CHAPTER- 4

1618 Words
CHLOE POV. NAALIMPUNGATAN ako dahil gumagalaw ang aking hinihigaan. Hanggang tuluyang naging malinaw sa akin ang lahat. Hindi ako sa kama nakahiga kundi nasa matigas na bisig. Langhap ko rin ang kaaya ayang amoy ng mamahaling panlalaking pabango. Kaya naman ay mas idinikit ko pa ang aking ilong sabay pagmulat ng mata ko. Bumungad sa paningin ko ang malapad na dibdib. At nakaramdam ako ng sobrang kahihiyan. Kaya napaayos ako ng upo at akmang aayos ng pwesto. Ngunit mas humigpit pa ang mga bisig sa aking katawan. “Chloe, kumusta ang iyong pakiramdam?” “Ahm, o-okay na ako Mr. Raiden. Paki baba na lang ako diyan sa upuan.” “Okay sige.” Nang ilapag niya ako sa katabi nitong upuan ay nakaramdam ako ng panghihinyang. At parang gusto kong pagsisihan kung bakit nagpababa pa ako dito sa upuan. Disin sana ay naroon pa rin ako sa matitigas niyang dibdib…. “Oh, sh*T! don’t tell me, Chloe ikaw ang nahuhulog kay Mr. Raiden?” at na pailing-iling ako sa aking isipan. Hindi maaaring mabaliktad ang sitwaston naming dalawa. Ang usapan namin ng Mama ni Mr. Raiden, ay paiibigin ko ang anak niya sa loob ng isang linggo. Kung gusto kong ma-claim ang isang milyon pesos. “Chloe, something wrong? O baka kulang ka pa sa tulog?” “Naku! Hindi Mr. Raiden, naiisip ko lang si Daddy.” Pagsisinungaling ko sa kanya. “Call him, upang mapanatag ang iyong loob.” At inabot niya sa akin ang kanyang cellphone. Kaya naman ay dali dali kong tinaggap iyon at mabilis nag-dial sa numero ng ospital. Nang marinig kong may sumagot ay agad kong pinakiusapan na ipasa kay Daddy ang telepono. Medyo tumagilid ako ng konti sa aking pagkakaupo bago kinausap ang aking ama. “D-Daddy, k-kumusta po ang pakiramda mo?” “A-Anak, nasaan ka b-bakit hindi ka pumupunta dito?” “S-Sorry po Daddy, pero sa isang linggo pa a-ako makakadalaw sayo. M-medyo busy po ako n-ngayon.” “S-Sige anak, mag-ingat ka sana lagi diyan.” “Opo, I miss you so much, Dad… s-sige po tatawagan na lang uli k-kita. I-Ingat ka diyan, I-I love y-you.” Hindi ko mapigilan mapaiyak. Alam kong nahihirapan na si Daddy sa kalagayan niya. “Eherm, k-kumusta ang Daddy mo?” “AHm… h-he’s fine.” Mabilis kong inayos ang aking sarili at baka mahalata ako ni Mr. Raiden na umiiyak. “… salamat, Mr, Raiden.” Sabay abot ko ng kanyang cellphone. Ngunit hindi ko inaasahan na hahawakan niya ako sa baba at itinaas ang mukha ko. Nagkatitigan kami ngunit agad din akong nagbaling ng tingin sa ibang direksyon. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang aking mukha. “Namumula ang iyong mata at mukha, naiinitan ka ba? Ezco, pakilakasan ang AC.” Narinig kong utos niya sa kanyang PA. “Copy, Master Rai.” At naramdaman kong mas lumamig na ang paligid. Nagtayuan na rin ang pinong balahibo ko sa braso. Kaya bigla kong nahaplos iyon. Pero napansin kong nakamasid sa akin si Mr. Raiden. Kaya agad kong tinitigil ang paghaplos sa aking braso. “Come closer.” At tinapik pa niya ang tabing upuan para doon ako pa upuin. Hindi ko magawang tumanggi kaya lumipat ako ng upo sa kanyang tabi. Subalit bigla niya akong niyakap at hinalikan sa buhok. Nakaradam tuloy ako ng hiya baka mabaho ang aking ulo. Naramdaman ko rin na bumilis ang t***k ng aking puso. Kaya medyo dumistansya ako dahil baka marinig na niya ang kumakalabog kong dibdib. Dahil sa hindi na normal ang aking pakiramdam ay hindi ko na rin namamalayan na nakarating na kami sa bahay ni Mr. Raiden. “Kaya mo bang maglakad?” “O-Oo, okay na ako.” At mabilis akong bumaba pagkatapos ay agad na naglakad patungo sa malaking pintuan. “Chloe, magpahinga ka muna sa kwarto mo. Ipapatawag na lamang kita pag ready na ang dinner.” “S-Sige Mr. Raiden.” At iniwan na niya ako kaya humakbang na rin ako paakyat sa mataas na hagdan. Pagpasok ko sa loob ng silid na okupado ko ay hindi ako mapalagay. Siguro naman ay nasa kwarto na rin si Mr. Raiden, at nagpapahinga. Almost 3-PM pa lamang. Kailangan gumawa na ako ng move, at sisimulan ko sa pagluluto. Mabilis akong nagpalit ng pambahay at bumaba. Pagdating ko sa kitchen ay may tatlong pinay na kasambahay doon at busy sa pahahanda ng mga lulutuin. “Ahm… maaari po ba na tumulong ako sa inyo?” “Naku! Huwag na Hija, baka mapagalitan kami ni Big Boss.” “Bigg Boss? Sino po iyon?” “Si Master Raiden, siya ang Bigg Boos namin.” “I see, hindi po iyon magagalit. Gusto ko pong matutuhan ang pagluluto. Pati na rin ang pagtitimpla ng kape.” “Sigurado ka ba na gusto mo talagang matuto?” “Opo, ako pala si Chloe.” “Okay Ms. Chloe, mas mabuti ay ikaw na ang gumawa ng kape ni Bigg Boss.” “Ngayon na po ba?” “Oo, Hija, dahil maya maya lang ay hihingi na iyon ng kape. Pag ganitong busy iyon sa opisina niya ay kailangan pagsilbihan ng masarap na kape.” “Baka hindi po niya magugustuhan ang timplada ko?” “Halika at tuturuan kita, ‘di ba gusto mong matuto?” “Opo.” At agad na lumapit ako sa ginang.” “Sige ikaw ang maglagay, tapos tubig. Make sure na sakto lang dito sa baso ang kalalabasan ng tatlong takal nitong powder.” “Hindi po ba masyadong mapait?” “Iyon ang gusto ni Bigg Boss, tapos konting sugar lang.” “Wala po bang gatas ang kape niya?” “Wala.” “Salamat po…. “Nelly, iyon ang pangalan ko.” “Sige po, Manang Nelly. Habang nakatayo ako sa gilid at hinihintay mag off ang coffe maker nakamasid din ako sa paligid. Maya maya ay tumunog ang intercom. “Chloe, dalhan mo na ng kape si Bigg Boss. Paglabas mo riyan sa pasilyo at dumiretso ka sa pinaka dulo. Tapos lumiko ka sa kanan at merong pintuan. Doon ang opisina niya, kumatok ka ng isang beses at hintayin ang sagot niya bago ka pumasok sa loob.” “Opo Manang Nelly.” Pagkalagay ko sa baso ay siniguro kong malinis ang gilid ng baso. Ganun din ang tray na pinagpapatungan. Pagdating ko sa harap ng pinto ay kumatok ako ng isang beses. “Please come in.” “Maingat akong pumasok at naglakad patungo sa table niya. Nakita kong nakayuko siya at busy sa ginagawa. Ang hindi ko naitanong kay Manang Nelly ay saan ko ipapatong ang kape niya. “Where is my coffee?” “Narito na Mr. Raiden.” Nakita kong natigilan siya sa ginagawa at tumingin sa akin. Pagkatapos ay agad na tumayo at lumapit sa akin. Aatras sana ako ngunit mabilis niyang inabot ang tray at pinatong sa ibabaw ng table niya. “Bakit ikaw ang nagdala ng kape, nasaan ang mga kasambahay?” seryoso niyang tanong sa akin. Kaya naman ay kinabahan ako na baka mapagalitan ang mga iyon. “Ako ang nag presinta na gawan ka ng kape. Kaya huwag mo silang pagagalitan.” Wala akong narinig na sagot mula sa kanya ngunit hinawakan niya ako sa magkabilang braso. At iginya patungo sa mahabang sofa. “Hindi mo kailangan pagsibihan ako. Bisita ka dito kaya hindi ka dapat gumagawa ng gawain nila.” “I’m sorry, sabay yuko ko dahil hindi ko mapigilan kabahan. Masyadong seryoso ang kanyang mukha. At ngayon ko lang siya nakitang ganito. Isa pa ay ang boses niya na ma-autoridad. Dati ay mahinahon ngunit kakaiba ngayon. “Sweetie, are you scared of me?” “Ahm, h-hindi bakit mo naitanong yon?” “Bakit ka nakayuko at nanginginig ang mga kamay mo?” sa narinig ko ay bigla kong nailagay ang aking mga kamay sa likurang bahagi ng aking katawan. Subalit nahindik ako ng yakapin niya ako. Hinalikan din ako sa buhok at hinaplos ang aking likuran. “Don’t be scared, hindi kita sasaktan.” “H-Hindi naman ako natatakot sayo.” “Kung totoo ang sinasabi mo ay tumingin ka sa aking mga mata.” Mabilis kong sinunod ang utos niya ngunit nanlaki ang aking mga mata ng lumapat ang labi niya sa aking labi. Gusto ko siyang itulak ngunit hindi ko magawa. Dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Lalo nang maramdaman kong bahagya niyang kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kong paanong mag response sa kanyang halik. Kaya ibinuka ko na lang ang aking labi. At naramdaman kong pumasok sa loob ng bibig ko ang mainit niya dila. Hindi nagtagal ay halos pangapusan na ako ng hininga at saka pa lamang niya binitawan ang aking labi. “Wala ka bang boyfriend sa Pilipinas?” “W-Wala.” nahihiya kong sagot sa kanya. “I see.” Iyon lang ang huling sinabi niya at tinalikuran na niya ako. Kaya akmang aalis na ako ng muli kong marinig ang boses niya. “Stay, at tatapusin ko lang itong ginagawa ko.” “O-Okay.” At nang makita kong busy na siya sa laptop niya ay hindi ko mapigilan hawakan ang aking labi. Ganun pala ang halik, nakakalasing at nakakaubos ng hininga. Ang bango ng kanyang bibig nang bigla akong matigilan.... hala baka mabaho ang hininga ko kaya tinapos agad niya ang paghalik sa akin? Kaya naman naisip kong amuyin ang sarili kong hininga. Sa pamamagitan ng aking palad ay inilagay ko sa harap ng aking bibig at doon ay huminga ako ng sunod sunod. Wala naman akong naamoy na kakaiba kundi parang amoy pa rin niya iyon... Nang bigla akong makarinig ng pinipigilang tawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD