KABANATA 3

1575 Words
"Ang tanga mo Bettina. Dapat nakipagnegotiate ka muna bago ka nagpatira!" Pinapagalitan ako ni Jevie habang umiiyak ako sa gilid. Pumunta ako sa apartment niya para mangutang ng pera. Wala na. Tinamad na ako kagabi kasi hinayang na hinayang ako. Ngalay na ang panga. Masakit na ang pem-pem tapos wala man lang ako nakuhang kapalit? Puro sakit lang pala ng katawan. "Akala ko kasi understood na 'yon e" umiiyak ako na parang bata. Feeling ko, pinagnakawan ako. Na-scam ako shuta. "Ang bobo mo naman. Ikaw na nga napag-aral ikaw pa itong bobo. Malamang sasabihin mo muna na magpapabayad ka. Tanga! Tanga!" "Oo na tanga na. Ako na malas sa buong mundo!" Inis kong sambit habang patuloy pa ring umiiyak. "Ayan ang napapala mo!" Kumuha siya sa pitaka ng ilang lilibuhin at hinagis sa harapan ko. "Ayan. Ibili mo ng gamot ni Kokoy. Lumakad ka na ba sa mga ahensisya ng mga pulitiko para humingi ng tulong. Ang mga magulang mo ba ah?" "Wala na. Pinabayaan na ako Jevie" "Ayan kasi. Nagpabuntis ka!" Ang hirap dito kay Jevie, kung ano-ano pang sinasabi. Oo na, simula ng mabuntis ako ay para na akong isang kahihiiyan. Talagang pinalayas nila ako at hinayaang mamuhay mag-isa. Pero wala na akong pake. Mahalaga sa akin ang anak ko. Ipagtabuyan na ako ng lahat, huwag lang ang anak ko. Kinuha ko ang lilibuhing binigay ni Jevie sa akin. "Babayaran ko ito pokpok" saad ko sa kaniya bago ko iyon sinilid sa aking bra. "Huwag na. Para naman 'yan kay Kokoy. Sa susunod lang, huwag kang patanga-tanga!" "Salamat!" Hindi ko talaga akalaing siya ang tutulong sa akin dahil minsan ko na rin siyang nakutya. Umalis ako ng apartment niya at kaagad akong bumili ng gamot tsaka nagbawas din babayadan sa hospital. Pagkapasok ko sa ward ay nakita kong gising na ang aking anak. "Kokoy!" Ngumiti ako ng matamis. Hindi ko kaagad pinaramdam na may problema. "Inay" sambit niya. Niyakap ko siya ng mahigpit bago ko kinuha ang biniling pagkain para sa kaniya. "Sige na kumain ka na para makalabas na tayo ah?" "Kailan po ako lalabas? Gusto ko na maglaro" tanong niya. "Kapag ayos na ang pakiramdam mo" "Ayos na ako nanay" ngumuso siya. Alam kong yamot na yamot na siya dito sa hospital pero hindi ko pa siya pwede iuwi gawa't nababa pa rin ang kaniyang dugo. "Hindi pa. Eto binili kita ng favorite mong hamburger. Kain ka na" Inabot ko iyon at kaagad naman niyang kinain. "Hindi ka bumalik kagabi hija" si Ka ising iyon, ang malapit kasama dito sa hospital. Ang kaniyang anak ay mayroon ring sakit tulad ni Kokoy. Minsan ay pinababantayan ko talaga si Kokoy sa kaniya lalo na kapag wala ako. "Sorry po ka-ising. Ako po ay may ginawa pero ito po oh burger para sa inyo po. Salamat sa pagbantay dito sa aking anak" "Salamat hija" tinanggap niya ang bigay ko. "Mabait naman si Kokoy bantayan" "Asus. Ang bait daw ng Kokoy ko" lumingon ako sa aking anak na hindi na ako pinapansin kasi kain na siya ng kain. I chuckled. Kinailangan ko ring magpaalam kay Kokoy dahil magtatrabaho pa ako sa isang karinderya. Doon ko kinukuha ang pang-araw araw naming gastos. Nag-iisip