CHLOE POV.
MATAGAL akong nakatitig sa salamin at pinagmamasdan ang aking sarili. Sa suot kong damit ay mukhang hindi iyon papasa sa binata. Paano ko magagawang paibigin si Raiden San Diego, kung kahit damit ko ay luma at kupas pa. Napaupo ako sa gilid ng kama, maikli lang ang panahon ko. Pitong araw lang at ilang oras na lang ay matatapos na ang unang araw ko. Kaya dapat makagawa na ako ng paraan. Muli kong binuksan ang aking maleta at isa-isang tiningnan muli ang aking mga damit. At wala talagang aangkop doon para sa dinner mamaya. Gusto ko nang maiyak, pag naiisip ko si Daddy. Paano kung hindi ako magtagumpay siguradong mamamatay siya. Sa isipin iyon ay hindi ko mapigilan ang aking luha. Nang biglang makarinig ako ng katok mula sa pinto. Dali dali kong inayos ang aking sarili at saka iyon binuksan.
“Ahm… bakit po Mr. Raiden?”
“Isuot mo ang mga ito, at may pupuntahan tayo.”
“A-Ano po ang mga iyan, Mr. Raiden?”
“Mga damit, hindi ko sigurado kong tama ang size para sayo. Pero maaari namang papalitan, kaya isukat mo nang lahat ang mga yan.”
“Salamat po Mr. Raiden.” akmang isasara ko ang pinto ng hawakan niya iyon at itinulak pabukas saka tuloy tuloy na pumasok sa loob.
“Isukat mo na at gusto kong makita.” hindi ako agad nakasagot dahil sa ginawang paghiga niya sa ibabaw ng kama.
“Hurry!”
“O-Okay po.” at tumakbo na ako papasok sa loob ng banyo.”
“Bakit diyan ka sa banyo magbibihis? Doon ka sa isang pinto, buksan mo yon at pumasok ka sa loob.”
“S-Sige po.” at mabilis ang kilos ko na nagtungo doon. Kahit kinakabahan ako ay sinikap kong kumilos ng normal. Kagaya ng utos niya sa akin ay sinuot ko ang unang nadampot ko. Kulay puti iyon na summer dress. At nang silipin ko ang isa pang paper bag ay tatlong pares ng sandals ang naroon. Dinampot ko ang isang kulay read at sinuot iyon. Saka ako lumabas at pinakita kay Mr. Raiden.
“Halos matunaw ang pakiramdam ko ng pasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.
“Hindi bagay sayo, palitan mo ng iba.”
“O-Opo.” at tumakbo na naman ako pabalik sa loob. Isang kulay peach ang ipinalit ko at puting sandals ang sinuot ko. Pagkatapos ay muling lumabas.
“No, hindi rin yan bagay sayo.” agad akong tumakbo at sinuot ko ang huling laman ng paper bag. Kulay Pula iyon at itim na sandals ang kapares. Dasal ko ay sanay pumasa na ang damit na yon kay Mr. Raiden. Inayos ko pang mabuti ang laylayan at maingat akong nag lakad patungo sa kinaroroonan niya.
“Walang bagay sayo, magbihis ka at pupunta tayo ng mall. Mas mabuti na ikaw ang mag sukat doon upang makuha mo ang tamang babagay sayo.”
“Sorry po Mr. Raiden, naabala pa kita dahil dito.”
“Don’t say sorry, wala kang ginawang mali. Magpalit ka na at hihintayin kita sa baba.”
“Opo.” nakahinga ako ng maluwag ng makalabas si Mr. Raiden.
Kinuha ko ang pinaka maayos kong skinny jean na kulay puti at sleeveless red velvet saka iyon sinuot. Tapos ang manipis kong sandals. Itinali ko ang aking buhok at nagpahid lang ng manipis na lipgloss at bumaba na. Nakita ko si Mr. Raiden, nakaupo ito sa mahabang sofa.
“Ahm, n-naririto na po ako Mr. Raiden.” kinakabahan ako ng umangat ang kanyang ulo at pasadahan ako niya ng tingin. Lihim akong umusal ng dasal na sana ay pumasa ang suot ko.
“Wala ka na bang ibang damit? Masyadong daring ang suot mo kitang kita ang katawan mo.” sa aking narinig ay napa tingin ako sa aking suot. Hindi naman aninag ang katawan ko makapal kaya ang tela ng bluse ko. Paanong kitang kita raw ang katawan ko?
“P-Pasensya na po Mr. Raiden, ito lang po ang damit ko.” mahinahon kong sagot sa kanya.
“Okay, stay here.” nang bigla akong iniwan doon kaya na paupo ako sa sofa at napayuko. Bumalik na naman sa isipan ko si Daddy. Ang nakaratay na katawan habang nasa ward at nahihirapan huminga. Hindi ko tuloy naramdaman nasa likuran ko na pala si Mr. Raiden, kundi pa may lumapat sa katawan ko.
“Let’s go.” at naglakad na ito palabas ng pinto. Ako ay napa tingin sa bagay na nasa katawan ko. Coat pala iyon at siguardong kay Mr. Raiden iyon dahil sobrang laki at halos hanggang tuhod ko na iyon. Napapitlag pa ako ng marinig ang malakas na busina. Agad akong tumakbo palabas ng pinto. Nakita kong nakatayo ang PA niya sa gilid ng sasakyan habang hawak ang pinto at nakabukas na iyon.
