DANICA
I drive at Krystal's house as fast as I can dahil sa hikbi pa lang nya sigurado na kong hindi maganda ang nangyari.
"What happened?!" bungad ko sa kanya pagkababa ko ng kotse ko. Nakita ko na kasi agad sya sa kanto nila at parang nagtatago.
"Alis na tayo... Bilis..." puno ng pagmamadali nyang sabi kaya pumasok na ko ulit sa kotse at ganun din sya. Hindi pwedeng hindi ko malaman.
"Ano bang nangyari? Bakit umiiyak ka?" tanong ko habang nagdadrive.
"Wala... Gusto ko lang umalis na sa bahay agad..." saad nya sa malungkot na paraan kaya sinulyapan sya at nakita kong nakatingin sya sa labas.
Okaaaay! We need Nicole! Para mapaamin to! Hindi pwedeng hindi! Bago ko sya ihatid sa bed space nya. Mas pinili ko na pumunta sa apartment nila Nicole.
"Hoy! San tayo pupunta?" tanong nya pero hindi ko sya sinagot at nagdrive na lang nang tuloy tuloy.
"Oh?! Bat napasugod kayo dito? Wala si Kim," bungad na tanong ni Nicole samin nang makarating kami sa kanila.
"Tanungin mo nga to! Ayaw sagutin ung tanong ko, tumawag saking umiiyak," sumbong ko habang nauupo sa sofa kaya agad na lumingon si Nicole kay Tala na nakaiwas ng tingin.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong nya at naupo din sa tabi ko kaya umupo na din si Tala.
"Wala naman, gusto ko lang umalis sa bahay," sabi nya ulit pero hindi talaga ako naniniwala.
Narinig kong bumuntong hininga ung isa kaya naman napatingin ako sa kanya. "Sige, kung ayaw mong sabihin ung dahilan. Mag kwento ka na lang ng naging araw mo," sabi nya kaya napakunoot ung noo ko. Parang parehas lang naman yun but I was shock when I heard Tala's sob.
"Okay lang naman, naiinis lang ako sa pagiging strikto nila Mama at Papa. Sa sobrang strikto nila, pakiramdam ko hindi na tama. Miski sahod ko kinukuha nila, para daw hindi ako magbulakbol, ano ba ko? 13 years old na umaasa pa din sa kanila. Papauwiin lang naman nila ako dun pag kailangan nila, pag may kailangan ung mga anak nila at pagsahod ko pero pag hindi at wala silang kailangan, wala silang paki kung uuwi ako," kwento nya habang umiiyak.
Her parents is a strict one, really a strict one, pero sa kanya lang. Nung una iniisip namin baka dahil dalaga at panganay sya at ayaw mapariwala ang buhay pero nung minsan nakwento nya na may dalawa pa syang babaeng kapatid at hindi naman daw ganun ang trato dun sa dalawa. Hindi na kami nagsalita nun dahil baka kung ano pang masabi namin pero nakakapagtaka talaga yun. Kung ako iisipin ko baka dahil hindi nila anak si Tala tas nakakakuha sila ng pera sa totoong magulang nito tapos pag nawala si Tala sa puder nila at nalaman ng mga totoong magulang nya, hindi na magpapadala ung mga magulang nya at mawawalan na ng pera ung kinikilala nyang magulang.
Pero syempre eme ko lang yun! Kaya galit na galit sakin si Nicole minsan dahil hanggang totoong buhay dinadala ko ang pagiging director ko sa drama team nung Highschool kami at dahil daw sa kakapanood at kakabasa ko ng mga pocket books kaya eto ang tumatakbo sa isip ko.
"Are you really sure na parents mo sila? Baka naman taga alaga lang sila tas kinukuha nila ung sahod mo kasi hindi na sila bini-Aww!" saad ko sa kanya sabay daing dahil binatukan ako bigla ni Nicole.
"Ayan ka na naman! Gumagana naman yang pagiging director mo! Dapat Film Making ang kinuha mo at hindi Fashion Designing," inis na sabi nya kaya nakarinig na ko ng mahinang tawa kay Tala.
