Hindi ko alam kung ilang oras ako natulog. Nagising ako nang maramdam kong may pumupunas sa aking katawan. I slowly opened my eyes and I saw a girl. Nang makita n'ya akong nagising ay kaagad niya akong dinaluhan. "Are you okay?" tanong n'ya sa akin. Kahit na masakit ang aking katawan ay sinubukan ko ring umupo sa kama. Nag-aalala na inalalayan niya ako sa pag-upo. Hinawi n'ya ang aking buhok na nakatapik sa aking mukha. "Nasaan po ako? Kailangan ko pong umuwi." Malungkot siyang ngumiti sa akin, "Hindi ko maaaring sabihin kung nasaan ka. Si Zachary na ang bahala sayo. Maiiwan na kita." Akmang tatayo na s'ya nang hinawakan ko ang kanyang kamay para pigilan. HIndi ko alam kung nasaan ako ngayon. Masakit din ang buong katawan ko. What is happening? "Ilang oras akong tulog?" I asked. "Da