NANATILING nakapikit ang aking mga mata ngunit kanina pa gising na gising ang aking diwa habang iniisip ko ang mga bagay-bagay na nangyari sa aking buhay simula nang magkaroon ako ng muwang sa mundong ito hanggang sa dumating ang dagok na nakapagpapabago sa aking buhay. Hindi ko na lamang na namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha lalo na at bumalik sa aking alaala ang masayang mukha nina ate Sabel at papa. Noong panahon na masaya at kompleto pa kami. Mas lalo lamang nadagdagan ang paghihirap nang aking dibdib nang maalala ko lamang sila. Kaya pinipilit kong iwaksi sa aking isipan ang kanilang mga mukha. Ang dapat kong isipin ngayon kung paano ko pa haharapin at pakikitunguhan sa bawat araw na kasama ko si Jared gayong nakita na niya ang aking katawan. Nagmumukha akong puta sa k