“Congratulations to the proposal. Manghang mangha sa ‘yo ang ating mga business partners dahil husay mong manalita at pagsagot ng mga tanong.” Puri sa akin ni Mrs. Ameerah, ang CEO ng Hotel Occazia, isang five star hotel na may mahigit 25 branches nationwide, habang siya’y nakikipag shakehands sa akin.
Gumuhit naman ang ngiti sa aking labi. Sanay na ako sa ganitong mga puri. “Thank you, Ma’am.” Tugon ko sa kanya matapos niyang bitawan ang aking kamay at bumaling sa iba ko pang katrabaho. Isa isa naman akong nilapitan ng aming mga business partners para batiin at may iba namang gusto akong imbitahan mag dinner. Mabilis akong tumanggi nang hindi sila na-o-offend. Hindi ko hilig kumain kasama ang mga taong hindi ko naman lubos na kilala.
Ang aking business proposal sa new services ng Hotel Occazia ay planong i-launch ngayong taon. Kung saan magkakaroon kami ng application na downloadable both IOS at Android para mas convenient sa mga customers na gagamit lalong lalo na sa mga gustong mag book at walang panahon na tumawag. Kasabay ng pag launch nito ay ang pagbukas ng bagong branch sa Singapore at Dubai.
“Lapitan mo na kasi!” narinig ko ang mahina ngunit mariing bulalas ng aking employee sa finance department. Sa giliran ng aking mga mata, nakita ko kung paano niya itulak ang kasamang lalaking katrabaho.
“Uh, Ma’am.” At sa wakas ay narinig kong magsalita ang lalakeng itinulak niya palapit sa akin. Kinuha ko naman ang aking loewe designer bag at isinabit ito sa aking braso bago ako humarap sa kanya.
“Yes?” tumaas ang isa kong kilay.
“Magba bar po kasi kami with supervisors and department head para po sana sa celebration ng business proposal natin. B-baka gusto niyo pong sumama.” Nahihiya niyang yaya sa akin ni Andrew, accounting staff ko.
“Thank you for the invitation, Andrew. Pero kasi…” Napatingin ako sa aking wrist watch at bumagsak ang aking balikat. “Ten in the evening na at naiintindihan kong linggo bukas, wala kayong trabaho, pero ako mayroon. Marami.” Paliwanag ko at naunang umalis nang humingi rin siya ng paumanhin.
Paglabas ko ng building ay mabilis kong pinaharurot aking sasakyan patungo sa aking penthouse. Hindi ko nakahiligan ang makipag bonding sa mga employees. Alam ko kasing mas may importante pang bagay na dapat pinaglalaanan ng oras kaysa magsaya buong gabi. Hindi ka magiging productive kung inuuna mo lang ang kaligayahan mo.
I opened my door and turned on the light’s switch. I abruptly glanced at the chandelier above my head. Ngayon ko lang napansin na humihina na ang ilaw nito. Kung sabagay ilang taon ko na ring hindi napapalitan ang chandelier na iyan sa kawalan ng oras. Isinara ko ang pintuan at hinubad ang aking heels. Nakaramdam ako ng gutom pero dahil nag-iisa lang ako rito sa siyudad ay kailangan ko ring pagsilbihan ang aking sarili. Nakalimutan kong dumaan sa fast food chain para mag order ng pagkain, ayaw ko ring magpadeliver pa lalo na’t may masama akong karanasan sa mga food deliveries.
Habang nagpapakulo ako ng tubig ako’y, inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Hindi naman siguro minumulto sa madalas na pagiging tahimik ng lugar na ito? Halos hindi ko na mabuksan ang T.V sa salas, ang mga kurtinang kulay abo ay matagal ko nang hindi napapalitan.The combination of pink sofa and carpet, gray marble tiles, and white walls give lively colors to my penthouse. Pero habang tumatagal, tila napupusyaw ang kulay nito kahit wala namang pagbabago. Kahit ilang beses linisin ng maintenance, kahit na anong kinang ng mga palamuti, alam ko pa ring may kulang.
Then I realized that the furniture and interior decorations only offered bright colors to every corner of my house but will never be lively. Ang nagbibigay ng sigla ng kulay sa bahay ay hindi mahahanap sa kahit na anong bagay na mayroon ka.
Sinalubong ako ng aking Shih tzu na tila kakagising lang ata. Agad ko siyang kinarga sa aking bisig matapos kong ibinuhos ang mainit na tubig sa cup noodles saka naglakad sa salas habang dala dala ito. “Did you eat all your food?” tanong ko sa kanya kahit alam ko namang hindi niya ako sasagutin. Binubuhos ko sa dog food tray niya ang lahat ng pagkain niya tuwing umaga dahil buong araw na wala ako sa bahay, walang mag-aalaga sa kanya. “Tanie!” suway ko sa kanya nang sinubukan niyang mag tatakbo sa paligid ko.
“What was your inspiration when you were writing the novel ‘You were mine’?” kung sinusuwerte ka naman oh. Pagbukas ko ng T.V, agad bumulaga sa akin ang isang interview ng isang sikat na TV host na may suot na makapal na eyeglass at walang buhok sa isang sikat na nobelista ngayon — Si Ashley o mas kilala bilang ‘Aya’.
Lumabas ang dalawang dimple niya sa magkabilang pisngi nang siya’y ngumiti. “Actually, lahat po ng mga taong naninira sa akin. Iyong mga nagsasabing hindi ako nagsulat ng kwento at wala akong potensyal.” Sagot naman niya rito. Nanikip bigla ang aking dibdib kaya mabilis kong kinuha ang remote at nilipat sa ibang channel.
I know that book. I know every part of that book mula umpisa hanggang wakas. Paano ko makakalimutan ang librong naging bahagi na ng buhay ko? Lumamig ang noodles na kinakain ko kaya hindi ko na ito tinapos. Tumayo ako at pumunta sa fridge para kumuha ng beer. Ito ang madalas kong iniinom since nahihirapan akong makatulog sa gabi. Bumalik ako sa sofa at sinubukan ituon ang atensyon sa palabas para alisin sa aking isipan ang napanood kanina. I don’t want to get emotional lalo na’t may trabaho pa ako bukas. Kung pwede lang sana…
ISANG malakas na tunog mula sa aking cellphone ang gumising sa akin kinabukasan. Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata nang tumama sa akin ang sikat ng araw na tumatakas sa bintana ng living room.
Nakatulog ako sa sofa at hindi man lang nakapag-ayos kagabi. Inaasahan kong magkakapimple at dark spot ako sa susunod na araw dahil sa aking kapabayaan. “f**k!” mura ko nang bumaling ako sa wall clock at makitang alas siyete y media na ng umaga. Mabilis akong bumangon at inayos si Tanie bago ko kinuha ang cup noodles at tinapon sa basurahan. Halos madapa ako habang tumatakbo sa second floor, partikular sa aking kwarto.
“Hello?” sagot ko sa kabilang linya nang hindi tinitingnan ang screen kung sino ang tumatawag. I don’t know who was calling early in the morning, but I thank her for waking me up.
“Hello, Sierra?” masayang bati sa akin ni Mama. Kinukuha ko ang aking susuotin mula sa aking closet. “Naririnig kong hinihingal ka. Hulaan ko, nagmamadali ka no?” tawa niya. Hinubad ko ang sinuot kong damit kagabi at mabilis na pumasok ng banyo. Nilagay ko ang aking phone sa bathroom organizer para hindi mabasa habang ako ay naliligo. “‘Yan ang sinasabi ko! Kumuha ka na kasi ng katulong. Sigurado naman akong barya lang sa ‘yo ang ipapasahod mo sa katulong!” aniya sa akin.
“Ma, ano ba kasi ang kailangan mo?” hindi ko pinansin ang kanyang sermon. Ilang beses ko ng sabihin na hindi ko kailangan ng katulong. Walang katulong ang tumatagal sa akin. Magsisisi lang sila kapag pumayag silang magtrabaho sa akin.
“Anak. Iyong amiga ko from new york ay uuwi sa katapusan. Magdaraos kami ng welcome party para sa kanya at nag volunteer ako na magko-contribute ng isang buong lechon.” Paliwanag niya. Umirap ako sa habang patuloy ang pag-agos ng tubig ng shower sa aking katawan.
“How much?” nag-e-echo naman ang lakas ng aking boses.
“Twenty Thousand pesos. Alam ko kasing kukulangin ang handa namin kaya mas mabuti ng handa.” Aniya. Si Mama talaga, hindi ko naman siya pinagdadamutan ng sinasahod ko bilang manager ng Hotel Occazia pero kapag usapang kaibigan niya, payabangan ng mga successful daughters and son at antas sa buhay, hindi pwedeng hindi siya makisali.
“Papadala ko mamaya through online.” Sagot ko sa kanya habang sinasabon ang aking mukha.
“What time naman, anak?” tanong niya.
“Twelve noon, Ma. Mag-i-inform lang ako sa ‘yo.” Ani ko.
“Thank you! Thank you so much! Pati rin pala ‘yong—”
Hindi ko na hinintay na umabot pa pati panganay at pinatay ko na ang cellphone. Tinapos ko ang pag-aayos sa sarili nang makalabas ako ng banyo ilang sandali.
They’re all living in South Cotabato habang ang bunso kong kapatid na second year college ay sa nasa Davao ngayon nag-aaral. Doon din ako ipinanganak at nag-aral, pero nang nag kolehiyo ay bumukod na ako sa pamilya ko hanggang dito sa Makati na ako nagka first job at namuhay. Pangalawa ako sa apat na magkakapatid pero dahil maaga nag aasawa ang panganay ay ako na ang halos bumubuhay sa mga kapatid kong sumunod sa akin lalo na noong iwan kami ng sarili kong ama.
Kapag natapos na ang sarili kong negosyo na restaurant, siguradong titriple ang responsibilidad ko sa buhay dahil wala naman akong balak na umalis bilang manager ng Hotel Occazia kahit na maging successful ang restaurant ko. I love my job, I love living with my success I once dreamed of, but I can’t be happy enough with my disposition in life.
Masaya ako dahil naabot ko ang buhay na ito. Pangarap ko ito noon e’, and I’m proud of myself na hindi ako sumuko pero sa totoo lang, hindi ko magawang sumaya nang buo. Tila isang larong puzzle na hindi ko mahanap ang kulang na piraso kahit saang sulok ko pa hanapin.
Wala na akong panahon para patuyuin ang itim at mahabang buhok ko gamit ang blower. Sinuklay ko na lamang ito at naglagay ng kaunting powder sa mukha at lipstick sa manipis kong labi. Then I wore my Rayban sunglasses to hide my unadorned protruding eyes and my Gucci white heels saka ko na kinuha ang aking Car key.
MAGANDANG magtrabaho during sundays, bukod sa wala masyadong mga employees na pumapasok, mainam rin para sa tulad kong mahilig ng tahimik at hindi magulong working environment. Silence feeds my body a good day to start working ahead. Nakukundisyon ang katawan at isipan ko na wala masyadong mag-i-istorbo sa abala kong araw at walang magbabalita sa akin ng problema katulad ng madalas na nangyayari tuwing lunes at unang araw ng buwan.
Pagtunog ng elevator ay agad akong lumabas, katulad ng inaasahan na walang sumalubong sa akin para batiin kung kumusta ang araw ko. I removed my sunglasses habang naglalakad ako sa hallway, I looked at the financial office through its glass walls. Minsan kapag may ibang appointment ako at nahuhuli akong pumasok sa aking opisina, nadadatnan ko ang gulo sa loob nito sa tuwing naririnig nila ang tunog ng aking heels na nag-e-echo sa hallway. They are making a fuss about my arrival, and some of them are pretending to be busy. Andrew is one of them, bukas siya nang bukas ng quickbook kunwari abala sa trabaho pero may tinatagong pagkain sa drawer niya at may kachismis. Ngayon, katulad ng inaasahan ko, naka off ang lights at wala ni isang empleyado ang pumasok.
