NAKAILANG hakbang ako paatras nang makita ko ang kanyang nanlilisik na mga mata. Hindi na kailangan pang itanong kung galit ba ito dahil daig pa ang dragon sa kanyang hitsura na tila ba nakahanda ng magbuga ng apoy kahit na ano mang oras. ‘Kailan ba hindi nagagalit sa ’yo ang lalaking ’yan? Hindi ba halos isumpa at patayin ka na niyan dahil sa kinamumuhian ka niya? Matulin at malaking hakbang ang ginawa nito papunta sa kinaroroonan namin ni Edd na ngayon kalmado lamang pinanonood si Jared na tila ba hinihintay ang tuluyang paglapit nito. Ka agad bumundol ang malakas na kaba sa aking dibdib baka idadamay niya si Edd sa kanyang galit sa akin. “A—ray!” walang babalang hinablot nito ang aking kanang braso nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi