Kabanata 4 Punch Hawak-hawak ang aking kamay ay lumabas ako ng silid. Hindi naman ako nakagapos at maayos naman akong makagalaw, ang iniinda ko talaga ay ang aking tiyan na napuruhan ng gagong Garcia. Even my bruises are already fine. They are healing slowly. Araw-araw kasi ginagamot ng mga tauhan dito na hindi ko kilala lahat. Hanggang ngayon, gulong-gulo pa rin ako kung nasaan ako. Malayo pa lang sa lamesa ay tanaw ko na ang dalawang katao doon na nakaupo. Ang babaeng nangangalang Lili at si Zachary na pawang may seryosong pinag-uusapan. This house was full of men, kahit saang banda ng bahay ay mga kalalakihang nakabantay. Madaming nakabantay sa paligid at mahihirapan talaga akong makalabas dito. Pero kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano makalabas dito. Hindi ko kayang magta