Nang makabalik ako sa event ay nakaupo na sa table namin si Summer at kasalukuyan nang pumalit sa kinauupuan ko kanina si Stella. Wow, umalis lang ako saglit ay inagawan na agad ako mg puwesto! Well, iyong lupa nga na may titulo ay naaagaw, ano pa kaya iyong upuang wala namang pangalan ko? Freebie na lang sa upuan iyong boyfriend ko na soon to be ex na. Magpinsan naman kami ni Stella kaya sharing is caring, sa kanya na ang balak kong ibasura tutal mukha naman siyang basurera. Pero bago ang lahat ay gaganti muna ako, hindi pwedeng palalampasin ko lang ang panloloko nilang ito kesyo hindi ako in love sa boyfriend ko, the fact na may relasyon kami at loyal ako sa kanya kahit hindi naman siya kagwapuhan ay dapat iginalang niya iyon. Ngayon ay buo na ang desisyon ko na agawin ang atensiyon