DANICA
Kinabukasan, I woke up in Nicole's bedroom. Gosh! Wasted again!
"Ang sakit ng ulo ko!!" sigaw ni Kim habang naglalakad kami papasok ng kusina nila.
Pagpasok namin nakita ko si Nicole na hinahanda ung pagkain at nagtitimpla ng kape. Ang pashnea! Inasar pa kami! She's the only one who is not drunk because hindi naman sya nag iinum.
The food she cooked are instant noodles, boiled eggs at fried egg. Our favorite! Tapos may mga kape at gatas pa! Hay sarap buhay pag si Nicole ang kasama.
Bago kumain ginaya ko si Kim sa ginawa nya na glass of water full of cube ice! And sh*t! Brain freeze but a bit relief.
Pagkatapos naming kumain, isa isa kaming binigyan ni Nicole ng paracetamol para sa sakit ng ulo. Sorry! Alagang Nicole to!
"Paano? Una na kami! Need ko pang umuwi sa bahay kundi wawarlahin na naman ako ni Mama," sabi ni Tala at alam namin kung bakit?!
"Sabihin mo, try din nyang pursigihin ung mga anak nyang iba na magtrabaho!" saad ni Nicole na ikinatawa lang ni Tala pero alam kong seryoso si Nicole dun. "Tumawag sakin si Tita kagabi eh, sabi ko dito ka natulog dahil bagong uwi si Danica galing Canada," sabi nya kaya ako naman ang natuwa at inasar sya.
"Para may gusto kang umuwi ng Canada ah," biro ko sa kanya at tinaas baba pa ang kilay ko sa kanya.
Tumawa sya ng mahina at inilingan ako. "Kahit wag na syang umuwi," sabi nya at tumutok sa laptop nya.
Natawa na lang kami at magpaalam na, ihahatid ko pa si Tala sa apartment kung saan sya nagbebedspace dahil dun lang sya inilagay ng mama nya. Hay naku!
"Bye! Call ka lang ha!" saad ko sa kanya kaya tumango sya at nagpaalam na.
Ako naman I just drive straight to our house, since it's sunday, for sure my parents are there. At hindi nga ako nagkamali.
"Hi Dad! Hi Mom!" bati ko sa kanila habang naglalakad papalapit sa kinauupuan nila.
"Hi Ija!" bati sakin ni Mommy sabay halik sa pisngi ko. Ganun din naman ang ginawa ni Dad sakin. Tapos nagpaalam na lang ako na magpapahinga sa kwarto ko. Dahil medyo masakit pa ang ulo ko.
Pag akyat ko sa kwarto ko, nahiga na lang muna ako at ipinikit ung mata ko nang may maalala ako!
'I hope we can get along, Danica. See you again, my darling,'
Naalala ko ung bumulong sakin at hindi ako pwedengag kamali, that's Mr. Montes! That's Theo! Pero bakit naman nya ko tinawag na darling! Ayun pa ba ang tawag nya sa mga jinojowa nya?! Ay mali! Mga ginagamit nyang babae?! Ay pwes! Ibahin nya ko! Hindi ako pang one night! Pang matagalan to!
Dahil sa naisip ko, I reach my phone na nasa bedside table ng kama ko, I gonna stalk that Theo guy! Pero papunta pa lang ako sa Social Media ko, may tumawag na sakin kaya naman sinagot ko muna yun.
It's a college friend who want to have a meet up with the other girls from our block nung college.
"Yeah, sure! Okay! Bye! See yah!" paalam ko at ibinaba na yung tawag.
I forgot what I want to do kaya naman tumayo na lang ako para makapag handa ng susuotin for the meet up.
Yes, I have other friends! Since my course is different from Nicole, Tala and Kim. I need to get along to others para naman hindi ako OP sa campus noon pero ba pa din talaga ung apat na yun! I have friends but iba ang best friend! Nadagdagan pa nga kami eh.
I walk to my walk in closet, pick a jean and a lousy blouse tapos kumuha ako ng doll shoes para sa paa ko. Tapos naligo ako at nagbihis. Nag ayos ng unti bago bumaba at magpaalam kila mommy na aalis ako ulit.
"Ma, punta po akong mall. Gonna to meet my college friends," paalam ko kay mommy nang makita sya sa living room namin.
"Okay, careful sa pagdadrive and enjoy!" paalam ni mommy sakin pero bago yun, may naisip ako!
"Sure, mom. Thank you! But before I leave, ahm... I have a question po," sabi ko at ngumiti.
"Hm? Ano yun, anak?" nakangiti ding sabi nya at ibinigay sakin ung buong atensyon nya.
"Alam nyo po ba na kaibigan ni Kuya Caleb, ang mga may ari ng ME, Montes Group, HH Company, si Mr. Ramos at si Attorney Vasquez?" tanong ko sa kanya.
Kilala ko talaga si Attorney Vasquez dahil minsan syang kinuha ni Daddy para aralin ung contract na pinirmahan nila. Para kasing fraud at hindi nga sila nagkamali pagkatapos nyang aralin, natuklasan na fraud ang contract pati na ung tao.
