"Ikaw?" Sambit niya.
Dinuro ako ng lalaking kasasampal ko lang. Namumula ang pisngi nito dahil sinigurado ko na malakas iyon.
"Ano pa nga ba?! Tang-ina mo. Ang laki laki ng bahay mo tapos ni limang libo wala kang maibigay?!"
Sobra akong galit. Hindi ko akalaing ang bebe luvs pala ni Rica ay ang walanghiyang inangkin ako ng inangkin tapos scam-in lang ako sa huli.
"Teka nga..." iniharang niya ang kamay sa mukha ko at kaagad ko naman iyong hinampas.
"Akin na ang limang libo!"
Suminghal ang binata. "Wala nga ako limang libo. Napaka-eskandalosa mo e ikaw itong umakit sa akin"
Lumaki ang butas ng aking ilong dahil guilty ako do'n. "Pero nasarapan ka naman ah? Bakit walang bayad ah?"
"Oo nga masarap ka ganda. Masikip! Ang sarap mo din sumubo"
Tumaas ang init sa aking pisngi.
"Pero...wala talaga ako pera. Kinuha mo nga 'yong 50 pesos ko e. Wala akong pamasahe kagabi. Buti na lang gwapo ako, nakalibre ako"
Ako ang napasinghal. "Anong wala? Ang ganda ng bahay mo"
"Hindi ko ito bahay. Caretaker lang. Kasalanan ko bang mukha akong owner?" nameywang siya sa harapan ko.
Muli akong suminghal. Napaka-scam niya talaga at ang yabang pa!
Ngayong nakikita ko ulit ang itsura niya ay umiinit ang ulo ko.
"Lintik na 'yan. Aaakitin tapos manghihingi ng bayad? Pinalasap na nga sa'yo heaven, ako pa scam?" Giit pa niya. Nakapameywang din siya habang sinasabi iyon.
Napairap ako sa kaniyang sinabi bago ko kinuha 'yong basket at sinadya kong iabot sa kaniya.
Kaniya iyong kinuha at binuhat.
"Ayan na pinalalabhan mo sa amo kong bakla."
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. May panghuhusga ko siyang tiningnan.
"Sa gwapo mong 'yan, napakasayang mo" dismayado kong sambit.
Kita ko ang pagtaas ng kilay niya sa aking sinabi.
"Gwapo ka nga, wala ka namang pera" dagdag ko pa bago ako tumalikod at dire-diretsyong umalis.
"Bakit ako lang ba ang sayang?"
Napatigil ako sa paglalakad sa kaniyang pahabol na sinabi.
Lumingon ako sa kaniya. "Ano?"
Ibinaba niya ang basket. Salubong ang kilay niya at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Hindi ba't parehas lang tayo?" Lumapit siya sa akin hanggang sa ilang hakbang na lang ang aming naging pagitan. Nameywang siya sa aking harapan at mapang-husga din akong tiningnan mula paa hanggang sa aking mukha.
"Maganda ka nga...pero pokpok ka naman"
Nagpantig ang aking tainga sa narinig. Kaagad ko tumaas ang mga kamay ko at sinampal siya.
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa ginawa ko.
Tumingin siya sa akin at nakita ko ang paglamlam ng kaniyang mga mata nang masilayan ang aking halos maluha-luhang mga mata.
"Kung pokpok ako, hindi ako pipili ng katulad mo. Huwag mo ako igaya sa'yo"
Inis akong tumalikod at dali-dali umalis, hindi na lumingon pa.
Haist. Bakit ba ang mga nakakainis ang mga lalaking nakikilala ko? Putaena naman talaga.
Pagkatapos ko maibigay ang labahin ay dumiretsyo ako ng hospital para magbantay kay Kokoy at kahit kanina pa nangyari ay ang sama pa rin talaga ng loob ko.
"Ikaw anak, huwag kang lalaking tarantado ah?" Aking advice kay Kokoy habang pinapalitan siya ng damit.
Akala ko talaga matatanggal na itong init ng ulo pero talagang nanggigigil pa din ako.
"Tulad ng ama ko nanay?"
Natigilan ako sa pagpolbo sa aking anak sa aking narinig. Wala akong sinabing masama sa ama niya ah? Hindi naman ako ganoong kasama.
"Saan mo naman 'yan nakuha 'yan?"
Tumingin siya sa akin. "Sabi ni Ate Jev. Gago daw tatay ko"
Ngumiwi ako. Kinginang pinsan kong 'to!
"Huwag ka magsalita ng ganiyan! Masama 'yan huy!"
"Pero hindi ako magiging tulad niya 'nay. Hindi kita iiwan e"
Kaagad akong napangiti. "Aba ang lambing naman ng aking anak e. Paamoy nga kung hindi na amoy putok"
Tinaas ko ang kili-kili at inamoy ko. Humagikhik si Kokoy at tinatakpan ang kili-kili niya.
"Nay! Tama na po!"
Ngumiti ako lalo bago ko siya niyakap ng mahigpit. "I love you anak. Magpagaling ka na. Wala na tayo pera"
"Magaling na kaya ako" ngumuso si Kokoy. "Uwi na tayo"
"Hindi pa pwede" hinalikan ko siya sa pisngi. "Basta anak, kailangan maging mabait ka na lalaki. Responsable! Hindi nang-scam at mas lalong hindi nahuthot ng pera sa iba okay?"
"Opo na nanay. Mainit na po. Tama na ang yakap" tinulak na niya ako at pinakawalan ko na din siya.
Nanatili ako sa hospital ng gabing iyon. Kinabukasan, maaga ako umalis pagkatapos ko pakainin si Kokoy para magtrabaho ulit. Hindi ko pa alam kung paano ko babayaran 'yong balance sa hospital.
Public lang naman iyon pero kasi may bayad pa din ang pagpapaconfine.
Pumasok ako sa karinderya. Nakita ko si Rica sa labas na may kausap na napaka-pamilyar na lalaki.
Lalaking naka-jersey short at tanging nakasando sa pangitaas kaya kitang kita ang laki ng katawan.
Ang aga namang mambwisit!
"Ayos na ba 'yong polo ah?" Rinig kong tanong ni Rica na kung makalingkis sa bwisit na lalaki.
"Oo. Magaling ang naglaba. Sino pala 'yong naghatid ng labahan ko?"
"Ay wala lang 'yon! Huwag ka magkakagusto doon ah? May anak na 'yon!"
"Totoo? May anak na?"
Lintik! Napakachismoso pa.
"Ehem!" Peke akong umubo kaya napatingin sila sa akin.
Ang binata ay kaagad tumutok ang mata sa akin. Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya habang tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ang aga-aga pinagchi-chismisan niyo ako" mataray kong sambit.
"Sinasabi ko lang" Yumakap si Rica sa lalaki. "Eto nga pala si bebe luvs k—"
"Alejandro" putol mismo ng binata bago inilahad ang kamay sa aking harapan. "Ikaw? Anong pangalan mo?"
Halos lumukot ang mukha ko sa sobrang pagkadisgusto.
"Pake mo?" Tinarayan ko nga bago ko sila tinalikuran.
Kinuha ko na ang apron at gloves ko.
"Okay. Nice to meet you 'Pake mo'!" Tumawa siya ng malakas kaya napalingon ako ulit.
Itinaas ko ang gitnang daliri ko.
Ngumisi lang si Alejandro bago nagtungo kay Rica.
"Ang taray ng trabahador mo" narinig ko pang sambit niya.
Suminghal ako at gigil na naghugas.
"Hayaan mo na 'yan kasi. Hindi ka niyan papatulan bebe luvs. Ako na lang!"
"Siyempre ikaw lang Rica. Salamat ulit sa paglalaba ah?"
Sumilip ako at halos gusto ko masuka sa nakikita ko. Nakakadiri silang tingnan lalo na kapag alam mong humuhuthot lang 'tong lalaking 'to kay Rica.
Napakatanga nitong si Rica e.
"Oo nga pala nagugutom ako. Wala pa ako sahod e"
"Ganoon ba? Betty!"
Tinigil ko ang paghuhugas. "Po?"
"Bettywaps" rinig kong sambit ni Alejandro kaya napatingin ako sa kaniya.
Mahina lang siyang tumawa. Umirap ako.
"Ipaghain mo nga itong si Alejandro. Kailangan ko lang kunin 'yong delivery"
"Sige bakla" bumuntong hininga ako bago ko tinanggal ang gloves sa kamay ko.
Lumapit si Alejandro sa mga ulam at tiningnan pa ang available na putahe.
"Eto sa akin. Kaldereta tsaka pritong pata" sambit niya na parang may pambayad siya sa ulam.
Tahimik ko lang iyong sinunod. Wala naman akong magagawa e. Utos ng bakla.
Padabog kong nilalapag ang ulam sa harapan niya.
"Ganiyan mo ba pagsilbihan ang customer mo?" Tanong niya habang nakataas pa ang isa niyang paa sa bangko.
"Bakit? Customer ka ba?" Matapang kong sambit.
Nanggigigil ako sa iresponsableng lalaking tulad niya.
"Oo. Customer mo ako no'ng isang araw hindi ba?" Tumaas ang dalawa niyang kilay.
Pakiramdam ko, uminit ang aking pisngi sa narinig.
"Ang customer, nagbabayad" giit ko pa, pinatapang ko ang aking boses.
"Sige bibigyan kita limang libo pero paisa ulit"
Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. "Tingin mo papatulan pa kita?" Mahina kong sambit.
"Ayaw mo ng limang libo? Tingin ko ay masiyadong malaki iyon para sa isang rounds"
Napalunok ako ng mariin. May balance pa kami ni Kokoy sa hospital pero maliit na 'yon. Kung iga-grab ko ito, makakatulong ito. Kaunti na lang at mailalabas ko na ang aking anak.
"Paano ako makakasiguro na makakabayad ka?" Tanong ko.
"Sa akinse, magkita tayo. Puntahan mo ako"
"Ewan ko sa'yo" kumunot noo ko.
"Totoo nga" Tinaas ni Alejandro ang kamay.
"Scam ka. Iniscam mo ako"
"Hindi na ngayon. Magbabayad na ako" itinaas niya ang dalawang kilay.
Sumingkit ang mga mata ko, hindi pa rin naniniwala.
Nameywang ako sa kaniyang harapan. "2,500 downpayment muna"
"Deal. Ibibigay ko sa'yo bukas"
"Edi bukas tayo mag-usap"
Matagal niya akong tinitigan. "Tapos sinasabi mo na hindi ka bayaran?" Giit niya."Kung makasampal ka pa naman" aniya at hinawakan pa ang pisngi.
Suminghal na lang ako. Bakit ko pa ipapaliwanag ang sarili ko? Edi isipin niya kung ano ang gusto niyang isipin.
"Pero totoo ba na may anak ka na?" tanong niya pa ulit.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano naman ngayon?"
Tinaas niya ang dalawang kamay. "Chill. Ang sungit naman ni Bettywaps"
Mas pinili kong pakalmahin ang sarili bago ako tumalikod para balikan ang mga hinuhugasan ko.
Baka mahampas ko siya ng sandok.