CHAPTER 1

2065 Words
CHAPTER 1 Marahang inayos ni Minerva ang ilang naggagandahang bulaklak sa backseat ng kanyang sasakyan. Maaga pa lang ay dapat nasa simbahan na siya upang ayusin ang mga iyon bago sumapit ang oras ng kasal. She's a florist and she owns a small flower shop. Maliban sa pagbebenta ng mga bulaklak at ilang gift items ay tumatanggap din siya ng mga kliyente na kinukuha ang serbisyo niya upang mag-supply ng mga bulaklak sa ilang pagdiriwang. Katulad na lang sa araw na iyon. Isang simbahan ang kailangan niyang ayusan ng mga bulaklak na mula sa kanyang shop. Isang soon-to-be married couple ang kumuha sa kanyang serbisyo upang pagandahin ang simbahang pagdadausan ng kasal ng mga ito. Nang masigurong nasa loob na ng kanyang sasakyan ang lahat ng bulaklak na dadalhin niya sa simbahan ay isinara na niya ang pinto ng kotse. It was a second hand car that she bought with the help of her ex-husband, Paul. Yes, ex-husband! Minsan sa buhay niya ay ikinasal siya sa isang lalaki. Si Paul Velasquez--- her best friend. Magkaibigan lamang sila nito ngunit dahil sa isang pangyayari ay natagpuan niya na lamang ang kanyang sarili na ikinasal dito. Hindi rin nagtagal ang pagsasama nila. Their marriage wasn't even consummated. Marahil ay dahil na rin sa hindi talaga nila mahal ang isa't isa sa romantikong paraan at naikasal lamang sa isa't isa dahil sa pag-ako ni Paul ng responsibilidad na hindi naman dapat para dito. They were annulled but they remained as friends. Hindi rin naputol ang komunikasyon nila at kahit hindi na sila nagsasama ay patuloy pa rin itong nag-aabot ng sustento sa kanya, lalo na para sa kanyang anak--- si Justin. Madalas ay tinatanggihan na niya ang mga binibigay nito, lalo pa ngayon na may bago na itong asawa. But Paul insisted giving financial support to her. Iisang rason lang ang alam niya kung bakit nito patuloy na ginagawa iyon. Hindi man nito anak si Justin ay ramdam niyang parang anak na rin ang turing nito sa bata. Ramdam niya na napamahal na ang kanyang kaibigan sa kanyang anak. She heaved out a deep sigh. Muli siyang pumasok sa flower shop upang makapagpaalam na kay Justin. Ang flower shop na iyon ang nagsisilbi na rin nilang tahanan. Mula nang maghiwalay sila ni Paul ay inumpisahan na niya ang negosyong iyon. Sa ground floor ay ang pinaka-shop. Doon naka-display ang iba't ibang bulaklak at ilan niya pang paninda. Sa ikalawang palapag naman ay ang tirahan nila ni Justin. Mahirap sa umpisa ngunit nasanay na rin siya sa ganoong buhay nilang mag-ina. Nariyan din naman si Paul na laging nakasuporta sa kanya kahit pa kung iisipin ay wala na itong responsibilidad sa kanya. In the first place, wala naman talaga itong responsibilidad sa kanya. Hindi siya dapat kargo nito. Katunayan ay hindi dapat ito ang umako ng pananagutan sa kanya. It should be for another man... isang lalaki na mula sa kung saan ay bigla na lamang dumating sa buhay niya. Then, just out of the blue, left her with no reason at all--- ang totoong ama ni Justin. "Paalis ka na po, 'ma?" Agad na iwinasiwas ni Minerva ang lahat ng tumatakbo sa isipan niya nang marinig ang tinig ng kanyang anak. She smiled instantly at him. Kasalukuyan itong bumababa mula sa hagdan at agad naman niyang sinalubong. "Paalis na nga ako, Justin. Kailangan kong umalis nang maaga para matapos agad sa pag-aayos sa simbahan bago ang kasal." "Darating po ba si Papa Paul ngayon?" "I don't think so, anak. Baka may kailangan silang puntahan ng Tita Beatrice mo," tukoy niya sa bagong asawa ni Paul. Sa kabila ng sirkumstansya nila ay maayos naman ang lahat sa pagitan nila ni Beatrice. Kamakailan lang din sila nagkakilala nang pormal at alam nito na dati siyang asawa ni Paul, asawa na sa papel lamang at hindi sa totoong kahulugan niyon. "Don't worry, nariyan naman ang Ate Agnes mo para samahan ka," wika niya pa kay Justin. Ang Agnes na tinutukoy niya ay ang dalagita na madalas niyang pagkatiwalaang pag-iwanan kay Justin kapag may mahalaga siyang lakad. Dati-rati ay kay Paul niya