Si Mr. Ramos naman dahil nga assistant sya ni Miggy Monticlaro, matinik din yun si Mr. Ramos, napag iiwanan sa mga business nila. Minsan ko na syang nakausap dahil wala si Miggy nun dito at sya ang nakausap ko for something.
"Ah! Sila Miggy ba ang sinasabi mo?" tanong nya na parang casual lang yung pagkakasabi nya. "Yes! Ayaw lang ng kuya mo na ipaalam namin sayo, ewan ko ba dun sa kuya mo na yun. Pero alam namin yun, hindi mo ba nakita si Miggy Monticlaro sa kasal ng kuya mo? Andun sya. Umalis nga lang agad," sabi ni mommy kaya napatango ako.
"Ah! No, anyway! I just met them last night," inform ko sa kanya kaya naman nagulat si mommy.
"When and How?" tanong nya kaya naman napaisip ako.
"Ahm! Henry Villas? Boyfriend sya ni Kim. So we met them as a friend of Kim's boyfriend and they introduce themselves as Kuya Caleb's friend," kwento ko sa kanya kaya naman napangiti si mommy.
"Wow! The only son of HH Company is the boyfriend of Kim? Ang swerte ni Henry kay Kim kung ganun.. mabait na bata si Kim," sabi nya kaya natawa ako nang malakas.
"Parang mas maswerte si Kim kay Henry dahil kilala ko si Kim, Mom. Kung si Nicole pa po. Anyway! I'll go now, natanong ko lang po talaga," sabi ko at humalik na sa pisngi nya.
"Kilala mo talaga ang kaibigan mo, nakakalungkot lang na nasayang ang sa Kuya mo at kay Nicole, but I know they will be happy someday. Hindi man sa isa't isa but they will be happy. Sige na at ingat ka!" paalam nya kaya ngumiti na lang ako at umalis na din.
Lahat naman kami nasasayangan sa relasyon nila Kuya at Nicole pero wala, hindi ata talaga sila para sa isa't isa. Nung nalaman nila mommy yun dahil kinuwento ko, nalungkot sila. They like Nicole so much for Kuya kahit hindi pa man sila at nagkakaroon pa lang ng pahaging si Kuya kay Nicole, gustong gusto na nila sya para kay Kuya.
Nakarating ako ng meeting place namin at nakita ko naman agad sila. I just wave my hand to them tapos lumapit na as soon as i got to them, beso beso muna. Hindi naman ako plastic na tao pero this time kailangan kong mag pakasosyal dahil ayun ung mga kasama ko. Nagkita kita lang kami dito sa isang kilala coffee shop sa loob ng mall. Cathing up to our life.
"So how's your work now with your company, Cassie?" Chanel ask me.
"Good, I'm just there to review the proposal and report. It's kinda boring for me," sabi ko sabay inum ko ng Lychee Lemon Fruit Tea ko.
"Why you want to encode or something? because for me, your work is cool," sabi ni Savy, napangiti na lang ako dahil hindi naman nila maiintindihan yung gusto ko.
Nagtanungan lang kami dun nang biglang impit na tumili si Chelsea. "OMG! Look girls! It's The Great Casanova Theo Montes and his friend, Attorney Vasquez! Gosh! They're so handsome in their casual clothes!" excited na sabi nya kaya napatingin ako sa likod ko dahil dun ung turo nya.
Saktong paglingon ko, napatingin sa gawi namin si Harold at nagtama ung mata namin. Gwapo talaga ng pagkaseryoso nya! Lakas ng dating!
I don't know if he recognize me kasi nga hindi naman sya ngumiti nung nakita nya ko pero nasagot yun nang sikuhin nya si Theo at ituro ako, kaya napunta sa gawi namin ung tingin ni Theo at nung nakita nya ko he smile from ear to ear na labas pa ang ngipin! Bakit ang gwapo nila! Wala bang maipipintas sa mga to!
"Gosh! He is smiling at me! Wait! I need to compose myself baka yayain nya ko!" sabi ni Chelsea kaya napalingon ako sa kanya.
I want to stop her from dreaming na sya ung nginitian kasi ako naman talaga but malay mo, sya pala talaga at hindi ako kaya naman hinayaan ko na lang at uminum ulit ng drinks ko at kinain ung carrot cake ko! Makapagpaluto nga kay Nicole nito. Mas masarap pa ung luto nya kesa dito. Char!
Halos maluwa ko naman ung kinakain ko nang isang tapik sa balikat ko ang naramdaman ko. Hindi sya actually tapik! Parang haplos! Sh*t! Alam ko na kung kanino to! Malandi eh! At hindi naman ako nagkamali dahil nagsalita sya!
"Hey! You're here!" sabi ni Theo kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Oh! Hi! Hindi ko kayo napansin," sabi ko at nagpunas ng bibig gamit ang tissue. Nakita ko naman ung nakakalokong ngisi nya at taas ng kilay nya. Sh*t! Lahat ng babae mapapatili pag nakita ung ganyang mukha! Ay mali! Except lang pala kay Nicole na bitter!
"Really? I smile at you earlier," sabi nya kaya natawa ako nang mahina.
"Ow! I thought it's not for me. Sorry, my bad! I guess," saad ko kaya sya naman ang napatawa.
"Okay, but just to be clear, Ms. Danica! It's for you," nakangising sabi nya. "But bye for now, Harold and I have to go! Bye, Dani!" sabi nya at tumingin sa mga kasama ko sabay ngiti tapos sakin ulit at kumindat bago tumalikod nang tuluyan, dun ko lang din nakita na inaantay pala sya ni Harold sa labas at nakatingin din sya sakin. Tipid syang ngumiti kaya ngumiti din ako.
Pinagmasdan ko lang silang naglakad palayo at nang tuluyan na silang nawala sa paningin namin. Dun na ko kinuyog ng mga kasama ko.
"Omg! You know them! Personally! Gosh! Apaka palad mo, Cassie! Tell me! May nangyari na ba sa inyo ni Theo?" tanong ni Chelsea kaya napakunot ang noo ko sabay tawa ng sarkastiko.
"Well! I'm not the kind of woman na bubukaka agad sa lalaking yun! Of course! Walang nangyari samin and I just know him personally because one of my best friend is in a relationship with his friend kaya nagkakilala kami, nothing intimate between the two of us," marahang sagot ko sa kanya. Tinanung pa nila ako kung sino daw ang boyfriend ng kaibigan ko at kung ano ano pa! Hay naku!
Kaya minsan tahimik ako sa usapan na ganto dahil puro kaharutan at make outs lang naman ang pinag uusapan nila. But of course they still my friends kahit ganun at nakikisama pa din ako. Minsan din sila ang kasama ko mag bar kaya may hindi alam sila Nicole na lakad ko.
Secret ko lang yun dahil papagalitan ako ni Nicole. I understand her, ayaw na ayaw nun na napapahamak kami kaya minsan tumatakas ako! Pero pag nalaman nya hindi naman sya nagagalit sakin. Ang unang tanong nun, 'wala naman bang nangyari sayong masama?' bago nya ko kutusan ng malala.
After namin mag cathing up, umuwi na din ako agad dahil may gagawin ako. I need to sketch a dress na ipapasa ko bukas kasama ng mga credentials ko sa school na papasukan ko ng fashion designing.
I really love fashion and fancy clothes kaya mga pag may lakad kami, gusto ko ako ang mamimili ng mga damit namin. I dreame to have my own clothing line na masasabi kong akin talaga! Ako nag design at nagprovide. Kaya nga nag enroll ng 2 year course sa isang school about fashion designing. Kung matupad ko man ung pangarap ko na yun! Gagawin kong mga model ung mga kaibigan kong walang hiya!
Nakauwi ako ng bahay at agad na umakyat sa kwarto ko after kong magpakita sa parents ko.
Naglinis ako ng katawan bago ako pumunta sa study table ko at ilabas ung mga materials ko. My parents know that I love fashion kaya alam nilang marami akong materials. Bumili din ako ng sewing machine for myself. Hindi lang talaga nila ako mapagbigyan ngayon na ipursue ang pangarap ko dahil nga walang mag aasikaso ng business namin. Kaya nga patago lang akong kumikilos eh.
Habang magssketch ako, bigla naman may nagnotif sa phone ko kaya tinignan ko yun. Nung una iniisip ko na baka si Nicole, nangangamusta pero pagsilip ko iba ang nakita ko.
VinMontes started following you..
"Vin Montes? Sino to?" tanong ko habang tinitignan ung pangalan nya. Imbis na tignan ung profile pinasawalang bahala ko na lang dahil minsan naman talaga madaming nag aadd sakin na ramdom guy kaya ibinaba ko ung phone ko at nagtuloy ulit sa pag ssketch.
Habang magssketch pa din ako, tuloy tuloy pa din ung tunog ng notif ko pero hindi ko pinapansin dahil baka mga notif lang yan ng mga nagcomment, follow at email ko kaya hinayaan ko lang.
Natapos akong mag sketch kaya tinignan ko yun at I'm so proud of myself! I draw my own wedding gown, at ako ang gagawa nito dahil akin to! Itinabi ko yun kasama ng mga documents ko na ipapasa bukas. Tapos kinuha ko ung phone ko at pabagsak na nahiga ng kama ko.
5 messages from @VinMontes....
Napakunoot ung noo ko, sino ba to?! At talagang flood messages? Galing! I tap the notif to see who he is.. but suddenly my phone rang...
Talalicious Calling....
"Yes, my dear Tala?" bungad ko pero napatayo din ako agad nung nakarinig ako ng hikbi galing sa kanya.
[Can you pick me up? Dito sa bahay..] turan nya, hindi naman ako mag dalawang isip na tumayo at kunin ung susi ng kotse ko.
"Oo! Wait me there!" sabi ko lang tapos binaba na yung tawag at isinilid sa bulsa ng short ko at dali daling lumabas papuntang kotse ko. Di na ko nakapagpaalam kila Daddy pero yaan mo na.
-------------