"Hindi ko din alam, minsan iniisip ko na tama ka, Dani. Kasi hindi naman nila pinaparamdam na anak nila ako kundi gatasan na hindi pwedeng mawala sa puder nila," sabi nya na may hinanakit pero nag pupunas ng luha.
Bigla akong napapalakpak at tinuro pa si Nicole na nakatingin kay Tala. "Oh! See?! Even Krystal think what I'm thinking! So possible diba?" histerikal na sabi ko pero nawala din yun nang tumingin sakin si Nicole.
"Dani, not helping..." sabi nya at umiling. Napapeace sign na lang ako sa kanya. "Palagpasin mo na lang muna, but next time. Magtabi ka na agad ng para sayo at ibibigay mo sa kanila. They are your parents but you are not their only child. May karapatan ka naman sigurong magtabi ng para sa future mo, beside you are not the only one working in your family, may kapatid kang lalaki na nagtatrabaho na diba? kahit papa mo maganda naman ung trabaho," sabi nya kay Tala na nakatingin lang sa kanya.
"Oo, pero nakabuntis," nakangusong sabi ni Tala. "Isa pa yan sa iniiyak ko! Ako ayaw nilang magkaroon ng karelasyon tapos yung mga kapatid ko papalit palit ng boyfriend at girlfriend," sabi nya at biglang umiyak.
"Aba! G*go!" saad ko kaya nakaramdam ako ng mahinang kurot sa braso ko. Tinignan ko ulit si Nicole na pinanlalakihan ako ng mata kaya tumahimik ako.
"Magaling naman pala ung kapatid mo, sabihin mo tarantado sya sagad to the bones," sabi ni Nicole laya hinampas ko naman sya. Crazy! Pinigilan ako tapos sya naman etong umarangkada! Sakalin ko kaya to!
Natawa lang si Tala sa nangyari samin ni Nicole. "Hindi ko matuloy yung drama ko dahil sa inyo! Kainis!" natatawang sabi nya habang magpupunas na naman ng luha.
"At least hindi ka sad! Magjowa ka! Hayaan mo yan sila Tita! Tas dapat ang jowain mo, ung mayaman para maialis ka dyan kila Tita, sabihin mo dun sa jowa mo, bigyan sila Tita ng 1M at lumbayan na kayo! Ganurn?!" gigil na sabi ko.
"Ayan! Umiral na naman yang pagiging director mo! Kahit anong mangyari, pamilya nya pa din yun," sabi nya sakin sabay harap kay Tala. "Don't pressure yourself to find a man who will get you out of this life you have, but be strong enough for yourself to help you get out on this sh*t!" makabuluhang sabi ni Nicole kaya napangiti ako.
Sya talaga ang pinaka independent samin! The perfect example of 'I don't need a man'.
"But! Kung gusto mo naman mag boyfriend, go! Wala namang masama. Nasa tamang edad naman na kayo para mag boyfriend. But find a man not a guy," dagdag pa ni Nicole.
"Pili ka na lang dun sa mga kaibigan ni Sir Henry! Mga gwapings yun tapos may kaya sa buhay atska mga matured na," turo ko pa sa kanya sabay cross ng legs.
"Wag! Mukhang mga babaero, lalo na ung Theo, ay! Mukhang hindi gagawa ng maganda! Halatang babaero," sabi ni Tala bigla. "Kahit si Sir Miggy, mukhang babaero eh," dagdag nya pa.
"Totoo!" sabi ni Nicole na nakanguso.
"Hoy! Don't judge the book by it's cover! Ang bad nyo!" sabi ko sa kanila.
"Bakit?! May type ka sa kanila?" mabilis na tanong ni Nicole kaya napamulat ako ng mata!
"Hoy wala! Pero feeling ko type ako nung Theo! Kasi I saw him earlier and his the first one who approach me! Diba?! Kung hindi nya ko type, care nya ba sakin?!!" sabi ko at nakangiti, eme lang! Inaasar ko lang si Nicole.
Ayoko kay Theo, mas type ko pa si Harold! The mysterious type he has! Shock! Para pagnakamake out mo sya lalabas lahat ng mga kaharutan mo sa katawan! Ganurn!
"Hindi kayo bagay! Kay Sir Miggy ka na lang! Mas bagay kayo! best friend pa ng Kuya mo kaya bantay sarado sya pag niloko ka," sabi ni Nicole napairap naman ako.
Sya ata ang type nun ni Miggy hindi kami! Sus! Ang lagkit ng tingin kay Nicole eh. Panugirado yan! Kung hindi man baka nalil*bog lang kay Nicole.
"Ay feeling ko may ibang type si Miggy kaya negats!" sabi ko tapos tumingin kay Tala na napapaisip. "Ikaw? May type ka sa kanila nuh?" tanong ko pero tumawa lang sya.
"Si Harold," sabi nya kaya natawa ako! Sh*t!
"Ako din pero sayo na sya, ayoko naman makipag agawan, hahanap na lang ako ng iba!" sabi ko sabay tingin kay Nicole na nakakunoot ang noo sakin.
"Diba kasi ung mysterious type nya! Nakakalaglag panty!" sabi ni Tala kaya naman nakatikim sya ng unan kay Nicole na ikinatawa lang ni Tala.
"Ayan! Laglag panty na naman ang usapan!" singhal na sabi nya samin na tawa lang nang tawa sa kanya.
Si Tala, marunong lumandi to! Pero katulad ko make out lang. Nakasama na namin sya minsan ni Kim! Isa pa yun!
"Bakit?! Gwapo naman talaga sila! Ikaw wala kang type sa kanila?" tanong ni Tala kay Nicole. Umiling lang naman tong isa.
"Wala," sabi nya kaya biniro ko.
"Si Kuya pa din?" tanong ko kaya tumingin sya sakin at ngumiti lang naman sya.
"Hindi na," nakangiting sabi nya. "At seryoso ako dun," paninigurado nya at alam ko namang seryoso sya. Bigla kong naalala si Kim.
"Asan pala si Kim?" tanong ko dahil naalala ko kanina na sinabi nyang wala daw si Kim.
"Nakay Sir Henry," normal na sabi nya napara lang syang tumuro kung nasaan ang kwarto nya.
"Hinayaan mo?!" puno ng pagkaOA na sabi ni Tala. Kumunoot naman ang noo namin ni Nicole.
"Why? Dapat ba hindi?" tanong ko kaya lumipat sakin ung tingin ni Tala.
"Oo kasi baka may gawin sila... Baka bigla magkaroon tayo ng inaanak!" histerikal na sabi nya.
"Gaga! Matutulog lang naman eh, hindi naman sila gagawa ng baby," sabi ko at gusto ko syang batuhin ng unan.
"Hindi natin alam! Baka sa sobrang halay ng kaibigan natin na yun... Bumigay ang Sir Henry at warakin ang dapat warakin!" sabi nya kaya hindi na ko nakapagpigil pa binato ko na ng unan. This woman!
"You're so OA, Talalicious!" I said to her and cross arms.
"Kalma nga lang! Ano naman kung gawin nila, kung mahal nila ang isa't isa at sigurado na silang deretso sa simbahan pagkatapos nilang gawin yun. Edi go! Nagawa na nila eh, atska! Sir Henry is a man of his word. Kaya nga sabi ko sa inyo mag hanap kayo ng Man! Not a guy! Because a man will keep his promises but a guy only knows how to broke every girls heart, so find a man!" She said like she has a lot of experience having a relationship, but the truth is her first relationship didn't last long.
"Okay lang sayo kung gagawin nila?" tanong ulit ni Tala. "Hindi ka magagalit?"
"Okay lang naman. Buhay nya yun, andito lang naman ako para magpaalala kung sumusobra na atska katulad ng sabi ko nasa tamang edad na kayo para gawin ung gusto nyo but kung kayang iwasan edi iwasan kung kayang hindi gawin, wag gawin. But I'm not gonna mad if they will do that thing basta kuhain nila akong ninang pag nag kababy sila," sabi nya kaya natawa ako.
"Malamang! Ikaw mawawala?! Imposible ata yun!" turan ko sa kanya.