talaga ito ipinapakiusap ngunit simula nang maikasal ang kaibigan niya ay bahagya na siyang dumistansiya dito. Alam niya rin naman kung saan lulugar sa buhay ni Paul. Kaya naman kay Agnes niya na lamang iniiwan ang kanyang anak. Nakatira ito ilang bloke lamang ang layo mula sa kanyang flower shop. Tiwala na siya dito dahil na rin sa ang kapatid ni Agnes na si Aneth ay katu-katulong niya rin sa kanyang shop. Buwanan ang sahud niya kay Aneth, samantalang nag-aabot lang siya ng pera kay Agnes kapag iniiwan niya dito si Justin. Bandang-huli ay tumango na lamang sa kanya ang bata. Naiintindihan na nito ang trabahong mayroon siya kaya hindi na niya kailangan pa ng mahabang paliwanag kung saan siya pupunta. Nang dumating ang magkapatid ay agad na rin silang umalis ni Aneth. Si Agnes naman ay naiwan na sa shop upang bantayan ang anak niya. It only took them twenty-five minutes to go to the church. Katulong si Aneth ay dali-dali na nilang umpisahang ilagay ang mga bulaklak sa aisle ng simbahan, maging sa mismong may altar. Madali na lang nila iyong nagawa sapagkat sa shop pa lang ay nai-arrange na niya ang mga bouquet. After that, Minerva talked to Mel, ang baklang event coordinator na kinuha din ng mga ikakasal. "Lipat na kami sa pagdadausan ng reception. Doon naman kami maglalagay ng mga bulaklak," imporma niya dito. "Thank you, 'mhie, ah. Buti na lang talaga, maaga kang dumating," eksaherada nitong saad. "Wala 'yon. Trabaho 'to, siyempre." "Siya nga pala, huwag ka muna umalis sa reception," pahabol pa nitong wika sa kanya. "Nagbilin si Miss Jessica na imbitahan na rin ang lahat ng tumulong sa pag-asikaso ng kasal nila. At siyempre kasama kayo roon." "Naku, Mel, hindi na siguro. Hindi naman---" "Tatanggihan mo pa ba iyon," sansala nito. "Mismong si Miss Jess na ang nagsabi. Hintayin niyo na lamang ako roon. Okay?" Nagkatinginan na lamang sila ni Aneth. Wala na rin silang nagawa kung hindi paunlakan ang imbitasyon ng mga ito. Kung siya lang ang tatanungin ay hindi na niya sana nais pang magtagal sa reception ng kasal. After arranging all the flowers, she wanted to go home. Napabuntong-hininga na lamang siya bago inaya na si Aneth. Malapit lamang ang venue na napili ng mga ikakasal para sa reception ng mga ito. Katulad sa simbahan ay madalian nilang inayos lahat ng mga bulaklak sa bawat gitna ng mesang naroon. Maging ang pwesto kung saan mauupo mamaya ang bagong kasal ay masusi na nilang inayos. Siniguro niya talagang maganda ang kalalabasan ng kanilang mga gawa. At tulad nga ng sinabi ni Mel ay naghintay na lamang sila roon hanggang sa dumating ang mga ikinasal at mga bisita ng mga ito. Everyone was so happy because of the occasion. Kitang-kita rin ang galak sa mukha ng mga ikinasal, lalo pa nang magsimula na ang munting programang para sa mga ito. Mas pinili na lamang ni Minerva na okupahin ang mesang nasa pinakadulo ng function hall. Ang totoo'y nahihiya siyang makihalubilo sa mga bisita. Wala siyang halos kilala sa mga ito. Si Jessica at ang asawa nitong si Daniel ay iilang beses niya pa lamang na nakaharap. Iyon ay ang mga pagkakataon na nag-usap sila tungkol sa mga bulaklak na kukunin ng mga ito. But just like what Mel said, nais raw 'di umano ni Jessica na maging parte ng reception na iyon ang mga nag-asikaso ng kasal nito at ni Daniel. She can't say no that's why they stayed. There was a smile on her lips as she roamed her eyes around the place. Simple lang kung iisipin ang kasal ng dalawa. Maging ang pinagdausan ng reception ay payak lamang na sadyang gumanda dahil na rin sa pag-aayos nila. In fact, mas magarbo pa ang kasal nila noon ni Paul. Paul came from a well-off family. May sariling kompanya ang pamilya nito. Sa panig niya ay lumaki rin siya sa maalwan na buhay dahil sa isang abogado ang kanyang ama. Iyon ang rason kung bakit isang malaking kasalan ang namagitan sa kanilang dalawa ni Paul. But life is really ironic. They had a big wedding yet it never lasted. One reason--- because they don't love each other romantically. Samantalang