CHAPTER- 7

1365 Words
CHLOE POV. MATAPOS kong pirmahan ang papel na iniwan ni Mr. Raiden ay ibinalik ko yon sa kamay ni Manang Nelly. Pagkatapos at agad rin siyang umalis at muli akong naiwang mag-isa. At sa kawalang alam gawin ay dinampot ko ang unan at niyakap yon. Naamoy ko pa ang gamit na pabango ni Mr. Raiden. At sa puntong yong ay tumulo na naman ang luha ko. Kaya binitawan ko ang unan at bumaling ako sa ibang direksyon. Ngunit natutok ang mata ko sa pulang tila mantsa sa puting bedsheet saka ko lang naalalang blood stain yon mula sa aking nawalang dangal. Gano’n pa man ay hindi ko iyon pinagsisihan. Sapagkat ngayon na wala na si Mr. Raiden ay saka ko lang nasiguro sa aking sarili na mahal ko na pala talaga siya. Sa katunayan ay wala akong nadamang galit mula sa kanya. Kahit hindi ko halos matulon ang mga nakasulat sa papel na pinirmahan ko. “Hija, Mag-ready ka na at darating na ang PA ni Big Boss. Ngayon ang flight mo pabalik ng bansang Pilipinas.” Sa aking narinig ay nakaramdam ako ng tuwa dahil makikita at makakasama ko na ang aking Daddy. Subalit nang maalala ko ang pinirmahan kong papel ay biglang naglaho ang aking saya. At napayuko na lamang ako at maya maya ay tumayo ako ng maalala ang sinasabi ni Manang Nelly. Kaya nagmamadali akong lumapit sa closet at kinuha ang aking mga damit. Pero iniwan ko mga damit na bigay sa aking ni Mr. Raiden. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ng muling dumating si Manang Nelly. “Hija, pakibilisan at kanina pa nariyan ang sundo mo.” “O-Opo, Manang Nelly.” At hinila ko na ang maliit kong maleta. Bago ako lumabas ng silid ay muli kong nilingon ang bawat sulok ng kuwarto. “…. Ahm… manang Nelly, pwede po ba akong pumasok sa silid ni Mr. Raiden?” “Bakit anong gagawin mo doon?” “M-May ibibigay lang po ako sa kanya at alam kong hindi ko siya makikita ngayon kaya iiwan ko na lamang sa kanyang silid.” “Sige, pero bilisan mo at baka mapagalitan niya ako.” “Opo, Manang Nelly.” At tumakbo na ako sa kabilang silid. Mabilis kong pinindot ang pass code at ini-scan ang aking mata. Mabuti at nabigyan niya ako ng access bago pa nangyaring nabuking niya ako. Nang bumukas iyon ay nalanghap ko ang kanyang amoy. Muli ako ng nilukuban ng matinding lungkot. Lumapit ako sa side table at ng bed niya at inilapag ko doon ang ATM card na pagmamaya-ari ng kanyang Mama. Akmang hahakbang na akong palabas ng pinto ng tumakbo ako sa isang pintuan at binuksan ko yon saka pumasok sa loob. Binuksan ko ang isa sa mga closet na naroon at kumuha ako ng isang t-shirt. At agad ding lumabas ng silid ni Mr. Raiden. “Hija, ano iyang hawak mo?” “Manang Nelly, please akin na lang po ito k-kahit ito man lang ay maramdaman kong kasama ko siya.” “Pero baka hanapin niya yan at mapagalitan kami.” “Sige na po Manang Nelly, please po isa lang naman po ito.” “Okay sige na at kanina pa naghihintay ang PA ni Big Boss.” Hinila ko na ang aking maleta at malaki ang hakbang na lumabas. Inabutan kong naroon na ang sasakyan at agad ko ng hinila ang pinto. Akmang bubuhatin ko ang aking maleta upang ipasok sa loob ng sasakyan nang may dumampot doon. Nahihiya akong nagpasalamat sa PA ni Mr. Raiden. At umakyat na ako sa sasakyang maghahatid sa akin sa airport. Nang umandar ang sasakyan ay luminga ako sa paligid. Merong dalawang lalaki doon at alam kong bodyguard yon ni Mr. Raiden. Siguro pinasamahan niya ako upang masiguro na makakarating ako ng airport. At habang bumibiyahe kami ay walang isa man ang nagsalita. Kaya nagbaling na lamang ako ng mukha sa labas ng bintana. At bumalik sa alaala ko ang mga oras na magkatabi kaming nakaupo sa upuan na yon. Ang paghawak ni Mr. Raiden sa aking palad habang magkatabi kami. Gano’n din yung nakatulog ako sa mga bisig niya at ang