Hindi na dapat ako sana nagmadali pero sayang ang oras ko. Marami pa akong magagawa kung mas maaga akong dumating at mas maaga akong makakapaghinga mamaya.
Pagbukas ko ng pintuan ay agad kong nilapag ang aking bag sa aking desk. Napakunot ang aking noo nang mabasa ang isang resignation paper na nakalatag sa harap ng aking desktop. Nag resign ang sekretarya ko at hindi pinaalam sa akin thirty days ahead dahil na pressure siya sa trabaho niya? Nakita ko ang signature ng HR supervisor without waiting for my approval. Ibig sabihin pumayag siya na umalis ito agad agad nang hindi kinokunsulta sa akin!
Bigla atang tumaas ang altapresyon ko. This is my first sunday na may bubungad sa aking problema at magpapainit ng ulo ko. Sinubukan kong huminga nang malalim at halos matanggal ang bawat numero sa telepono sa sobrang diin ng pagtimpa ko rito.
“Ma’am!” pumasok sa nakabukas na pintuan ang Human resources supervisor at lumapit sa akin. Mabuti naman at may utak rin pala siyang puntahan ako nang hindi hinihintay ang tawag ko. Binaba ko na telepono at saka ko binigay sa kanya ang resignation ng magaling kong sekretarya.
“Ginagamit mo ba ang utak mo? Bakit naman ganyan, Kristine?! Bakit hindi mo hinintay ang desisyon ko? May mga trabahong hindi pa natu-turnover sa akin nang maayos si Hazel? Willing ka bang sumalo nito?” hindi maiwasang tumaas ang boses ko sa kabila ng pagpilit kong ikalma ang aking loob.
“S-sorry, Ma’am. Actually, matagal na po niyang nasabi sa akin at natatakot lang po siyang humarap sa inyo.” Sagot naman niya. Pinunasan niya ang namumuong pawis sa ibabaw ng labi niya.
“At hindi mo sinabi sa akin?” mas lalong uminit ang ulo ko.
“B-binalak ko po pero hindi ko naman akalain na aalis siya agad kahapon.” Aniya at lumunok bago tumingin sa akin. Tumaas ang isa kong kilay. “Pero, Ma’am, may papalit na po sa kanya agad. Sigurado pong mas magaling siya kay Hazel at mukhang matino.” Masaya niyang balita sa akin. Matino lang sa paningin ko kapag tumagal ng walong buwan sa pagiging sekretarya ko.
Hinire niya nang hindi pinapakilala sa akin, hinire niya nang hindi nag-u-undergo ng interview sa akin. Ito ang problema kapag may iniluklok ka sa higher position at hindi pa gamay ang trabaho niya.
Lumapit si Kristine sa pinto at tila may sinenyasan na pumasok. Unti unting kumalma ang dalawa kong kilay na kanina ay magkasalubong. Tila tumigil ang pag-ikot ng orasan lalo na noong nagtama ang mga mata naming dalawa.
Hindi ko na mabilang kung ilang taong hindi ko nakikita ang pamilyar na dalawang pares ng kayumangging mata na iyon. The memories with those two brown eyes watching me from afar are still vivid.
Bakas rin sa kanyang mga mata ang gulat. Mga ilang sandali bago niya iniabot ang kanyang palad na tila ngayon lang kami nagkakilala, na tila wala namang nangyaring sa pagitan naming dalawa. Nanatili naman nakababa ang aking dalawang kamay, hindi alam kung ano ang gagawin.
“We met again, Mrs— Ms. Corteza.” Nagdadalawang-isip niyang bati. Kahit ang boses niya ay wala pa ring pinagbago. Mga ilang segundo akong napatingin sa kanya. Gusto kong makasiguro kung siya nga ang nakikita ko. Kung siya nga iyong lalakeng bumuo ng halos lahat ng masasayang alaala ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang kalimutan.
“N-Nathaniel...”