sina Jessica at Daniel ay labis na kakikitaan ng kaligayahan ngayon kahit pa simpleng kasal lamang ang mayroon ang mga ito. Alam niya na pinag-ipunan lamang ng dalawa ang lahat ng gastusin para sa araw na iyon. And yet, their faces lighted up with so much happiness and love. Ganoong-ganoon ang gusto niya sana para sa kanyang kasal. Kahit simple lang, basta ang kasama niya ay si---. Marahang iniiling ni Minerva ang kanyang ulo. Ilang taon na ang lumipas ngunit lagi pa ring sumasagi sa kanyang isipan ang lalaking nagkaroon ng pinakamalaking parte sa puso niya. "Magpaalam na tayo, Aneth. Baka kanina pa naghihintay sina Justin," aya na niya sa dalaga. Kahit hindi pa halos tapos ang pagdiriwang ay nais na niya talagang umuwi. Tumango na sa kanya si Aneth at kasunod niya ay tumayo na rin ito. Minerva walked towards the newly-wed. Kasalukuyang kinakausap ng mga ito ang ilang bisitang nasa iisang mesa. Kung hindi siya nagkakamali ay kamag-anak lang din ng mga ito ang naroon. Nahihiya man ay lumapit pa rin siya sa dalawa. Respeto pa rin na magpaalam muna sa mga ito bago umuwi. "Hanggang ngayon ba ay wala pa rin siya?" naabutan niya pang tanong ni Daniel sa lalaking nakaupo. Ang mag-asawa naman ay nakatayo lamang sa tabi nito. "Alam mo naman ang pinsan mong abogado, masyado nang abala sa trabaho niya," tugon ng lalaki. "Kanina'y ka-text ko pa. Sigurado naman daw na pupunta siya ngayon." She cleared her throat intentionally to get Jessica's attention. Nang lumingon ito sa kanya ay agad siyang ngumiti. "Congratulations, Miss Jess," bati niya dito. "Sir Daniel," dagdag niya nang lumingon na rin ang lalaki." "Thank you, Miss Sta. Maria. Thank you din sa pagpapaganda ng simbahan pati na rin dito." "Walang anuman. We just did our job. Salamat rin ho sa pag-imbita, Miss Jess, I mean, sa pagkain," nahihiya niya pang saad. "You're welcome. Kung may okasyon ulit sa pamilya namin ay sa iyo na ulit ako kukuha ng mga bulaklak na gagamitin." She smiled at her. Akmang sasagot pa sana siya nang maawat na ng biglang pagtayo ng lalaking kausap kanina ni Daniel. "Nariyan na pala ang pinsan mo, Dan," masigla nitong wika sabay baling sa may entrada ng function hall na pinagdadausan ng reception. Nabaling ang mga mata ng mga ito sa bagong dating dahilan para sundan niya na rin ang hinayon ng paningin ng mga ito. They were all smiling because of that someone's arrival. Pero kabaliktaran niyon ang nadarama ni Minerva. To say that she was shocked was an understatement. Sa loob ng ilang taon ay hindi na niya inaasahang makita pa ang lalaking naglalakad na ngayon palapit sa bagong kasal. And of all places, dito niya lang pala makikita itong muli. Si Drew... Si Andrew Manzano! "Nahuli na ba ako? Tapos na ba ang pagdiriwang?" said the baritone voice. Nakarehistro sa tinig nito ang labis na saya pagkakita kina Jessica at Daniel. "What's new? Buti at nakaabot ka pa, Drew," sagot dito ni Daniel na may halong pagtatampo. "Alam mong may schedule ng hearing ngayon at---" Ano mang sasabihin ng binata ay agad nang nahinto nang bigla ay matuon sa kanya ang mga mata nito. Wari bang noon lamang din nito napansin ang presensiya niya. Siguro ay dahil na rin sa bahagya siyang nasa likod nina Jessica at sadyang paalis na talaga kung hindi lang siya natigilan sa pagdating nito. Gone was the smile on his face. Katulad niya ay labis na pagkagulat din ang nababanaag sa mukha nito ngayon. "M-Minerva..." sambit nito. He spoke her name in a barest whisper that she felt like he never said it at all. "You know her?" nagtatakang singit ni Jessica. Nang hindi sumagot si Drew ay siya naman ang binalingan nito. "Kilala mo ang pinsan ng asawa ko? You know Attorney Drew?" Attorney--- she swallowed an imaginary lump in her throat. Natupad nito ang pangarap na maging isang abogado. Isa na itong matagumpay sa larangang dati pa nitong nais na makamit. "Y-Yes, I know her," mayamaya ay sagot ni Drew sa tanong ni Jessica. "I know her very well..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD