"H-Hi, p'wede ka bang maisayaw, Ma'am?..."
Nanginginig ang katawan ko sa sobrang kaba. Abot langit ang piping dasal ko na sana'y pumayag ito.
Parang may mga kabayong nagkarerahan sa loob ng puso ko sa bilis ng pintig nitong dumadagundong sa pandinig ko!
Nangangatal ang kamay kong nakalahad sa harap nito at halos matuod ako ng ngumiti ito at tinanggap ang kamay ko!
Parang nanigas bigla ang katawan ko sa paglapat ng aming balat habang nakadantay ang dalawang palad nito sa dibdib ko at nakahawak ako sa kanyang kurbadang baywang!
Halos hindi ako humihinga sa pagkakalapit ng aming mukha at nalalanghap ko ang mainit at mabago nitong hininga!
"Okay ka lang? Typhoon right?"
Nakangiting tanong nito na lalong nagdulot ng kakaibang kiliti sa puso ko.
Hindi ko alam kung paano siya ngingitian dahil halos mangbunggoan na ang mga tongki ng ilong namin sa pagkakalapit!
"Ahm... O-Okay lang, Ma'am."
Nauutal kong sagot. Mariin akong napapikit ng mahina itong natawa na lalo niyang ikinaganda. Nangungutitap ang mga mata nitong animo'y tuwang-tuwa sa pagkakanda-utal ko habang pinamumulaan ng mukha!
"Don't call me Ma'am. Pakiramdam ko'y tumatanda ako eh. Cat na lang.
Your p***y cat."
Natigilan ako at nanigas sa kinatatayuan dahil iba ang dating sa'kin ng binulong nito sa punong-tainga kong-
'your p***y cat '
"You're really cute, Ty.... "
Sunod-sunod akong napalunok sa simpleng compliment nito!
Para akong hinihele sa alapaap sa mga oras na 'to at tanging siya lang at ako ang mga tao sa mundo!
"Ikaw din. Lalo ka yatang gumaganda, Crayon."
"Crayon?"
Kunotnoong ulit nito.
"Yup, Crayon. Para sa'kin katulad ka ng isang krayola, nagbibigay kulay sa paligid ng mga taong nakapalibot sayo."
Aniko sabay kindat na ikinahalakhak nito.
Napakaganda niyang pagmasdan habang tumatawa sa harap ko. 'Yong tawa na sakto lang. Walang halong arte at mababakasan ng tuwa.
"Your so corny huh. But i like the way your joke."
Napakagat- labi akong nangingiting nakatitig dito.
Sa kaisipan pa lang na nagustuhan niya ang pagbibiro ko kahit totoo naman ang sinabi ko'y gumaan ang pakiramdam ko.
Nagkaroon ako ng katiting na pag-asang mapalapit na dito. Lalo at kasal na si Sam at ang Kuya Khiranz nito.
Ibig sabihin may ugnayan na ako sa kanya.
Hindi na ako mangangapa sa dilim para mahanap ang daang papunta sa kinaroroonan niya.
Naging makulay ang buong gabi ko at 'di mapukna-puknat ang ngiting nakapaskil sa mga labi ko.
Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses kong naisayaw sa bulwagan si Catrione at masayang nagbibiruhan.
May kakulitan din pala ito katulad ng mga Kuya niya at ang gaan kausap.
Hindi niya pinaparamdam sayo kung gaano siya kataas na tao.
KINABUKASAN ay lalong naging makulay ang araw ko sa kasal nila Sam at Khiranz.
Nasalo ni Catrione ang bouquet na inihagis ni Sam kaya't ginawa ko ang lahat para ako ang makasalo sa garter na inihagis naman ni Khiranz sa aming mga abay.
Napuno ng kant'yawan at hiyawan ang buong venue dahil sa pagkakasalo ko sa garter.
Nangingiting napalingon ako sa gawi nila Catrione na ngayo'y tampulan din ng tukso.
Namumula ito at nangingiting nakipag harutan din sa mga kasamang kilig na kilig na tinutukso ito.
Nangangatal ang mga kamay ko habang nakaluhod sa sahig at nakaupo ito sa harap ko. Dahan-dahan kong inilihis bahagya ang slit ng gown nito at tumambad ang makinis at bilugan nitong hita sa mga mata ko.
Sunod-sunod akong napalunok sa sobrang lapit ng hita nito sa mukha ko.
Para itong masarap na putaheng nag- aanyaya sa paningin kong tikman ito!
"You okay? Pinagpapawisan ka na."
Napatingala ako dito at halos magkandabuhol- buhol na ang t***k ng puso ko. Nakangiti itong nakatunghay at pasimpleng pinahid ng palad ang noo kong tagaktak ng pawis!
"Go on baby Ty, mas gugustuhin kong ikaw ang makakasama sa ganitong gawain kaysa ibang lalake."
Tila iniangat ako sa alapaap sa sinaad nitong mas gusto niya ako ang makasama kaysa iba.
Pilit akong ngumiti at maingat na isinuot ang garter sa paa nito at dahan-dahang itinaas hanggang hita.
Nakakapaso sa pakiramdam ko ang paglapat ng mga kamay ko sa makinis at maputi nitong hita!
Napabuga ako ng hangin at napapahid ng pawis sa noo ng sa wakas naisuot ko na ang garter dito.
Pakiramdam ko'y dumaan ako sa bingit ng matinding training sa sobrang kaba ko!
Akala ko'y madali lang ito pero ibang-iba pala kapag ikaw na ang gagawa sa taong minamahal mo habang pinapanood kayo ng maraming tao at buong pamilya niyo!
Parang mabibingi na ako sa malakas na tilian ng mga manonood habang sumasayaw kami ng sweetdance ni Catrione sa gitna kasabay sina Khiranz at Sam.
Para na akong mauubusan ng hangin sa sobrang kaba habang nakayapos ang mga braso ko sa maliit at malambot nitong baywang.
Mas lalo pa siyang gumanda ngayong nakaayos ito at naka-gown ng babypink na tubeless kaya't litaw na litaw ang cleavage ng mayaman nitong hinaharap.
"Sorry, okay lang ba?"
Alanganin kong tanong ng humalik na si Khiranz sa noo ni Sam at kailangan naming sundin 'yon!
Nahihiya itong tumango dahil panay na ang hiyawan sa amin ng lahat.
Nagdidiwang ang loob ko sa kaganapan sa amin ngayon. Tawagin na akong mapagsamantala pero hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito!
Pagkakataong mahalikan ang babaeng tinitibok ng puso ko.
Mariin akong napapikit ng dumapo sa mga labi ko ang balat nito. Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko!
Na para akong mayayanig ano mang oras!
"Sorry..."
Nahihiyang paumanhin ko na ikinangiti lang nito.
"Your so gentleman Ty, it's okay."
Gusto kong magtatatalon sa tuwa na hindi ito nailang sa posisyon namin.
Sumunod na ipinagaya sa amin ang yakapin ito at magpaikot- ikot sa ere.
Sobrang lambot at gaan ng katawan nitong mahigpit kong ikinulong sa mga bisig ko at maingat na iniangat saka kami nagpaikot-ikot katulad ng sa bride at groom!
"Nakakaloka na 'to hah, hindi ko alam ang ganitong kagawian sa kasal."
Hinihingal nitong saad na ikinangiti ko lang.
Pero para naman akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng inanunsyo ni Tito Cedric ang gagawin namin.
Halik sa labi!
Sa kaisipan pa lang na mahahalikan ko ang tila nag-aanyaya niyang maninipis at mapulang mga labi ay para na akong mahihibang sa sobrang tuwa!
Makailang beses akong napalunok na napatitig sa nakaawang nitong bibig!
"Okay lang ba? Baka magalit ang girlfriend mo, mag-away pa kayo."
Bulong nito. Lalong nasabik ang mga manonood na nakatutok sa amin ang paningin!
"Ahm, wala akong girlfriend Crayon. Baka ikaw."
Lihim akong natuwa ng hindi nito nakuha ang ibig kong sabihin sa-
baka ikaw.
Nangingiti itong napatitig sa aking mga mata.
"Seryoso? Sa gwapo mong 'yan? Matipunong pangangatawan? Matangkad na professional pa! 'Di nga? Niloloko mo lang yata ako eh."
'Di makapaniwalang saad nito na lalong ikinadiwang ng loob ko!
Napakasarap sa pandinig na pinuri niya ako na tila manghang-mangha!
"Wala nga. Walang naliligaw magkagusto eh."
"Really baby? Okay then, prove it?"
Panghahamon nito at pinaningkit pa ang mga matang chinita tulad ko.
"Paano ba?"
Alanganin kong tanong dahil taimtim lang itong nakatitig na parang binabasa ang laman ng utak ko.
Napalunok ako at halos manigas sa kinatatayuan habang nakayapos pa rin sa baywang nito ang mga braso ko at nakayapos din sa batok ko ang isang kamay nito.
Ang isang kamay naman nito'y nakadantay sa dibdib ko.
'Di ko mapigilang makaramdam ng init at kilig sa pasimple nitong paghahaplos sa dibdib ko at kung minsa'y dahan-dahan nitong ibinababa sa tyan ko ang palad na tila kinakapa ang mga masels ko doon.
"Kiss me."
Tila nang-aakit nitong bulong na nakaagaw ng atens'yon ko.
Para akong napako nang ito na mismo ang pumutol sa espasyo namin at sinalubong ng masuyong halik ang mga labi kong ni minsa'y hindi pa nailalapat sa ibang mga labi!
Mahina itong natawa ng mapisil ko ang balakang nito.
"Kiss me back baby, h'wag mo akong ipahiya."
Bulong nito at muling siniil ang mga labi ko.
Namigat ang talukap ng mga mata ko at kusang gumalaw ang mga labi kong buong pagmamahal na tinugon ang mga labi nitong napakalambot at init!