na din ako na pumasok sa pag-online selling. Hahanap lang ako ng supplier at baka rin manghiram ulit ako kay Jevie ng puhunan. Pagkarating ko sa karinderya ay nakita kong naghahanda na si Rica, ang bakla kong amo. "Baccla!" Tawag ko bago ako pumasok sa loob at inipit ang aking buhok. "Buti naman pumasok ka gaga!" Ibinigay niya sa akin ang apron ko at aking gloves. "Maghugas ka na ng pinggan!" "Sorry talaga baccla, alam mo namang nasa hospital si Kokoy" sinuot ko ang gloves at kaagad inasikaso ang mga hugasin. "Musta na ang anak mo Betty?" "Umaayos na. Sana nga makalabas na sa hospital" "Kailangan mo ba ng advance?" "Hindi na baccla. Nakahiram na ako" Hindi na ako inabala ni Rica dahil sunod-sunod na din naman ang dating ng customer. Hinugasan ko muna lahat ng pinaglutuan niya bago ako tumulong sa pagtitinda. "Miss, mayroon ka bang boyfriend?" Tanong ng isang binatang customer matapos ko siyang ipagtakal ng kanin. "May anak na ho" mataray kong sambit bago ibinaba ang kanin niya. Kaagad naman itong lumayo na parang nawalan ng gana. Sanay na ako. Mahirap nga namang sumugal at lumandi ng isang tulad kong single mother kaya hindi ko rin trip ang makipag-date. Siguro nagkaroon na rin ako ng trauma sa lalaki matapos akong iwan ng ama ni Kokoy. Isa pa, gusto ko muna magpokus kay Kokoy. Okay lang naman kami kahit kami lang. Kaya ko siya buhayin. Gusto ko iyong ipamukha sa pamilya ko. "Betty, nangangailangan ka ba ng extra?" Tanong ni Rica. "Oho. May ibibigay po ba kayo?" "Palabhan naman ng polo tsaka mga damit ng bebe luvs ko. Alam ko ikaw, pulido ka maglaba" "Sure. 'Yon lang baccla?" "Oo dai! Kailangan maputing puti! Para naman mahalin na ako ng bebe luvs ko" Napailing na lang ako kay Rica. Mayroon siyang kinababaliwan na lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, pangalan no'n ay Alejandro. Halata namang niloloko lang siya no'ng lalaki e. Nakakahuthot ng pera sa kaniya. Pagkatapos sa pagbenta ng ulam, kinuha ko ang ilang labahin na binigay sa akin ni Rica. "Unahin mo 'yong polo ah! Hindi ko maibibigay sa kaniya 'yan kaya ipadala mo na lang. Eto address" may ibinigay siya sa aking papel. "Sige" "Binabalaan kita Betty" dinuro niya ako. "Napakagwapo ng bebe luvs ko. Huwag ka maiinlove" sinamaan niya ako ng tingin. "Aanhin ko ang gwapo kung wala namang pera?" Naalala ko na naman 'yong lalaki na nakaniig ko kahapon. Scam ang itsura puchha. Kung alam ko lang, sana naghanap na lang ako matandang mayaman. Aaminin ko na masarap siya bumayo pero...kung walang pera, huwag na lang. "Kaya ko naman bigyan kaya keri lang!" Natawa pang sambit ni Rica bago siya nagpaalam at may raket pa daw siya. "Ingat baccla. Ingatan mo puwitan mo" biro ko pa. "Gaga!" Pahabol pa nito bago tuluyang umalis. Ako na ang nagsara ng karinderya. Sinigurado ko na malinis muna bago ako tuluyang umalis. Bumalik ako ng aking apartment para maglinis. Hindi kasi nakakauwi gawa't lagi akong nasa hospital. Naglaba na rin ako ng damit naming dalawa ni Kokoy. Nahihirapan pa ako umupo dahil ang sakit ng aking tagiliran. Haist. Hindi ko pa rin matanggap na sumakit ang pempem ko na wala akong nakuhang bayad. 50 pesos?! Haist. Inuna ko muna 'yong polo. Sinigurado ko na matatanggal ang mantsa. Nahirapan pa ako kasi ang laki ng mantsa no'n pero sa huli, nagawa ko pa din ng paraan para malinis. Nilagyan ko pa ng pampabango. Sobra naman ang bigay sa akin ni Rica para sa polo na ito at iba pang damit. Pagkatapos kong malabhan ay gumamit ako ng dryer sa kapitbahay para mabilis matuyo. After ko maisampay ay umalis na ulit ako papuntang hospital. Pinakain ko si Kokoy tapos pinainom ng gamot. Tiningnan ko na rin kung may improvement na ba sa kalagayan ni Kokoy at mabuti naman ay umo-okay na daw ang aking anak. "Maraming salamat" laking ginhawa ang mailabas siya sa hospital. Babayaran ko na lang ang balanse. Katabi ako natulog ni Kokoy. Kinabukasan ay pinakain ko siya ng almusal tapos ay dumiretsyo ako sa bahay para samsamin ang mga sinampay. Niplantsa ko iyon at tinupi ng ayos bago inilahay sa plastic na basket na ibinigay ni Rica. Walang karinderya ngayon dahil sa pinuntahan ni Rica. Buti na lang talaga may palaba siya edi may pera pa rin ngayon. Pumunta ako sa address na sinasabi ni Rica. Bale nasa isa pala iyong exclusive subdivision. "Saan po kayo?" Hinarang ako ng gwardiya sa labas. "Ahh...magdadala lang ng labada po sir" ipinakita ko ang basket na dala. "Ano po bang lot number?" Ipinakita ko sa guard 'yong dala kong papel. Maya-maya ay may tinawagan na iyong guard. "Mukhang may chicks ka na naman ah!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ng guard. "Oo ang gandang babae" Ako ba 'yong tinutukoy nito? "Sige, sige papasukin ko na ito" Pinatay na ng guard ang tawag bago niya ako pinapasok. Sinabi niya sa akin ang direksyon. Nagpasalamat na lang ako kahit nabastusan ako kanina. Nagpatuloy ako sa paglalakad at namangha sa magagandang bahay na nakatayo. Kung ganito pala kaganda ang bahay ng bebe luvs ni Rica, bakit humuhuthot pa ng pera sa kaniya? Buti na lang hindi ko kinailangan maglakad ng malayo. Nakita ko kaagad ang lot number. Tumigil ako sa tapat ng kulay itim na gate. Ibinaba ko ang basket bago ako nagtungo sa may doorbell. Pinindot ko iyon. Nang walang lumabas, pinindot ko ulit. Wala pa ring nagbubukas ng gate kaya pipindutin ko sana ulit nang may magsalita. "Teka lang naman!" Narinig ko ang boses ng isang lalaki. Ito na siguro 'yong bebe luvs ng bakla. Nameywang ako habang hinihintay na bumukas ang gate. Mga ilang minuto ay bigla iyong bumukhas. Napatalon ba ako dahil otomatic na bumukas ng pinto. Wow! Angas. Namamangha pa ako sa gate nang biglang may lumabas na lalaki, walang saplot ang itaas na bahagi ng katawan. Nakasuot ng itim na kupas na short at kita pa ang local brand na garter ng brief. Mayroong towel sa balikat. Saglit akong napatitig sa maganda at matipuno nitong katawan pero nang maiangat ko ang tingin sa mukha, tumaas ang dugo sa aking ulo. Kaagad gumalaw ang mga paa ko palapit at sinampal ko 'yong lalaki. "Putang-ina mo! Mayaman ka pala. Ang pera ko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD