Chapter 3: The Naughty Seatmate

2294 Words
June 2006.  Second-year high school na ako at hindi ako makapaniwala na natapos ang freshmen year na parang isang mabilis lang na pagdaan ng rumaragasang truck sa kalsada. Mainit ang sikat ng araw habang nakalinya ang lahat ng studyanteng papasok. Maraming pamilyar na mga mukha may iilan ding mga bago. “Sierra,” tawag sa akin ni Leslie. Bumaling ako sa kanya habang takip takip ang noo laban sa mainit na sikat ng araw. “Akala ko ba magpaparebond ka ng buhok?” tanong niya sa akin. Umirap ako at humarap sa principal na nagsasalita sa harapan. Katulad ng hairstyle ni Madam Medy, ang principal namin, maikli rin ang buhok ko at may bangs. Medyo kulot at itim na itim.  “Ginamit ni Mama pang tuition ko,” ani ko at napatingin kay Gilbert. Agaw pansin siya sa lahat ng nakapila dahil sa kanyang katangkaran. Kahit medyo payat siya ay gwapong gwapo pa rin ako sa kanya. Para siyang si Hero Angeles na may mapuputing balat.  Matapos ang flag ceremony at tumungo kami sa aming designated rooms. Sa pila papasok ng classroom ay may mukha akong nakikitang hindi ko naging kaklase noong freshmen year. Hinahanap ng mga mata ko si Gilbert at napansin sa kabilang classroom siya nakapila.  Buntong-hininga ang pinakawala ko nang mapagtantong hindi na kami magkaklase.  Kasalanan ko ‘to! Matalino si Gilbert pero dahil late na siyang dumating doon sa School namin ay nilagay siya sa section namin. Unang sulyap ko pa lang sa kanya alam ko na agad na siya ang magiging the apple of my eyes. Ang t***k ng puso ko sa tuwing nakikita siya ay hindi ko maintindihan, pinagpapawisan ako ng malamig sa tuwing malapit ako sa kanya, at nauutal ako.  Nang dahil din sa kanya ay natuto akong mag-ahit ng kilay at mag-bunot ng buhok sa kilikili, maglagay ng lipstick sa mga pimples kong hinog na hinog, at higit sa lahat, magsuklay ng buhok. Kung hindi siya dumating sa buhay ko, siguradong hanggang ngayon tinitikman ko pa rin ang sipon ko at hindi ako titigil kakalaro ng chinese garter. “I’m Ms. Aimie Singkol, your classroom adviser.” Ani ng guro sa harapan na may malaking bilbil at mahabang buhok. Nakangiti siya sa amin pero naramdaman ko na ang shakrang bumabalot sa pagkatao niya—Terror. “Sa ngayon, may hinandang akong seats ng bawat sa isa inyo.” Aniya.  Sa bawat row ay may dalawang upuan ang magkatabi. Sa bawat babae na nakaupo ay may katabi silang lalake. May ibang mga lalakeng nagrereklamo dahil hindi nila katabi ‘yong mga babaeng pinakamatalino sa klase naming last section. May iba ring nagrereklamo kasi hindi nila katabi ang bestfriend nila.  Napatingin ako sa gawi ni Leslie. Nasa pinakalikuran siya katabi ang isa sa mga pinakamatalino sa klase namin. Ang swerte ng gaga. Kung kaklase ko si Gilbert malamang siya ang papangarapin kong makatabi, pero dahil hindi, sana naman pagkalooban ako ng langit ng isa ring matalinong estudyante. “Nilalagay ni Ma’am Aimie ‘yong mga pinakapasaway at bobo sa harapan,” narinig kong bulong ng kaklase ko. Habang tumatagal ay nawawalan na ang bakante ang likuran. Hanggang sa tawagin ang pangalan ko… “Sierra Corteza,” aniya. Itinaas ko ang kamay ko at tinuro niya ang upuan sa tabi ni Nathaniel Mamaklid—estudyante sa Section C na nilipat sa amin, ‘yong studyanteng naglagay ng lampaso sa bag ng katabi niya, ‘yong studyanteng parati kong naririnig na nangongopya, ‘yong studyante sikat sa Principal namin dahil ginawa niyang ka-textmate ang Science teacher naming bading noon gamit ang phone ng mama niya. Nagresign ‘yong science teacher namin dahil sa kahihiyan, akala niya nakahanap na siya ng boyfriend. Hindi ko siya makakalimutan…  Napalunok ako at humakbang palapit sa kanya. Bakit ako nasa harapan? Bakit katabi ko ang lalakeng ‘to? Hindi naman ako pasaway ah! “Ma’am, bakit po ako dito?” lakas loob kong tanong kay Ms. Aimie. Napatingin naman si Ms. Aimie sa kanyang hawak hawak na papel bago ako binalingan nang nakangiti. “Isa ka sa mga studyante na kailangang pagtuonan ng pansin,” aniya. Hindi naman ako pasaway ah! “Total average grade is 78. Muntik nang magpasang awa, Ms. Corteza,” aniya. Napapikit ako nang mariin nang marinig ang tawanan ng mga kaklase ko. Kung makatawa! Kaya nga kami nasa huling section e. Buntong hininga muli ang pinakawala ko at nilayo nang kaunti ang upuan ko kay Nathaniel. Napatingin ako sa kanyanang bumaling siya sa akin. “Tinitingin tingin mo?” tanong ko sa kanya. Unang araw pa lang parang gusto ko nang mag-absent. Siguradong walang gagawin na mabuti ang lalakeng ‘to kung hindi ang mangopya sa akin.  Kumunot ang noo niya kasabay ng pagnguso niya. “Luh,” aniya sabay pasada ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Suplada. Akala mo naman maganda,” bulong niya pero sapat ko na marinig ko. Na-offend ako ng slight. Nakakaoffend talaga kapag tingin sa ‘yo ng kaklase mo sa ‘yo ay pangit. “Every quarter mag-iiba tayo ng sitting arrangement. Depende sa performance niyo.” ani ni Ms. Aimie. Orientation lang sa lahat ng subjects namin ngayong araw. Bukas ay mag=uumpisa na ang kalbaryo. Gagalingan ko talaga para hindi ko makatabi ang lalakeng ‘to next quarter.  MALAKAS ang amoy na pabango ni Nathaniel sa tuwing dumadating siya nang umaga. Sa ngayon ay tahimik siya kasi ang mga kaibigan niya ay nasa kabilang section. Sa klase namin ay kaunti lang ang nakikipag-interact sa kanya.  “Huwag ka makipag-usap kay Nathaniel,” sabi sa akin ni Leslie nang mag-recess. Kumakain ako ng ice cream at fries habang nakatingin kay Nathaniel na ngayon ay pumipila para makabili ng pagkain.  “Bakit naman?” tanong ko. Sa tatlong linggo ng klase, nabibilang lang ata sa daliri ang interaction naming dalawa. Hindi ko siya kinakausap at hindi rin naman niya ako kinakausap.  “Masisira ang buhay mo. Narinig mo bang ‘yong kaklase niya noong nilagyan niya ng lampaso sa bag? Nagtransfer ng ibang school ayon, naging last section doon.” Kwento ni Leslie. Wala namang pinagkaiba ang second to the last section sa last section. Grade is just a number, sabi ng papa kong nakakailang balik na ng kolehiyo. “Sira na ba ang buhay mo kapag last section ka belong?” tanong ko sa kanya. Natigilan naman si Leslie, siguro dahil napagtanto niyang last section din kami so sira na rin buhay namin. “Makikita mo talaga, Leslie. ‘Yang si Philip na valedictorian noong elementary, magiging manager lang ‘yan ng restaurant,” Ani ko at ngumiti. “Sino ang may-ari?” tanong sa akin ng kaibigan habang kumakain ng fries. “Ako,” sagot ko naman sa kanya. Nabilaukan siya sabay tawa. Tinapik niya ang balikat ko habang tumatango. “Okay lang talaga mag daydream. Patuloy mo lang, Sierra.” Aniya. Aba! Ako talaga hinahamon ng isang ‘to. Talagang pagsisikapan ko makapag restaurant. Sayang naman ‘tong talent ko magprito at magpakulo ng tubig kung hindi gagamitin. Nahinto sa pagtawa si Leslie nang biglang sinipa ni Denzyl ang upuan niya. Kasama nito ang dalawang kaibigan na hindi ko alam ang pangalan. Si Denzyl ay ang step-sister ni Leslie. Masungit sa kanya kapag nandito sa school pero parang anghel kung nasa bahay nila. Ahead sila ng isang taon sa amin kaya parang sino kung maka-asta sa aming sophomores.  “Binigay ba sa ‘yo ni Daddy ang allowance ko?” mataray na tanong ni Denzyl sa kanya. Kinatatakutan sila sa school pero walang may lakas na loob na magsumbong sa guidance dahil pinanigan siya ng kanyang Mommy na sekretarya ng mayora sa lugar namin. Kinuha ni Leslie ang pitaka niya at inagaw naman sa kanya iyon ni Denzyl. “Akin ‘yang isang libo! Allowance ko ‘yan buong week ah!” reklamo ni Leslie. Siniko siya ni Denzyl dahilan ng pagtumba niya sa sahig. Mabilis akong dumalo kay Leslie para tulungan siyang makatayo. “Losers,” irap ni Denzyl.  Hindi pa siya nakakalayo nang mahagip ng mga mata ko si Gilbert na nakaharap kay Denzyl. May gusto si Denzyl kay Gilbert, pero si Gilbert ay hindi siya gusto. Nalaman namin noong nag confess si Denzyl sa kanya last year pero nireject ni Gilbert. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala pero nagagawa lang ni Gilbert ang hindi namin nagagawa kay Denzyl na para bang magkakilala sila noon pa man. Inagaw ni Gilbert ang pitaka kay Denzyl at inilapag ito sa mesa kung saan nakapwesto si Leslie. Nagkatinginan sila ni Gilbert bago ito umalis. Wala namang nagawa si Denzyl kung hindi ang magpadyak lang ng paa hanggang sa makalabas sila ng Canteen. Uminit ang pingsi ko sa ginawa ni Gilbert. Sinundan ko siya ng tingin at nagkumpulan agad ang mga babae sa harap niya. Ang cool niya talaga! Napangiti ako at hindi ko na namamalayan ‘yong ice cream na kinakain ko ay napunta na sa ilong ko. “PSST! Nakita ko ‘yong eksena kanina,” biglang sabi ni Nathaniel habang nagsusulat kami sa notebook sa biology subject. Nahinto siya sa pagsusulat para tingnan ako. Sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang labi sabay taas baba ng kilay niya. “‘Yong mga mata mo nagha-heart heart tapos nakangiti ka pa kay Gilbert.” Kwento niya sabay bumingisngis. Kumunot naman ang noo ko at pinalibot ang paningin para makasigurong walang nakakarinig sa sasabihin niya. “May gusto ka sa kanya no?” akusa niya sa akin. “Hindi ah!” mariin kong tanggi.  Mas lalong lumapad ang kapilyuhan ng ngiti niya. “Asus! Paano kaya kapag nalaman ‘to ni Gilbert? Sasabihin ko kaya sa kanya? Alam mo bang magkasabay kami minsan maglaro sa livewire?” tanong niya. Hindi na ako nakapagpigil, sinadya kong isasaksak ang ballpen ko sa kamay niya sa kanyang desk para mahimik siya. “Aray!” sigaw niya dahilan ng pagbaling ng lahat sa kanya. Namilog ang mga mata ko sa gulat nang masulyapan ang dugo sa kanyang kamay. Umiyak si Nathaniel habang nakatingin sa kamay niya kaya naalarma din ang  biology teacher namin. “Anong ginawa mo, Ms. Corteza!” inis na sabi ng teacher namin. Dahil naguilty ako ay sinamahan ko si Ma’am habang inaalayan si Nathaniel. Pagpasok sa Clinic ay agad siyang ginamot ng nurse doon. “Ma’am, huwag niyo po akong isusumbong sa guidance.” Mangiyak ngiyak kong sabi. Malilintikan ako kay Mama. Bukod sa mukhang dragon ‘yon, dragon din ‘yong ugali no’n.  Si Papa lang ang kakampi ko pero minsan natatakot din siya kay Mama.  “Depende kay Mr. Mamaklid. Kung hihingi ka ng sorry sa kanya at tatanggapin ang sorry mo, malamang hindi ka isusumbong sa guidance pero kung ayaw tanggapin, sa guidance na lang kayo mag-usap together with your parents to settle your issue.” ani ni Ma’am. Napatingin ako kay Nathan na ngayon ay umiiyak pa rin habang pinapalibutan ng bandage ang kanyang kamay.  Bumalik ang guro namin sa pagtuturo at ako naman ang naatasan na magbantay kay Nathaniel sa Clinic. Nakahiga lamang siya sa higaan habang nakatingin sa kisame. Mayamaya ay hinawakan niya ang kanyang leeg at noo.  “Parang lalagnatin ata ako,” aniya. Naalarma ako at napatingin sa kanya. “Feeling ko hindi na ako makakauwi,” aniya sabay sulyap sa kamay niyang sinaksak ko kanina. “Feeling ko paglalamayan na ako sa sabado,” paawa niyang sabi. “Makiki-inom na lang ako ng kape,” bigla kong singit. Tiningnan niya ako nang masama.  “Kasalanan mo ‘to! Kapag nakita ‘to ni Mama, malalagot ka talaga sa akin.” Aniya. “Computer ko na naman sisisihin nito. Hindi na naman ako makakapaglaro,” bulong niya pero hindi ko halos narinig ang buo niyang statement. “Sorry na kasi. Huwag mo kasi akong tinutukso,” “Kasalanan ko pa?” tanong niya. Bumangon siya sa kama. Umiling naman ako sabay yuko. “Ayaw mong ma guidance, hindi ba? Kasi takot ka sa Mama mo?” tanong niya. Tumango naman ako. “Edi susundin mo kung ano ang sasabihin ko?” “Ha? Bakit ko naman ‘yon gagawin?” tanong ko sa kanya. “Madali lang naman ako kausap. Edi isusumbong na lang kita kung magrereklamo ka lang naman? Tandaan mo nasa desisyon ko ang kapalaran mo.” banta niya. Mas lalo akong naalarma. Mga ilang sandali ko pinag-isipan ang sinabi niya. Hindi naman siguro ako maglalaba ng uniporme niya? “Sige, huwag mo lang kunin lahat ng allowance ko. Wala ako parating pera,” ani ko sa kanya. Ngumisi naman siya at umiling. “Madali lang naman gagawin mo e. Ikaw lang gagawa ng mga homework natin, ikaw din bibili ng pagkain ko para hindi na ako magpila sa canteen, saka ikaw maglilinis ng gawain na naka-assign sa akin.” Aniya. “Ano?!” reklamo ko. “Aray! Aray talaga…” daing niya sa kamay niya. Nasaksak lang naman ng ballpen ‘yan e. Hindi naman siya pinutulan ng daliri. Nang matigil ako ay ngumisi siya ulit sa akin. “Ano nga ulit pangalan mo?” tanong niya sa akin. Imposibleng hindi niya alam ang pangalan ko! Magkaklase kami tapos seatmate pa! Gayunpaman, hanggang isipan ko lang ang reklamo ko. “Sierra Corteza,”  “Ganda naman ng pangalan, kabaliktaran sa mukha,” aniya sabay bumingisngis. Nasaan ‘yong ballpen ko nang masaksak ko ulit ang lalakeng ‘to?! “Ano? Game ka ba, Sierra?” tanong niya sabay abot ng kamay niya sa akin para makipag shakehands. Tiningnan ko ito at mahinang sinapak. Umirap ako at lumabas na ng Clinic. “Game ba ‘yon, Sierra?”  Mga panahong iyon nagsimula ang kalbaryo ko ng high school life ko, pero doon ko rin unang nakilala ang isang Nathaniel.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD