CHAPTER 13 Basta ang usapan naman namin nina Zarlyn, paibigin ko siya saka iiwan. Saka sasaktan. Ngunit pakiramdam ko, kung gagawin ko iyon masasaktan din naman ako. Saka kailagan kong ipaalam sa kanila ang nararamdaman ko kung sakali. Kailangan nilang malaman kung anong nagbago sa akin o kay Axel. Sa ngayon kailangan kong manimbang. Siguraduhin na muna ang lahat. Kailangan kong sumabay sa agos. Unang date pa lang naman ito at malay ko lang ba kung pinapasakay lang ako ni Axel, kung hindi naman talaga tunay na siya ang kanyang pinakikita at hindi totoo ang kanyang sinasabi. Naloko si Mama dahil sa tamis magsalita ang aking Papa nang nanliligaw pa lang ito at maaring ganoon din ang mga sumunod. Yung tipong kayang ibigay ang langit, buwan at bituin ngunit kapag nakuha na ang gusto, parang b