pag-aasikaso niya sa akin. Ipinadama niya rin ang kahalagahan ko lalo na ng nagkasakit ako gano’n din ang sobrang pag-alaala niya sa tulad ko. Napatakip ako sa aking bibig ng hindi ko napigilan ang mapasinghot dahil sa pagpipigil na marinig nila ang pag-iyak ko. Ngunit huli na narinig na nila patunay na inabutan ako ng tissue. At hinyang hiya ako sa kanilang lahat pero nagawa ko pa rin na makapagpasalamat. Hanggang nakatulugan ko na lamang ang aking pag-iyak at nang magising ako ay nakahinto na ang sasakyan. Mabilis akong kumilos at humingi agad ng pasensya sa PA ni Mr. Raiden na si Ezco. Hinatid nila ako sa loob ng airport at inabot sa akin ang aking passport with ticket. Akmang aalis na sila ng tawagin ko si Mr. Ezco. “Ahm, s-salamat sa inyong lahat, lalo na po sayo, Mr. Ezco.” “You’re welcome, mag-ingat ka sa biyahe.” Tumango na lang ako at mabilis ng tumalikod. At habang papasok ako sa loob ng check in area ay hindi ko mapigilan ang muling mapaiyak na naman. Kaya agad na may lumapit sa akin na ilang staff at tinanong ako kung may dinaramdam ba raw ako. Gumawa na lang ako ng alibi at mabuti ay hinayaan na nila akong magtungo sa boarding area matapos kong makuha ang boarding pass ko. Pero dumaan muna ako ng rest room at naghilamos. Inayos ko ang aking sarili at sinikap na maging kalmado. Lalo na kapag nasa Pilipinas na ako hindi dapat makahalata si Daddy sa mga nangyari sa akin. Few hours later…. Nang makalabas ako ng arrival area ay naglakad ako patungo sa yellow taxi stand. Pumila ako doon upang hindi masyadong mahal ang bayaran ko. Kasi kong sa ibang taxi ako sasakay ay mahal ang babayaran ko. Nagpahatid agad ako sa ospital kung saan katatapos maoperahan si Daddy. Tinawagan ko rin ang kababata kong si Jen, at mabuti ay sumagot agad. Sinabi kong magkita kami sa entrance ng ospital. Dahil hindi ko maaaring dalhin ang maleta ko sa loob ng room ni Daddy at makikita niya iyon. Halos kalahating oras din akong naghintay bago ko natanaw ang kababata ko. Agad siyang tumakbo ng makita ako at mahigpit na yumakap sa akin. “Grabe lalo kang gumanda Chloe, bagay na bagay ka sa climate doon.” “Jen, mamaya na lang tayo magkumustahan. Kaya kita tinawagan ay baka pwede na diyan na muna sayo ang maleta ko. Kasi mag-stay ako dito hanggang sa paglabas ni Daddy.” “Dadalhan ba kita ng pamalit?” “Sige, pero yong pambahay lang tulad ng dati. Saka Jen, pakiusap huwag na huwag kang magbabanggit tungkol sa pinagkunan ko ng pera.” “Wala akong sasabihin, kaya maging panatag ka sana. Sige iuuwi ko na muna ang mga dala mo at alam kong miss mo na ang Daddy mo kaya puntahan mo na siya.” “Salamat talaga Jen, napakalaki talaga ng nagawa mo kaya nabuhay si Daddy.” “Go! Saka na tayo magkwentohan dahil marami akong itatanong sayo at alam kong marami ka rin ikikwento sa akin.” “S-Sige Jen, salamat uli.” At nang marinig kong nagbabye na siya ay naglakad na akong patungo ng elevator. Halos liparin ko ang silid ni Daddy nang makalabas ako ng elevator. Pagubukas ko ng pintuan ay nagulat ako dahil walang tao doon. Kung gano’n nasaan siya ngayon at tumakbo na akong palabas. Nasalubong ko ang kilala ko ng nurse at agad ko siyang tinanong. “Naroon pa ang Papa mo sa ICU, hindi pa siya maaaring ilipat sa room dahil masyadong maselan ang ginawang operasyon sa kanya. Pero huwag kang mag-alala successful ang kanyang surgery.” “Salamat nurse.” At muli akong tumakbo patungo sa ICU, nang makita ko ang kalagayan niya ay bumuhos ang aking luha. Napakadaming aparato ang nakalagay sa kanyang katawan. Nang sabihin ng nurse na naka-duty sa ICU, na hindi raw ako maaaring lumapit kay Daddy ay nanatili na lamang ako sa glass wall. At doon ay nakontento na lamang akong pagmasdan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD