Umuwi kami ng Ilocos at dito na nagpatuloy sina Sam, Ulap, at Ulan sa pag-aaral habang naging tindera sa palengke si Tita at ako nama'y naging kargador pansamantala.
Nakikitira lang kami sa magulang ni Tito Nathan kasama ang Ina at kapatid nito at ramdam ko ang pagka-disgusto nila sa prehensya namin.
Maging si Tita ay ramdam ito kaya pagkaraan ng tatlong taon ay bumalik kami ng syudad.
Graduating na sa kolehiyo sina Sam at Ulap kaya't doble kayod kami ni Tita para makapagtapos ang mga ito.
Hindi rin kasi ako nakapag-take ng board exam dahil inuna ko muna ang mga kapatid ko.
Kahit papano'y naging maayos naman ang takbo ng buhay namin. Nakapag patayo rin ako ng maliit na bahay sa katabing lote nila Tita at doon lumipat kasama ang mga kapatid ko.
Nahihiya na rin kasi ako kay Tita lalo't byuda na ito. Muli ring bumalik si Tita sa karinderya nila sa palengke kaya't naging kargador muna ako.
Malaki ang kinikita ko sa maghapon dahil sa kaliwa't kanan ang nagpadeliver sa'kin ng mga tinitinda nilang gulay, karne at isda.
Madalas din mapag- initan kami ni Ulap ng mga kapwa namin kargador dahil nagiging suki kami ng mga tindera.
Sa weekend lang naman suma-sideline si Ulap sa tuwing wala itong pasok. Masasabing napakaswerte ko pa rin dahil ni minsa'y hindi nila kami binigyan ni Tita ng mga problema ng mga ito.
Nagtutulong-tulong kami para maabot ang mga pangarap at ng makaahon sa hirap ng buhay!
Dahil kung wala kang pangarap, wala kang maaabot.
Pero bago mo ito maabot, kumilos ka at h'wag sumuko.
Ika nga'y
Chase your dreams, cause your dreams won't chase you!
Hanggang isang araw dumating si Sam sa karinderya ng may mga dalagang kasama. Sa tindig pa lang ng mga ito'y masasabi mo nang may kaya sa buhay!
Pero naagaw ang atens'yon ko sa babaeng magkamukha na parang anghel sa sobrang ganda!
Sa unang pagkakataon, natigilan ako at bumilis ang pagtibok ng puso ko!
Lalo nang ipakilala ang mga ito ni Sam sa amin ni Ulap na mga kaibigan niya.
Lihim akong natutuwa habang panaka- nakang sinusulyapan ang isa sa mga kambal na napakahinhin gumalaw habang magkakaharap kaming kumakain.
Kahit iniiwas ko ang paningin dito'y kusang bumabalik ang mga mata kong mapatitig dito. Bawat pagbuka at galaw ng mga labi nito'y napapatitig ako.
Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko ng makipag-kamay ito sa akin.
Para akong nakuryente sa paglapat ng malambot at mainit nitong palad sa palad ko.
Natatameme ako sa mga mata nitong kulay abo at maamong mukha na parang isang totoong dyosa!
Pero nabura rin ang matamis kong ngiti at pag-asa ng malaman ko kay Sam kung sino ang mga ito.
Nalito pa ako bahagya sa pangalan nito at napagkamalhang Crayon, 'yon pala ay Catrione!
Kamukhang-kamukha nito si Cathleen pero kay Catrione talaga tumibok ang puso ko!
Mapait akong napangiti ng malamang mga Montereal heirs pala ang mga ito!
Nakapalayo nga ng agwat ko sa kanya. Kumpara sa pelikula, langit siya at lupa ako!
Muli rin kaming bumalik ng Ilocos at bumukod ng bahay dahil sa insidenteng nangyari kay Sam!
Pinapatay ito ng isang sindikatong obsessed kay Khiranz Montereal ang kasalukuyan nitong kasintahan!
Akala namin sa paglalayo ng dalawa'y magiging maayos na ang lahat pero nagkamali kami dahil muli na naman kaming sinubok ng tadhana!
Nabuntis si Sam at sa sobrang galit ni Tita pinaghigpitan ito!
Hindi rin pinaalam ni Tita kay Khiranz ang tungkol sa anak nito kay Sam lalo na nang maaksidente si Sam sa laot na dahilan ng kanyang pagkaka- amnesia!
Magmula noon ay naging tahimik at malungkutin ito. Pero wala naman akong magawa dahil ayo'kong makialam.
Lumipas ang dalawang taon at nakapagtapos na ang dalawang kapatid ko sa kursong medisina.
Nakapag -ipon na rin naman ako ng para sa sarili. Laking pasasalamat naming magkakapatid ng sabay-sabay kaming pumasa ng board exam sa aming mga kursong natapos!
Pumasok ako ng PMA at lakas-loob sinuong ang matinding hirap sa training bilang cadets!
Dugo't pawis ang pinuhunan ko at ginawang inspirasyon si Catrione para malagpasan ang bawat pagsusulit na iginawad sa amin!
Mabilis lumipas ang panahon at ngayo'y ganap na akong pulis ng aming bayan!
Isang batang hepeng pulis ng aming distrito.
Maging si Ulap ay ganap na ring doktor sa pampublikong hospital dito rin sa Ilocos kasama si Ulan na isa namang nurse!
Nagtapos pa rin naman si Sam sa HRM nitong kurso pero hanggang ngayo'y wala pa rin itong naaalala sa nakaraan.
Sobrang naaawa na ako sa kanilang Mag-ina lalo na sa tuwing umiiyak si Kieanne at hinahanap ang Ama!
Kahit ako ang tumatayong Ama nito ay alam kong ramdam ng bata na may puwang sa kanyang puso na tanging ang Ama lang nito ang makakapuno. At 'yon si Khiranz Montereal ang kakambal ni Catrione. Ang babaeng hanggang ngayo'y patuloy kong minamahal!
Hanggang sa isang araw hindi ko na natiis si Kieanne at ako na mismo ang nagdala sa kanya sa mga Montereal.
Isinali ko ito sa ginanap na singing contest sa isa sa mga Montereal's Hotel kung saan judge ng patimpalak ang mag-asawang Montereal. Sina Sir Cedric at Ma'am Liezel Montereal, Lolo at Lola ni Kieanne!
Alam kong magagalit sa akin si Tita Selena pero kung hindi ako kikilos ay baka mahuli na ang lahat!
Para ko ng kapatid si Sam, at bilang Kuya niya ay gusto ko rin mabuo ang pamilya nito.
Para akong nabunutan ng tinik ng malugod na tinanggap ng pamilya ni Khiranz si Kieanne!
At walang alinlangang sumama sa akin pabalik ng Ilocos para ayusin ang mga bagay- bagay!
Naging maayos ang lahat sa muling pagkikita nila Khiranz at Sam na napunta sa kasalan.
Pero ang hindi ko napaghandaan, ang muling pagkikita namin ng babaeng limang taon ko ng minamahal!
Si Catrione...