PROLOGUE

657 Words
PROLOGUE Several years ago: "Higpitan mo pa ang tali, Drew, para hindi masira ang pagkakasalansan ng mga kahoy," mariin na utos ng kanyang amang si Andres, isang hapon habang nangunguha sila ng panggatong. Alas-kwatro na niyon at halos makulimlim pa ang kalangitan. Dahil sa maagang nagpauwi sa eskwelahan na pinapasukan nila ay nagpresinta na siyang samahan ang kanyang ama na manguha ng panggatong sa kakahuyan hindi malayo mula sa maliit nilang bahay. He's seventeen and on his forth year in highschool. Nasa kolehiyo na sana siya kung hindi lang siya huminto ng isang taon nang mamatay ang kanyang ina dahil sa isang aksidente sa daan. Tutol sa ideyang iyon ang kanyang ama ngunit siya na ang nagpumilit na huminto na muna sa pag-aaral upang tulungan ito sa pagtatrabaho. Masasakitin si Andres at kung magpupumilit siyang mag-aral ay alam niyang magpupursige ito sa pagtatrabaho na maaaring maging sanhi ng paglala ng kalagayan nito. Nagtrabaho si Andrew sa lupaing pinagtatrabahuan din ng kanyang ama at nang sapat na ang naipon ay muli siyang bumalik sa pag-aaral. Life has never been easy for them. Kung pinansiyal ang pag-uusapan ay kapos ang pamilya nila. But nevertheless, Andrew felt so blessed to have parents like his father and mother. Salat man sila sa maraming bagay ay punong-puno ng pagmamahal ang mga ito para sa kanya. Nang mahigpitan na niya ang tali ng ilang tuyong sanga na naipon nila ay agad na niya iyong isinampa sa kanyang balikat. Tumayo na siya nang tuwid at sumunod na sa kanyang ama sa paglalakad pabalik sa kanilang bahay. Ang kanilang bahay ay malapit lamang din sa lupain na pinapasukan nila. Pag-aari iyon ng pamilya Dulva na isa sa mga may sinasabi sa kanilang lugar--- ang bayan ng Lucban sa Quezon. Tubong-Quezon ang kanyang ama samantalang laking Manila naman ang kanyang ina na nang napangasawa ni Andres ay nanirahan na ang mga ito sa Lucban. Kapwa namamasukan ang kanyang mga magulang sa lupain ng mga Dulva na ang pangunahing pananim ay mga pinya at iba't ibang gulay. Nang mamatay nga ang ina ay sinubukan din ni Andrew na manilbihan sa mga Dulva upang makatulong sa gastusin nilang mag-ama. Ilang metro na rin ang kanilang nalalakad na mag-ama nang bigla na lamang ay matigilan sila. Sabay pa silang napalingon nang makarinig ng mga tinig na nagsisigawan. Mas unang madadaanan ang lupain ng mga Dulva bago ang kanilang bahay at doon nagmumula ang sigawan na kanilang narinig. Aayain na sana siyang muli ng kanyang ama sa paglalakad. Marahil ay ang matandang Dulva na si Don Alonzo at ang anak-anakan nitong si Gener ang mga tinig na nagsisigawan. Nitong mga nakalipas na araw ay madalas niyang masaksihan ang sagutan ng mag-ama, kung ano man ang rason ay hindi niya alam. Matagal nang biyudo si Don Alonzo. May isa itong anak na babae, si Maristella, na ngayon ay kasalukuyang nasa Maynila upang mag-aral. Kung hindi siya nagkakamali ay dalawang taon lamang ang tanda sa kanya ni Maristella. Si Gener ay nasa bente-singko na ang edad. Pamangkin ito ni Don Alonzo sa malayong kamag-anak nito. Ayon sa kanyang mga narinig na usap-usapan ay pinaampon si Gener nang bata pa ito sa mag-asawang Dulva dahil sa kapos sa buhay ang totoong mga magulang nito. "Halika na, Drew. Kung ano man ang pinagtatalunan ng 'mag-ama' ay hindi magandang mangialam tayo," aya na sa kanya ni Andres kasabay ng muling paghakbang na nito. Drew followed his father though his mind was still on Don Alonzo and Gener. He can't help but to be curious. Bakit napapadalas ang alitan ng dalawa? May problema ba sa pagitan ni Don Alonzo at Gener? Hindi pa man sila nakakalayo nang muli na namang matigilan. Sa pagkakataon na iyon ay halos mapatda sila sa kanilang kinatatayuan nang makarinig ng isang malakas na putok. Hindi siya ganoon kainosente para hindi maintindihan na ang tunog na kanilang narinig ay nagmula sa isang... baril! "Ang Don Alonzo!" gilalas na wika ng kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD