Kissing session naman ngayon ang gusto niya? Hindi pa nga ako nakaka-get over sa yaman nila dahil kaya niyang magbigay ng trillion para lang sa pagpapanggap namin, sa pagpunta ko sa bahay nila tapos ngayon kissing session na naman? “Wait lang,” natatawang bulong ko. Gulong-gulo na kasi talaga ako. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang mga iniisip ko ngayon. Kasi questionable na talaga ang mga ginagawa niya. Pati ang aura niya, hindi ko maintindihan. Dominant kasi ang dating. Nakatingin pa rin siya ngayon sa akin at parang hinihintay ang sasabihin ko. Ayaw kong magbintang dahil wala naman akong proweba. Mahirap magsabi lalo na kung wala naman akong sapat na evidence para rito. But what if syndicate siya? Or something like, Mafia Boss? Hindi bago sa Russia ang ganito dahil pamilyar ako. May