang sya tungkol sa boyfriend nya. Mamaya daw ay ipapakilala na nya ako pero magpapaalam daw muna kami kay Xander kasi mukhang gagabihin kami ng uwi. Mabilis na natapos ang klase namin dahil may dumating daw na opisyal galing sa local government. Sasabitan daw ng medalya ang mga nanalo sa iba't ibang sports katulad ng swimming, basketball, volleyball, soccer etc,. Nagpunta kami sa klase nila Xander para sana mag paalam na. Pero wala na ni isang estudyante doon. Asa'n kaya 'yon? Mahirap pa naman mahanap 'yon. "Grabe! Kakanta daw sya!" "Talaga? Saan? Sa Auditorium ba?" "Oo! Tara!" Nag unahan pa ang tatlong babae sa pagtakbo para malamang tunguin ang auditorium. Napapalo si Florence sa kanyang noo. "Ay! Oo nga pala! 'Yong event na mag sasabit ng medals sa mga athletes!" "O, bakit? Kasali ka ba don? Ano ba sports mo?" Pinitik nya ang noo ko dahilan para mapahawak ako doon at ngumiwi. "Tongek! Nandon si Xander! Kakanta 'yon don!" Nanlaki ang mga mata ko. Kakanta? kailan pa natutong kumanta 'yon? 'Di ko pa sya narinig na kumanta ni isang beses. Umungol, Oo. Pero ibang usapan na 'yon. 'Di naman kanta 'yon, e. Pero masarap sa pandinig--ay, tangina! Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko! Rated Spg! Kinaladkad ako ni Florence papunta doon. Mabagal daw kasi ako tumakbo. Bakit ba namin kailangan tumakbo? Wala nang bakanteng upuan. Kaya heto't nakatayo kami ni Florence. Meron namang mga bakante pero malalayo. Hindi naman kami mag tatagal e. Kakausapin lang naman namin si Xander para ipaalam ang lakad namin ni Florence. Naghiyawan agad ang mga estudyante nang banggitin na ng Emcee ang pangalan ni Xander. Ganon ba talaga ang epekto nya sa mga babae dito? Kahit ata mga grade 7 may crush sa kanya, e. Bukod sa gwapo sya ay wala na akong makitang dahilan kung bakit sila nag kakandarapa sa kanya. Umakyat sya sa stage na may dalang gitara. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga babae. 'Yong katabi namin ay parang kinikiliti at panay ang tili. Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon lang nag sink in sa'kin na may dala pala syang gitara. What the hell? Bukod sa pag kanta marunong din syang mag gitara? Hindi ko alam ito. Nag simula syang mag strum ng kanyang gitara. Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa braso. He really knows how to play guitar! "You know just what to say Things that scare me I should just walk away..." What's with his voice? It's husky and sexy. Nakita kong tumayo si Arrianne at hysterical na pumalakpak. Hinila sya ng kanyang kaibigan paupo ulit. Napa iling na lamang ako. "But i can't move my feet The more that I know you, the more I want to..." Ang paos nyang boses ay nakakapang hipnutismo. Sigurado ako don dahil maging ako... "Something inside me's changed I was so much younger yesterday, oh..." lumikot ang kanyang mga mata. Parang may hinahanap. Nang magtama ang paningin namin ay biglang lumakas ang tambol sa aking dibdib. "I didn't know that I was starving 'til I tasted you Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo..." Kumurap kurap ako, baka sakaling lumihis ang tingin nya, pero hindi. Nag dadalawang isip pa ako kung sa'kin ba talaga nakapirmi ang mga mata nya. "By the way, right away, you do things to my body..." Natapos ang kinakanta nya at doon na nag simula ulit mga hiyawan at palakpakan ng mga estudyante. Lumunok ako at umayos ng tayo. Humalukipkip ako upang 'di mahalatang apektado ako sa kinanta nya. Siniko ako ni Florence sa tagiliran kaya napatingin ako sa kanya. "Tignan mo si Arrianne, feeling nya talaga para sa kanya iyong kanta." Sinabayan nya pa ito ng irap. "Baka para naman talaga 'yon sa kanya." Sabi ko kahit na parang kinurot ang puso ko sa ediyang 'yon. "Hindi kaya!" Giit nya. "Para kanino naman 'yon aber?" Malalim nya akong tinignan, pagkatapos ay ngumisi sya sa'kin. At sa ginawa nyang 'yon ay nakuha ko agad ang gusto nyang iparating. Sinamaan ko sya ng tingin. "Tumigil ka." Banta ko. "What? Wala naman akong sinasabi, a?" May panunuya parin ang kanyang ngiti. "Ewan ko sa 'yo. Ano ba ang pinunta natin dito? Pagtripan ako o para puntahan ang mahal na prinsipe?" "Syempre, para puntahan ang prinsipe mo." Humagikhik pa sya. Napasinghap nalang ako. Mukhang wala akong magagawa kundi ang tumahimik nalang para tumahimik na din sya. Nag punta kami nang back stage, nakasalubong pa nga namin sina Arrianne at ang mga kaibigan nya na mukhang galing din doon. Pakiramdam ko ay parang kumulo ang dugo ko bigla. Naabutan naming kakalapag lang ni Xander ng kanyang gitara sa gilid ng stool. May ngiti sa kanyang labi. Dahil ba ito kay Arrianne? Ano ang pinag usapan nila? Bakit nag punta dito si Arrianne at bakit mukhang masaya sya? Maybe they're finally back together...? good for them... "What are you doing here?" Napawi bigla ang kanyang ngiti. Really? May nakalagay ba sa noo ko na "Bad vibes"? Nakita nya lang ako nag bago bigla ang ihip ng hangin. Lumamig sya bigla in an instance. When he's talking to Arrianne, i bet he's not like this. "Ipapaalam ko sana si Cheska, may pupuntahan kami at baka gabihin kami ng uwi." Si Florence ang humarap sa kanya kaya natabunan ako. "Where are you taking her, again?" Sarkastikong sabi ni Xander. "We'll going to meet someone." Halatang kinikilig pa ito sa pag kakasabi nya. "Someone?" "Oh, wait, wait. He's not just someone, he's a special someone!" "He?" Medyo malakas nyang pag kakasabi na parang 'di makapaniwala sa narinig. "No. She's not going with you." Dinungaw nya ako. "And you... you'll stay in the car and you wait for me." "What?" Desmayadong sabi ko. 'Di na sya muling nag salita. Tinalikuran nya lang kami. "Pa'no 'yan? Ayaw ka nya payagan! Mapopostpone nanaman ang lakad natin nila honeybunch!" Nakakainis. Sya, hindi ko sya sinisita o dinidiktahan kung saan ang lakad nya! Minsan na nga lang ako mag paalam, e! Sana pala 'di nalang ako nag paalam para wala ng tututol—wait, did I just gave an idea to myself? A nuaghty smile formed on my lips. "Who says I'll obey?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD