"Kapag tayo mahuli ay hindi ka na makakaulit sa'kin," nagbabanta kong sabi kay Yuzef. Patuloy pa ring kumakatok si Summer sa labas ng pinto. Bilib din ako sa determinasyon ng babaeng iyon, at kahit walang naririnig na tugon mula rito sa loob ay patuloy pa rin sa pagkatok na para bang siguradong-sigurado na may tao nga! Ang lakas ng kutob ng babaeng ito! Hindi kumukurap na sinalubong ni Yuzef ang nagbabanta kong tingin sabay abot ng teleponong nasa mesa niya gamit ang malaya niyang kamay habang nanatili pa rin iyon isa na pumipigil sa kamay kong nakapatong sa umbok niya sa harapan. Gustuhin ko mang bawiin ang kamay ko mula roon ay ayaw naman itong pakawalan ni Yuzef. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdamna habang damang-dama ko kung gaano siya katigas, at ramdam ko pa nga iyong