“Please, get inside, senorita Chloe.”
“S-Salamat.” hiyang hiya ako sa paraan ng pagtawag sa akin ng PA ni Mr. Raiden. At nang maupo ako sa loob ay hindi ko inaasahan na doon pala nakaupo si Mr. Raiden.
“Let’s go, Ezco.”
“Yes, Master Rai.” at umusad na ang sasakyan.
Diretso ang tingin ko at pati paghinga ko ay gusto ko na yatang pigilan. Dahil baka mahalata ako ng aking katabi na sobrang kinakabahan. Subalit nahindik ako ng maramdaman hinawakan ang aking palad.
“Relax, hindi kita sasaktan kaya huwag kang matakot sa akin.”
“Ahm… h-hindi naman po.”
“Huwag mo akong gamitan ng salitang po. Hindi pa ako matanda, thirty five years old pa lamang ako.”
“S-Sige po… sorry po… ano ba yan Chloe, mali mali ka na naman!” naiinis kong sita sa aking sarili. Nang mapatuwid ako ng upo dahil sa malakas na tawang aking narinig.
“Ezco! Stop laughing!”
“Okay, po Master Rai…
“Shut up!”
Napabaling akong bigla kay Mr. Raiden, at hindi sinasadyang mahawakan ko ang kamay niya gamit ang isa kong kamay. “P-Please huwag kang magalit.”
“Hindi ako galit sweetie, ito kasing si Ezco nang aasar.”
“Ah, hayaan mo po… i mean hayaan mo na lang siya. Ako naman ang tinatawanan niya dahil sa pagka mali mali ko.”
“No sweety, ako ang tinatawanan niya gustong gusto akong inaasar ng tarantadong yan.”
“Ah, ganun ba?” akmang bibitawan ko na ang kamay niya ng mas humigpit iyon. Kaya hindi ko na lang hinila at hinayaan na makadaupang palad kami.
Pagdating namin sa mall, halos malula ako sa laki at ganda ng loob. At kahit saan ako lumingon ay puro branded ang aking nakikita. Pumasok kami sa Chanel at napansin kong nag yuko ng ulo ang lahat ng staff doon. Pagkatapos ay iginiya agad ako ng dalawang babae. Habang kausap ni Mr. Raiden ang isang magandang babae. Hindi tuloy ako makapag focus sa mga damit na pinapakita sa akin ng mga staff. Panay ang sulyap ko sa dalawa, siguro girlfriend iyon ni Mr. Raiden. At nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib. Parang pinipiga iyon at bigla kong naisip si Daddy. Hindi kaya meron din akong sakit na kagaya niya?
“Sweetie, are you okay?” naramdaman kong nasa likuran ko si Mr. Raiden at inalalayan ako papuntang upuan. Pagkatapos ay sininyasan ang mga staff at nag silayuan ang mga iyon sa amin.
“Anong nararamdaman mo?”
“A-Ayos lang ako Mr. Raiden.” pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Hinakan din ako sa ulo at panay haplos sa aking buhok.
“H-Hindi ba magagalit iyong girlfriend mo? Baka kung anong isipin niya bakit mo ako niyayakap?”
“Let’s get out of here!” sa halip ay iyon ang sinagot niya sa akin. At nang maglakad na kaming palabas ay nasiyukuan muli ang mga staff.
“Master Rai?” salubong sa amin ng PA niya.
“She’s not feeling well.”
“Okay, doon tayo sa presidential suite upang makapag pahinga siya.” wala akong maintindihan sa usapan nila dahil ang buong atensyon ko ay nasa sitwasyon namin ni Mr Raiden. Hanggang ngayon ay yakap pa rin niya ako, at ang init ng kanyang katawan ay nagbibigay ng kapanatagan sa aking isipan. Ang mabango niyang amoy ay tila nakakalasing sa aking pakiramdam. Hindi ko na nga namalayan na naroon na kami kundi pa ako binitawan ni Mr. Raiden. Pagpasok namin sa loob ay para akong nasa ibang dimension. Ang paligid ay parang sa fairy tale lang sa sobrang ganda ng room.
“Come here sweetie.” sumunod ako sa kanya at pumasok kami sa isa pang silid.
“... lay down upang makapag pahinga ka.”
Sa aking narinig ay nagtataka ako bakit niya ako pahihigain doon? At sabi pa ay nang makapag pahinga raw ako ay hindi naman ako napagod. Pero syempre sinunod ko siya at nahiga ako sa ibabaw ng kama. Subalit nagulat ako sa kanyang ginawa, lumuhod ito sa carpet at inalis ang aking suot na sandals. Bigla akong nakaramdam ng kahihiyan. Jusko baka mabaho ang paa ko, at akmang babangon ako ng muli siyang magsalita.
“Stay sweetie.” at naramdaman kong minasahe niya ang aking paa. Habang ginagawa iyon ni Mr. Raiden ay unti-unti akong nakaramdam ng antok.