Nagkwentuhan pa kami dun ng about sa iba't ibang klaseng gawain, mas naeenjoy ko talaga silang kausap kesa ung puro business at arte. Dito kasi pwedeng balasubas ung salita ko dahil sanay sila sakin sa ganun.
"So... Okay ka naman na? Sige na at umuwi na kayo," sabi bigla ni Nicole.
"Hindi mo kami yayayaing matulog dito?" tanong ko sa kanya pero umiling lang sya.
"Hindi, may lakad ako bukas nang maaga, susunduin ako ni Marky," sabi nya kaya bigla ko syang pinaningkitan ng mata.
"Anong meron sa inyo ni Marky?! Aminin mo!" singhal ko sa kanya pero ang bruha tinawanan lang ako.
"Wala kaming relasyon! Ano ba?! Girlfriend nun si Celine, ung vocalist ng Revel?! Kaya wag kayong issue dyan!" sabi nya na tumatawa tawa pa nang mahina.
"Eh bakit susunduin ka bukas?" tanong naman ni Tala. Huminga naman sya ng malalim at parang nastress samin.
"Galing kasi sya ng Japan, so nagyaya na kumain daw kami ng breakfast bukas," sabi nya kaya napatango tango na lang kami ni Tala bago nagpaalam dahil ihahatid ko pa si Tala sa bedspace nya.
"So! Katulad ng laging paalala namin sayo. Tumawag ka pag may hindi magandang nangyari ha?" Paalala ko sa kanya na ikinatango nya.
"Opo, sige na! Ingat ka sa byahe! Salamat," nakangiting sabi nya at pumasok na sa apartment na tinutuluyan nya.
Ako naman umalis na at nagpahinga dahil maaga ako bukas sa office at may need din akong puntahan sa school ko.
Weeks had passed at pare pareho kaming busy sa kanya kanya naming buhay nila Kim kaya naman hindi ko sila nakikita gaano, unlike noon na halos lagi kaming magkakasama. Ngayon kasi bukod sa busy sila sa kanya kanya nilang work, busy din akong pagsabayin ang trabaho ko at pag aaral ko.
So far, maganda naman ang takbo, masaya ako sa ginagawa kong pag aaral. Mabuti nga at once a week lang kami mag practical and the rest online na ang learnings namin. I just go there if I will pass my plates and samples.
"Hi Dad!" bati ko sa kanya nang makita ko sya sa living room at nanunuod ng news.
"Hi Ija, how's your work, baby?" tanong nya sakin.
Humalik muna ko sa pisngi nya bago sumagot. "It's still fine, our shipment partners and investor are still good. Even our fabric are still on the top kaya naman po walang dapat ipag alala," nakangiting balita ko sa kanya.
"That's good to hear. Thank you, Cass for helping us in our company. We know, you want to do something but here you are helping us, don't worry, when Caleb and his family will migrate here, you can do what you really want," sabi nya at hinawakan pa ung kamay ko.
I just smile to my dad, masaya ako na alam nilang may gusto akong ibang gawin pero sa ngayon itatago ko muna ung ginagawa ko dahil ayokong mastress si dad at mom pag nalaman nila. Baka akalain pa nila, napapabayaan ko ang kompanya namin.
"No worries, Dad. I'm happy helping our family," nakangiti din sabi ko at nagpaalam na nga na aakyat na sa kwarto ko.
Pagod kong binagsak ung katawan ko sa higaan ko bago ko naisipang tignan ung phone ko. Katulad nang lagi naming ginagawa, I'll sent a message to my bffs to tell them, what did I do the whole day.
Ganun talaga kami, lalo na pag hindi kami gaano nag kikita katulad ngayon. Kahit mahaba, okay lang samin basta makwento namin ung nangyari samin ngayong araw. Bigla kong naalala ung nag message sakin nung nakaraan sa IG, hindi ko kasi nakita at dahil nga nabusy ako. Nawalan ako ng paki dun, tignan ko nga mamaya ung VinMontes na yun!
Pag open ko ng chatbox namin, I saw Camille's message followed by Kim then Tala. Wala pa si Nics kaya naman sinundan ko na. Kinuwento ko ung mga nangyaro sa meetings and sa usapan namin ni Dad saktong pagkasend ko, magsend na din si Nics. Sabay kaming dalawa, after naming basahin ang message ng isa't isa, dun na kami nagchat at nagkaroon ng usapan talaga.
While chatting my bffs, my phone ring and I answer it, when I saw Chelsea's name.
"Hey! What's up?" bati ko agad.
[Hey! Cassie! Wanna join? We're going La Nueva Bar tonight?] tanong nya, of course! I want to join! Pantanggal stress.
"Sure! Count me in! What time?" I ask her.
[Nice! Around 8pm! So see you there! Bye!] Paalam nya kaya nagpaalam na din tapos binaba yung tawag.
Me: Girls! I'll be on the bar tonight, ung mga college friend ko nagyayaya, so I'm joining them!
Inform ko kila Nicole, unang nagseen si Tala, tapos si Nicole, Camille. Hindi na magseen si Kim, busy na ata.
Nics: Sureness! Take care and drink moderately, Dani. You know the drill! Call me if you need me. 'kay?
Reply ni Nicole! My forever supporting best friend.
Me: Yeap! I will! Thank you! I have to go, I need to prepare.
Paalam ko sa kanila at tumayo na para makaligo ulit. I choose my party dress na appropriate sa dress code ng bar na pupuntahan ko.
I choose to dress very simple yet elegant look. I wear my vneck white summer chiffon sleeveless top, partner with denim jeans and black stiletto. I didn't bother to bring any bag. I just slip my phone and wallet to my jeans pocket, get my key tapos umalis na.
Hindi ko na nakita sila mom at dad sa sala kaya alam kong nasa dining na sila kaya dun na ko dumeretso.
"Mom, Dad! Mag kikita po kami ng mga college friend ko ulit. Saglit lang po ako," paalam ko sa kanila. Sabay silang tumingin sakin at pinagmasdan ako. Alam ko na yan! Mag aaway na naman sila kung sinong mas kamukha ko.
"Kamukhang kamukha ka talaga ni daddy, anak," masiglang sabi ni daddy kaya natawa naman ako. Sabi ko na eh!
Syempre kumontra si mom at sya daw ang kamukha namin ni Kuya Caleb but the truth is halo ang mukha namin ni Kuya kaya pareho namin silang kamukha.
Bago pa sila tuluyang mag away, nagpaalam na ko ulit at umalis ng bahay.
Pagdating ko sa La Nueva Bar, bumaba ako at nagpunta sa loob. I look for my college friends sa sinabi nilang gawi at hindi naman ako nabigo dahil andoon sila.
"Hi!" bati ko nang makalapit ako sa kanila.
"Cassie! You look so beautiful! It's screaming fashion all over you aura!" bati ni Chelsea.
"Oh! Thank you!" nakangiting sabi ko at tumabi na sa kanila.
May drinks na sa table namin kaya naman kumuha ako agad at nakipagkwentuhan sa kanila. Katulad lang ng lagi naming kwentuhan. Boys, company, working and other things.
Nagkaroon na ng mga tama ung mga kamasa namin, kaya naman, tumayo sila at nagsayaw sayaw sa dance floor. Ako naman dahil gusto ko magpakasober dahil magdadrive ako, pumunta ako sa counter bar para humingi ng water.
Habang nag iintay, tumingin ako sa dance floor at nakita ko ung mga kasama ko na may kahalikan na. Tss! This is not good! Pag hindi pa ko umalis ngayon, I might get involve to make outs.
Humarap ako ulit sa counter pero nahinto ako nung may nakita akong lalaki at babae na nagmemake out sa bandang gilid ko. At wow! Ang tindi ng make out nila. Nakahawak na yung lalaki sa dibdib ng babae at kulang na lang masubo nya ung dibdib nung babae at sipsipin! Napairap na lang ako pero hindi sinasadyang magtama ung mata namin ng lalaki na kanina lang ay nakapikit pero dumilat bigla.
Halos lumuwa naman ang mata ko nung nakilala ko kung kaninong mata yun! Oh gosh! I think I need to run!
----------------