CHAPTER- 8

1604 Words
RAIDEN POV. NANG matanggap ko ang email mula sa binayaran kong imbestigador ay bigla ang galit na aking naramdaman. Ang akala ko ay inosente ang babaeng binigyan ko ng aking atensyon, tiwala, pagpapahalaga at pagmamahal... "no, hindi ko siya mahal," mabilis na tanggi ng aking isipan. Sapagkat siya naman pala ay kagaya rin ng mga babaeng gagawin ang lahat para sa pera. Ang akala ko ay naiiba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. At ang buong akala ko rin ay napili siya ng aking ina dahil mabuti siyang babae. Iyon naman pala ay dahil sa isang milyong pesos ay nagawang ibenta kay Senora Valeria ang buong pagkatao. At ito namang aking ina ay masyado na yatang desperada upang bumili ng babae para lang mapaibig ako. Sa akala yata ay hindi ko malalaman ang buong katotohanan. “Alam mo pareng Raiden, may dahilan naman si Chloe. At sadyang mabait lang siyang anak kaya kahit ang sarili niya ay nagawang ibenta.” “Hindi pa rin tama na gawin niya akong tanga. Akala ba niya ay bobo ako at nakipag-deal siya ng gano’n kay Senora Valeria?” “Pero mahal mo ‘di ba?” “Shut up f*cker! Hindi iyon ang pinag-uusapan dito. Kundi ang panloloko niya sa akin. Hindi ba niya naisip na walang sinumang babae ang binigyan ko ng mahalagang oras ko? Pagkatapos ay iyon lang pala ang dahilan niya kaya siya nagtiyaga na kasama ako?” “Sobra ka naman magsalita Pareng Raiden, malay mo naman ay mahal ka na rin ni Chloe. Dangan lang at kailangan niyang gawin yon upang mabuhay ang kanyang ama.” “Maraming paraan upang maipagamot niya ang kanyang ama!” “Madaling sabihin yon dahil nakahiga ka sa ginto. Lahat ng naisin mo ay isang pitik lng ng daliri ay agad nasa iyong harapan.” “Teka nga muna Pareng Lash, sino ba sa amin ang kaibigan mo?” “Syempre ikaw, pero ipinaliliwanag ko lamang ang kanyang side. Hindi porke't kaibigan ka namin ay umuo lang kami nang umuo sayo? ” “Tama si Pareng Lash, Pareng Raiden. Saka dapat nga ay suportahan mo pa rin siya kasi mahal mo naman siya huh!” “Isa ka pa, Pareng Raven! Palibahasa mga babaero kayong dalawa!” “Kahit naman babaero kami ay mayroon din kaming babaeng itinatangi. Kaya sa halip na galaiti ka riyan sa galit bakit hindi mo na lang siya puntahan. Alam naman naming na naka-score ka na at malang na alam mo rin sa yung sarili na ikaw ang nakauna sa kanya. Pasalamat ka at nakatagpo ka pa ng gano’n kaganda at batang bata nakalimutan mo yata kung ilang taon ka na huh!” “F*ck you! Bakit pati edad ko ay nasali na sa usapan?” “Tigilan ninyo yan, kaya ganyan na masyadong apektado si Pareng Raiden kasi mahal na mahal na niya si Ms. Chloe.” Hindi ako nakapag-react sa sinabi ni Pareng Kyle. Kaya tumayo na lang ako at naglakad palabas ng tambayan. “Master Rai, pupuntahan na ba natin sa ospital si Ms. Chloe?” “Shut up! Isa ka pa, pwede ba pabayaan mo muna akong mag-isip?” “Sure, ang sa aking lang ay baka sagutin na ni Ms. Chloe ang manliligaw niya ngayon na iniisip niyang ayaw mo na siyang makita.” “A-Anong sinasabi mo at s-sino ang m-manliligaw niya?” “Iyong gwapo na kababata raw na laging naroon sa bahay nila.” “Ako ba ay pinagloloko mo Ezco. At paano mo nalaman na meron siyang manliligaw?” “Syempre malakas ang radar ko kaya alam ko.” “Follow me!” “Okay.” Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya. Mabilis akong sumakay sa sasakyan. At nakita kong gano’n din ang ginawa ni Ezco. Nang umusad ang sasakyan ay napilitan akong sumagot ng tanungin niya kong saan ang route naming dalawa. Sinabi kong sa ospital, gusto ko malaman kung ano ang sitwasyon ng ama ni Chloe. “Hindi mo rin siya matiis ano, Master Rai?” “Hindi siya ang pupuntahan natin kundi ang kanyang ama. Upang malaman ko kung stable na siya at kelan makakauwi ng bahay. Nakalimutan mong may kontrata siyang pinirmahan sa akin?” “Bakit ngayon tayo pupunta, pwede naman sa gabi upang wala doon si Ms. Chloe?” “Ano bang pakialam mo kung ngayon ko gustong pumunta doon?” “Sabi ko nga wala akong paki kung na miss mo si Ms. Chloe.” “Hindi mo ba talaga ako tatantanan sa pang-aasar, Ezco?” “Ayaw mo pa kasing umamin eh, obvious na masyado kang in love sa kanya. Hindi mo yata nakikita ang sarili mo na para kang nauulol ngayon dahil wala si Ms. Chloe mo?” “Tangna! Anong nauulol at saan mo nakuha ang term na yon?” “Syempre napapanood ko sa movie huh!” “Ano nga ang ibig sabihin ng nauulol?” “Nababaliw ka na sa sobrang pagmamahal mo kay Ms. Chloe. Hindi mo matanggap na sinasaktan mo lang at pinaiyak siya.” “Hindi ka ba sasagot ng maayos, Ezco?” “Iyon nga ang ibig sabihin ng nauulol!” “Gano’n ba yon?” “Yes, Master Rai. Kaya mas mabuti na kausapin mo na si Ms. Chloe ng hindi na nauulol diyan.” “Tangna! Huwag mo nga gamitin ang salitang yon sa akin at nakakaasar pakinggan!” Subalit sa halip ay tinawanan pa ako nitong PA ko kaya minabuti kong tumahimik na lamang. Dahil baka hindi ako makapagpigil ay masisanti ko itong si Ezco ay mawalan ako ng PA. “Gising mo ako kapag naroon na tayo sa opsital.” “Sure, Master Rai.” At pumikit na lamang ako, ilang gabi na akong kulang sa tulog. Lagi rin akong nagigising dahil sa masamang panaginip. At marahil ay tama si Ezco, pero hindi ako unang lalapit sa kanya huh! Siya itong may kasalanan sa akin kaya dapat suyuin niya ako. Ngunit napadilat ako ng biglang huminto ang aming sinasakyan. “Bakit ka tumigil may problema ba ang sasakyan natin?” “Bilhan mo ng flowers si Ms. Chloe. Ayon ang gaganda ng mga bulaklak…. “Shut up! Kung gusto mo ay ikaw ang bumili!” at muli akong pumikit. “Sige, ako na ang bibili para sayo, Master Rai.” Hindi ako sumagot dahil alam kong nagbibiro lamang siya. Ngunit muli akong napadilat ng marinig kong bumukas ang pinto ng sasakyan. At akmang tatawagin ko ng biglang sumara ang pinto. Masasakal ko na talaga itong PA ko, at dali dali akong bumaba. Saka ko lamang naalala ang kayuan ko ng malingunan ko ang mga bodyguard kong mabilis na nakalapit sa akin. Kaya sa halip ay nagmadali akong sumunod kay Ezco sa loob ng flower shop. “Bilisan mo na riyan at baka mamaya lang ay ulanin na tayo dito ng bala.” Halos pabulong kong pahayag kay Ezco. At nakita kong nagmamadali na siyang dumampot ng mga bulaklak. “Pakigandahan ng set-up kasi para yan sa fiancée ng Master ko.” Aniya pa sa staff ng flower shop. “Sige po Sir, anong arrangement po ang gusto mo?” At dahil naiinip na ako ay pinakialaman ko na sila. “Heto ang gamitin mo sa bouquet, Miss. Flower shop.” “A-anne po ang pangalan ko Mr. Handsome at hindi flower shop.” Hindi ako sumagot, baka kasi masabi kong mukha naman talaga siyang flower shop. Minabuti kong lumayo na lamang doon at bumalik sa loob ng sasakyan. Dahil hindi lingid sa akin ang pinipigilang tawa ni Ezco. Ilang minuto akong naghintay bago lumabas ng flower shop si Ezco. At napatitig ako sa bouquet na dala niya bakit nga ba yon ang naipalagay kong background? At napakunot-noo ako ng inabot niya sa akin yon. “Bakit sa akin mo yan binigay?” “Alangan namang ako ang magbibigay kay Ms. Chloe, ikaw tong mapapangasawa niya.” “Asawa my ass! Ilagay mo yan sa likuran ng sasakyan.” “Huwag na hawakan mo na lang baka mahulog pa doon ay masira. Nakakahiya kong may damage ang bulaklak na ibibigay mo sa kanya.” Konti na lang talaga at pabababain ko ng sasakyan itong si Ezco. Mas’ marunong pa sa akin eh ako naman ang boss niya. Makalipas ang kalahating oras ay huminto kami sa tapat ng entrance. Hindi agad ako bumaba dahil minamasdan ko ang labas ng ospital. At parang wala akong tiwala sa ganitong lugar. Mabuti at nabuhay pa ang ama ni Chloe. Parang ilang panahon na lang at guguho na ang building na ito. “Master Rai, marami ng sasakyan sa likuran. Baka gusto mo ng bumaba?” “F*ck!” hindi ko napigilan ang mapamura bago tuluyang bumaba. At kasunod ko ang aking mga bodyguard na pumasok kami sa loob ng ospital. Halos lahat ng mga tao doon ay nakatingin sa akin at sa mga bodyguard kong nakasuot lahat ng itim. Dumiretso ako sa information at agad na tinanong ang pangalan ng ama ni Chloe. Ngunit bago pa binigay sa akin ang room number ay tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Bakit may ganitong reaction ang information staff? “Room number ang kailangan ko, Ms. Information at hindi ako naririto upang mag-audition sayo.” “Umn… sorry sir, naroon mo si Mr. Santa Clara sa room #5**1.” “Salamat.” At naglakad na akong patungo sa elevator. Subalit maraming nakapilang sasakay at ang iba ay pasyente rin. Kaya minabuti kong sa hagdanan kami dumaan. Ayaw kong makisabay sa mga taong yon. At malamang ay hindi rin kami kakasya sa liit ba naman ng elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD